Kabanata Tatlumpu't Lima

10.5K 101 1
                                    

Hello! I'm back! XD. Namiss niyo ba ko? Hahaha. Makakapag-upload na rin ako sa wakas ng updates :)

Kasalukuyan ko pong ginagawa ang epilogue ng I'm His Wife at nakagawa na po ako ng 2 chapters ng book 2 nito :)

Pero syempre, sa book 2, hindi na kay Sai at nathan iikot ang story. Sa mga anak naman nila. Hmmm. Sige mag read na lang kayo. Ja ne~

Chapter 35

“Sai… Gising na!” kanina ko pa siya niyuyugyog pero hindi siya magising gising.

“Hmmm…” ayan. Uungol lang pero hindi naman nagigising.

Naiirita na tuloy ako. Anong oras na kasi siya umuwi! Alas kwatro na ng umaga. Nakakainit lang ng ulo.

Niyugyog ko pa ulit siya for the last time pero nilakasan ko na.

“Sai! Gising na, ano ba!”

 

“ANO BA KASI! KITANG NATUTULOG PA KO EH!” sigaw niya sabay upo sa kama.

Pupungas pungas pa siya at saka siya tumingin sakin.

Malungkot naman akong tumayo.“Aalis na ako. May pasok pa ko sa trabaho. Tutal nandyan ka na, alagaan mo na yung mga bata. Mag-almusal ka na kung gusto mo. Nagluto na ako.” Saka ako tuluyang lumabas ng kwarto niya.

****

 

Ang tanga tanga ko talaga!!! Bakit ko ba kasi siya sinigawan?!

Ang bobo mo talaga Sayuri!

“AAAAAAAHHHHH!!!! Bakit ba kasi ang bobo bobo ko?! UGH!!!! NAKAKAINIS!” sigaw ko habang inis inis na ginugulo ang buhok ko.

Badtrip talaga.

Nagpalit na ako ng damit at kumatok sa pinto ng kwarto ng kambal.

“Good morning mommy.” Bati sakin ni Treyke ng buksan niya ang pinto. Kinarga ko naman siya at hinaplos ang mukha.

“Maayos ba ang tulog ng baby ko?”

Tumango tango naman siya.

“UWAAAA! MOMMY!!” umiiyak namang lumapit sakin si Xteffane.

“What happened baby?” nag-aalalang tanong ko sa kanya.

“You’re such a cry-baby Xteffane! Iyakin!”

 

“UWWAAAAAAAAA!” mas lalo pang lumakas ang iyak niya.

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon