Kabanata apat

23.6K 327 10
                                    

Chapter 4

Nandito kami ngayong dalawa ni Nathan sa loob ng kwarto ko. Sabi niya may sasabihin daw siya.

Gosh. Wag sana bad news.

Kanina pa siya hindi nagsasalita. Naiinip na nga ako eh.

“Beb.”

 

“Po?”

 

Jusme. Kinakabahan talaga ko.

“Magsama na tayo.”

 

“HA?????!!!!!!!!”

 

Hanuh daw? Pakiulit?!

“Sabi ko, magsama na tayo. Sa iisang bahay mismo. Para masanay tayo sa presensya ng isa’t isa. Hindi naman tayo habang buhay na magkahiwalay ng kwarto di ba? Dati oo ok lang yun since bata ka pa pero 19 ka na ngayon. Tapos ka nang magcelebrate ng debut mo. So, I think kailangang magsama na tayo. I mean bumukod.”

 

“Let me think.”

 

Ginagap naman niya yung kamay ko. Shocks talaga. Di ko alam isasagot ko eh.

“Beb, kailangan na talaga nating bumukod. Mag-asawa tayo. Dapat lang na magkasama tayo di ba? Kung iniisip mo na mag-aanak tayo, no. Kung hindi ka pa ready magkaanak ok lang sa kin. Afterall hassle lang yun sa study mo. Fourth year ka na sa June. Don’t worry, hindi naman ako nagmamadali. Naiintindihan kita.”

 

Jusko po! Hindi ako makapag-isip! Hindi ko pa kayang bumukod! Prinsesa ako sa bahay eh! As in hindi ako naglalaba, nagluluto, naglilinis ng bahay. Well, minsan lang pero hindi madalas kaya hindi ko pa kayang bumukod! Jusko po! Help me please!

“Beb, are you ok?”

 

“Sai.”

 

“Hin –

 

“Ayaw mo right?”

 

“Hindi naman sa ganun. Kaya lang kasi….”

 

“Kaya lang ano?”

 

Binitiwan na niya yung kamay ko. My God! Galit na naman siya. Jusme naman kasi eh.

Magdecide ka na Sai.

“Kaya lang…. Hindi pa kasi alam to nila nanay eh.”

 

Wushu. Palusot.com

Hala  > ___<

I'm His Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now