Kabanata Sampu

18.5K 207 9
                                    

Chapter 10

“Talaga?! Ginawa niya yun?”

 

“Yep! Seriously Grace, ang tigas! Shete talaga! Kala ko mawawala na talaga ang V ko!”

 

Yep. Si grace ang kausap ko. Through phone nga lang kami nag-uusap dahil ako ay hindi pumasok ng school ngayon.

Actually, kagabi pa ko hindi lumalabas ng kwarto. Ayoko kasing makita si Nathan pagkatapos ng nangyari kagabi. Gosh. Tuwing maiisip ko yung intimate scene na yun, AY BONGGA ng MUKHA KO! Daig pa ang nag blush on tsk.

Ilang beses niyang kinatok yung kwarto ko pero hindi ko talaga siya pinagbuksan. Sinabi ko pa nga sa kanya na wag siyang gagamit ng master’s key para makapasok kundi iiwan ko talaga siya though hindi naman ako seryoso sa iwan thingy na yun.

Pero infairness ah. Ang tigas talaga ng chest niya. At yung 6-pack abs?! MY GOD! Pamatay! Para na kong pervert >.<

Mianhae >.<

“Ui best, are you still there?”

 

Ay. Kausap ko nga pala sa phone ang bestfriend ko. Space out pa kasi.

“Opo. Nagturo ba si sir yeng?” yan na lang ang naitanong ko. Ayoko na i-bring out yung topic kanina.

“Oo. Hinahanap ka nga eh. Namimiss ka daw niya. Haha.”

 

“LOL. Miss daw. Samantalang 95 lang binigay niya na grade sakin nung midterm!”

 

“Ang yabang mo talaga! Mababa na sayo ang 95?! My gas! Adek ka lang? eh ginto na yung grade na yun samin eh! Yabang mo talaga!”

 

“Chill ka lang best. Wag ka highblood. Haha.”

 

Hindi naman po kasi sa pagmamayabang, pero deans lister po kasi ako J

Oo na. Ako na mayabang psh.

“HINDEEEE! Mayabang ka!”

 

“Sino yan? Si panget ba yan?! Pakausap!” narinig kong nagsalita si Joe over the phone at mukhang nag-aagawan pa yata sila <.<

“Hello?”

 

“Uy, Joe!”

 

“Hello? Hello? Hello? Uy, Sai! SUmagot ka naman!”

 

“Tanga! Kanina pa nga ko sumasagot eh!”

 

I'm His Wife [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt