"Pero gusto ko lang naman na patigilan ka. Baka masaktan ka lang... Ayaw rin kitang paasahin." Gumanti ako ng titig sa kanya. Gusto kong maunawaan niya ang sinasabi ko. Na seryoso ako sa gusto kong mangyari.

"Why will I be hurt? Hindi mo ba ako gusto? Wala ba akong pag-asa sa'yo?" Lumambot ang kaninang maintensidad niyang titig. Parang may kung anong kumirot sa puso ko.

"Hindi sa gano'n, Troy. Hi--"

"Kung gano'n, meron na bang ibang laman ang puso mo?" Agad akong napaiwas ng tingin.

Matagal na.

Siya nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Kung bakit ako napalapit sa'yo gano'n din kung bakit kailangan ko nang lumayo.

Hindi kasi tama. Lahat ay hindi tama.

Nasaktan ako ng dahil sa kanya kaya pinili kong ituon sa iba ang aking nararamdaman.

And then you came. Panandaliang nawala ang sakit na dulot niya.

Pero napagtanto ko ring hindi tama. Kaya pinili kong itigil na dahil ikaw lang ang masasaktan.

"Wala. Hindi iyon ang dahilan." Humina ang boses ko.

Hindi na siya nagsalita. Muli siyang naglakad papunta sa building. Gano'n din ang ginawa ko.

Nang makarating na kami sa tapat ng aking classroom ay huminto rin siya. Hinarap ako at inabot ang isang box ng tsokolate. Nagulat ako. Hindi ko napansing may dala pala siyang ganito!

"Troy..." Hindi ko basta inabot ang binibigay niya. Gusto ko na siyang patigilin. Gusto kong maunawaan niya iyon.

"Claire, accept this simple gift, okay?" Kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang tsokolate.

It's tempting!

"Pero..." Nagpabalik-balik ang tingin ko sa tsokolate at sa kanya.

"Tungkol sa panliligaw ko... please give me atleast one month. Gusto kong ipakitang seryoso ako. Na totoo ang nararamdaman ko. Then after that, kung talagang wala kang nararamdaman, iiwas na ako. Hindi na kita guguluhin."

Wala sa sarili akong tumango.

"Ang aga mo raw umalis ng bahay kanina. Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni Niccolo pagkaupo ko sa pwesto ko. Sa harapan ko lamang siya kaya madali siyang nakalingon pag-upo ko.

"May kinausap lang ako." Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Ewan ko ba. Parang naubos ang enerhiya ko. Wala naman akong ginawa.

Napansin ko ang paninitig niya sa tsokolateng dala ko. Sabay kaming napatingin sa isa't isa. Nakakunot ang kanyang noo.

"Ahh.. you talked to him..." Tumango-tango siya nang sabihin iyon. Oras ko naman para magkunot ng noo.

"What?" Taas kilay na sabi ko. Pero imbis na sagutin niya ako, tiningnan niya lang ako sandali at muli nang humarap sa blackboard.

Okay. What was that?

Nang magbreak time ay sumama ako sa mga kaibigan ko na pupunta sa bagong bukas na restau sa labas ng school. Allowed naman kaming lumabas ng campus kaya ayos lang. Nasa table na kami nina Lhieanne habang hinihintay ang boys na maka-order nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko.

It's Troy...

"Hello?" Hindi na ako umalis sa table namin dahil nasa pinakadulo ako. Sa tapat ng glass wall. Mahirap kung aalis ako. Baka unahan ako ni Adrian o ni Niccolo. Hininaan ko na lang ang boses ko.

"Hi, Clara! Nasaan ka? Sabay na tayong maglunch." Bakas ang kasiyahan sa kanyang boses. Nagsalubong ang kilay ko.

"Oh I'm sorry. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko. Naglulunch na kami e."

"Gano'n ba? Hmm... sige, next time." Marahan akong tumango.

"Who's that, Claire?" Pinanlakihan ako ng mata ni Lhieanne. Tinutukoy ang kausap ko sa kabilang linya.

Umiling lang ako sa kanya at sumenyas ng tahimik. Nagtaas lang siya ng kilay at humalukipkip. Napatingin na rin si Jazz sa amin.

"Are you still there, Clara?" Nabalik ang atensyon ko kay Troy.

"Yeah..."

"Sabi ko sabay na tayong umuwi mamaya... okay lang?"

"Kakain na." Padabog na nilapag ni Niccolo ang pagkain sa harapan ko. Agad akong napatingin sa kanya at sa iba pa naming kaibigan. They are all looking at us.

Binalingan ko ulit ang kausap ko.

"Ah... sige sige. Kakain na kami. Byee~" Hindi pa man siya nakasasagot ay pinutol ko na ang tawag. Niccolo's mad expression is plastered on his face.

"Sino ba kasi 'yun, Clara? Manliligaw?" Nakangising tanong ni Adrian. Inirapan ko lang siya.

"Wala kang pake."

Binalingan ko ang pagkain sa harap at nagpasalamat. I started eating my food.

Sasabayan niya ako mamaya. Paano ko ba tatakasan 'to?

Mas lalong nagulo ang isip ko.

Paano na? Haist!

"Ayaw tumigil? Anong gagawin mo?" Tanong ni Lhieanne nang maglibrary period kami. Tapos ko na ang lahat ng assignments ko. Pwera pala sa math. Hindi ko na naman masundan ang tinuro kanina.

"Hindi ko nga alam e. Gusto niyang bigyan ko siya ng one month para patunayan na totoo siya." Napangalumbaba ako.

Maalala lang iyong mga sinabi niya'y sumasakit na ang ulo ko. Hindi ko talaga alam kung paano.

"Yan ang sinasabi ko sa'yo no'n, Claire. Ang hilig mo kasing makipagkaibigan sa mga lalaki." Sabat ni Jazz. Muntik nang umikot ang mata ko sa narinig mula sa kanya.

Hindi naman ako mapapalapit sa iba kung hindi lang ako nasaktan ng dahil sa inyo ni Rhein.

Isa pa pala iyon. Hindi pa niya sinasabi ang tungkol doon. I'm still waiting for the time she'll tell us about their relationship.

Kawawa si Adrian. Wala siyang kaalam-alam. Patuloy niya pa ring nililigawan si Jazz.

"I have reasons, Jazz." Muli kong binuklat ang libro ko. Tama na 'tong kunyaring nagbabasa ako kaysa tingnan sila nang ito ang pinag-uusapan.

"Pwede mong sabihin sa amin. No secrets, right?" Hinawakan ni Lhieanne ang kamay ko. Napatingin ako doon.

"Sasabihin ko rin naman but this is not the right time. Hindi naman ako nagtatago sa inyo, diba?" Tinitigan ko si Jazz nang sabihin ko iyon. Mahalata niya sana ang gusto kong iparating.

Hindi pa rin pala ako tuluyang nakalilimot sa inis sa kanya.

"Okay. Let's just wait for the right time..." Sabi ni Jazz nang nakatingin sa kanyang notebook. Tinutusok-tusok niya ang ballpen niya do'n.

//posted april 20, 16

Chased (In Luv Series #1)Where stories live. Discover now