Kabanata Tatlumpu't Anim

11.2K 103 0
                                    

AN: Matagal ang update? Patience lang kapatid. Mag a-update ako kapag may time ako at kapag nakalibre sa wifi. Sensya na sa mga nagbabasa nito. Gomenasai, minna. 

Chapter 36

“Ang haba haba ng buhok mo best!!!!! Ang sarap putulan!”

 

Napa-face palm ako ng di oras sa lakas ng boses ni Grace. Ipagsigawan daw ba? Ako ang nahihiya dahil sa kanya eh. Pinagtitinginan kami ng ibang customer dito sa Mcdo.

Nakaka BV talaga tong babaeng to. Kaya nga ayokong magkwento ng kung anu-ano diyan dahil saksakan ng ingay. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng makakausap, hindi ko ikukwento sa kanya ang pinagdadaanan ko ngayon.

“Pwede ba Grace, lower down your voice. Nakakahiya sa mga tao. Buti sana kung tayo lang ang kumakain dito ngayon. Mahiya ka naman.” Saway ko sa kanya.

 

“Eeee. Masaya lang kasi ako para sayo best!”

 

Inirapan ko siya. “Anong masaya dun?”

 

“Ang dami mong manliligaw eh! Take note, may anak ka na niyan! Tatlo pa ang manliligaw mo! Taray! Di na kita mareach!”

 

Inismiran ko siya. “Kung ikaw natutuwa, pwes palit na tayo ng pwesto. Nakakairita kaya! Palagi na lang silang nagtatalo! Palagi pa silang nagpapaligsahan kaya instead na gumaan ang buhay ko dahil tatlo sila, lintek! Lalong sumasakit ang ulo ko sa pinaggagawa nila! Masaya ba kung araw-araw ang ingay sa bahay? Yung tipong parating may gyera?”

 

“Ah basta! Mahaba ang hair mo!” ayaw niya talagang patalo. Kung anong gusto niya, yun ang paniniwalaan niya.

At anong pinag-uusapan namin? Well,  few weeks ago, nagulantang na lang ako nang may tatlong lalaki ang nagpapaligsahan sa panliligaw sakin.

Sa lahat ng oras at lugar, nakabuntot sila sa akin na parang aso. Oo, ASO. Kahit nga saan ako magpunta eh nakasunod eh! Well, pwera na lang sa banyo.

Ugh. Sakit talaga sa ulo yung tatlong yun. Sino sila?

Si Niko. After naming mag meet sa reunion, hindi na niya ako tinantanan. Ilang beses kong ipinaintindi at sinabi na may mga ANAK na ako at malapit na ulit akong ikasal sa ex-husband ko pero hindi talaga siya matinag-tinag. Na love at first sight daw siya sa akin at handa niyang ipaglaban ang pag-ibig niya kahit alam niyang talo na siya. Sa kanya talaga sumakit ng bonggang bongga ang bangs ko. Lintek. Ibang klaseng lalaki talaga!

Si Yong. Oo! Si Jung Yong Hwa! Hindi talaga ako makapaniwala na ang isang katulad ni Yong ay magkakagusto sa akin. Sino ba naman ako diba? Isang ordinaryong nanay sa dalawang makukulit na chikiting. Wala sa hinagap ko na may possibility na mainlove sa akin ang tulad niya. Ganun pa man, pilit ko pa ring ipinaintindi na mahal ko ang PINSAN niya. Pero talagang matigas din ang ulo niya tulad ni Niko. Ipagpipilitan pa rin niya ang sarili niya sa love story namin ni Nathan. Ilang beses ko na rin na sinabi sa kanya na hindi kami bagay at mas bagay sila ni Shin Hye pero sadya talagang matigas ang ulo niya. Paninindigan daw niya ang pagmamahal niya sakin. Wala daw siyang paki kung wala siyang pag-asa basta’t bigyan ko daw siya ng chance na maipakita ang pagmamahal niya. Okay na sana siya eh. Kaso mahal ko talaga ang ex ko.

I'm His Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now