Kabanata Dalawampu't Walo

12.2K 124 10
                                    

Chapter 28

“Oh? And then?”

Ang bilis ng panahon.

6 months na ang lumipas at maayos na ulit ang buhay ko.

Pinakawalan na rin ako ni Ralf sa wakas at nalaman kong wala pala talaga siyang sakit. Pinalabas lang niya para maawa daw ako at hindi siya iwan.

Hindi ko naman siya masisi. Nagmahal lang siya. Yun nga lang, naging selfish siya.

Hmm… Ayun,

BFF na kami ni Eun-hye ^_^

Sa wakas, may bago na akong bff.

Hindi ko naman pinagpalit sila Joe. Nadagdagan lang naman sila.

Oo nga pala, 3 months ko nang hindi nakita si Joe. Nasa barko po kasi siya. You know, marine.

Si Grace naman eh nanganak na. Babae. Cute nga eh, kamukha niya.

Ang dalawa ko namang babies eh sobrang lulusog. Ang tatakaw pa.

Birthday na pala ng kambal ko next month. Excited na ako! Mag 5 years old na rin sila sa wakas. Pwede ko na ipasok sa day care dito.

Well, sa japan kasi pwede naman ipasok ang bata kahit na ilan taon pa so 3 years old pa lang ang babies ko eh naranasan na nilang mag-aral. They’re the best students there! Makakita ka ba naman ng bata na nag-eenglish at nagni-nihonggo eh. Oh di ba? Ang talino ng kambal ko.

“Oy, pansinin mo naman ako!”

“Ano nga ulit yun, Grace?”

 

Sumimangot siya sa akin at inirapan pa ako. “Space out pa kasi! Ang sabi ko, ang sweet sweet ng Ethan ko!”

 

“Oo na! Pang 100 times ko nang narinig yan ngayong araw na to kaya di mo ko masisisi kung umay na.” sagot ko.

Tignan mo tong babaeng to, kakapanganak lang, aariba na naman ata. Lintek tong si Ethan eh. Mukhang seseryosohin pa rin yung kasabihan na Humayo at magpakarami. Ni hindi niya alam ang salitang family planning. Badtrip.

“Psh. Ano na nangyari kay Nathan?” change topic niya.

Nangalumbaba na lang ako at nakatingin sa labas ng café.

“Ayun, nasa Korea pa rin. Marami daw siyang kailangang ayusin dun.” Walang gana kong sagot.

“Ang sipag talaga ng asa— I mean ex.”

 

I'm His Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon