Kabanata Dalawampu't Isa

11.9K 147 3
                                    


I know maikli lang ang UD. Pagtiyagaan niyo na lang ^_^

Thank u po ng marami sa mga patuloy na nagbabasa ng story na to and I'm sorry kung medyo boring ang updates at wrong grammar. Pasensya na po talaga >.<

Hindi po kasi ako tunay na writer ^_^. Just bear with me 


Chapter 21

“Bakit nandito ka?” nagtatakang tanong ni Sai sa akin.

Part lang to ng plan.

Operation: Bawiin ang pamilya ko

Nandito ako sa ospital kung saan nakaconfine ang isa sa mga anak ko. Nalaman ko kay Rulf na kambal pala ang isinilang ni Sai. Lalo tuloy akong nalungkot. Ni hindi ko siya natulungang saluhin ang lahat ng paghihirap sa pagbubuntis at pagluwal kay Xteffane at Treyke.

Natuwa ako nang malaman kong dalawa ang anak kong lalaki pero nalungkot din at the same time dahil nakacomatose pala ang isa sa kanila. Kawawa naman ang anak ko. Napakabata pa.

Lumungkot na naman ang mukha ko nang maalala kong may sakit ang anak ko. Mukha namang napansin ni Sai ang pagbabago ng mood ko kaya hindi na siya nagsalita pa at hinayaan na lang akong titigan ang anak ko.

Lumapit ako sa higaan ng anak ko at hinaplos haplos ang kamay niya. Hindi ko tuloy mapigilang maiyak. Ilang araw na ba akong ganito? Mahigit pitong  araw na ata. O baka higit pa.

Hindi ako nakuntento sa paghaplos lang ng kamay niya. Hinalik halikan ko pa.

“Baby… Please, wake up. Daddy’s here.. Please baby, wake up. I want to hug you right now. I’ll carry you everyday if you wake up. We will do some stuff that only boys can do. I’ll be a good father to you. So, please…. Wake up.” Pilit ko mang pigilan ang pag-agos ng luha ko, hindi ko magawa.

Patuloy lang sila sa paglabas at tila ba hindi sila mauubos.

Narinig ko namang napahikbi na rin si Sai.

“I love you Treyke. Please wake up na ha? Daddy loves you so much.”

 

Niyakap naman ako ni Sai mula sa likuran. Ramdam ko namang galit pa rin siya sakin pero alam kong naaawa siya sa kalagayan ko. Ang laki na ng pinagbago ng katawan ko. Bumagsak ang pangangatawan ko. Pumayat ako at lumalago na ang bigote at balbas ko. Naging ganoon lang naman ako nung nalaman ko ang lahat lahat. Sising-sisi ako dahil wala akong alam sa lahat ng nangyari. Sinisi ko ang sarili ko dahil wala akong kwentang asawa at ama. Ni hindi ko naalagaan ang mag-iina ko.

Humarap ako kay Sai at niyakap siya. Umiyak ako ng umiyak sa balikat niya. Hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sakit talaga.

“Bakit siya pa?! Bat ang anak ko pa? Napakabata pa niya. Dapat ako na lang ang nandyan instead na siya.” Tinapik tapik ni Sai ang likod ko.

“Sshh.. Ilabas mo lang yan. Magiging maayos din ang lahat. Matatag si Trey. Alam kong magigising siya. Nangako siya samin ni Xteffane kaya magigising siya, okay?”

 

Kumalas ako sa yakap niya at pinunasan ang luha niya.

Ngumiti naman ako sa kanya. “Oo, magigising siya. Mana yun sa mommy niya eh. Matibay at hindi sumusuko. Matigas pa ang ulo kaya alam kong magigising siya.” Sabi ko at ginulo-gulo pa ang buhok niya. Napangiti naman siya sa ginawa ko at mahina akong pinalo sa braso.

“Hindi matigas ang ulo ko ah.” Kontra niya at pinunasan naman ang luha ko. Hinawakan ko ang kamay niya at nakipagtitigan sa kanya.

Palapit na ng palapit ang mukha ko. Hindi naman siya pumalag at ipinikit pa ang mata.

3 inch. 2 inch. 1 inch. Malapit na.

“Kain ta—“ entra ni Rulf kaya napalayo kaming bigla sa isa’t isa.

“Oh… Mukhang nakaistorbo ako. Sorry naman ah. Balik na lang ako maya. Tuloy niyo na yan.” Aniya sabay ngisi.

Nakita ko namang namula si Sai. Ang cute cute niya talaga.

“Kuya naman eh!” angal ni Sai at lumapit sa kuya niya at sinapak sapak pa ito.

“Ouch ah! Masakit yun princess. May papikit-pikit ka pa ngang nalalaman diyan eh . Hahahaha.” Asar naman ni Rulf kay Sai na binuntutan pa ng tawa.

Napangiti na lang ako sa inaasal ng magkapatid.

I'm His Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now