Hindi ko inakalang mararamdaman kong hindi ako karapat dapat para sa kanya.

Naging tanga ako ng mga panahong 'yon. Tiyak 'yon pero dahil sa pagbabalik ni Seven, nalaman ko na sobra ang pangungulila ko sa kanya.

Umiyak ako dahil sa sobrang siya.

Inis na napadilat si Gab dahil biglang impit na naghiyawan ang ilang mga kababaihan. Ung iba sumilip pa talaga sa labas.

Nakita mo ba ung gwapo sa tapat ng school?

Oo, teh. Ang gwapo. Tiyak isa na naman 'yon sa manliligaw ni Sarah.

Tara puntahan natin, dali!

"Ang ingay naman." Naiinis na sabi ni Gab sabay suklay sa huhok gamit ang mga daliri. "Ano bang meron?"

"Yung manliligaw ni Sarah nasa labas..." Walang gana kong sagot.

Si Sarah ay ang campus muse namin. Maganda siya, mayaman at matalino. Hindi ko lang sure sa ugali kasi hindi pa naman kami nagkakausap. Although tama sila na maganda siya. Sabi rin nila whole package na ito kaya siguro mabait din.

Kaya nga maraming nanliligaw dyan, eh. Inside and outside the campus. Ung iba hinihintay lang siya sa labas after school. Gaya nitong isa. Karamihan nga lang sa kanila hindi niya pinapansin.

Nang mag-uwian at nakita ko si Sarah na may matamis na ngiti habang kinakausap ng mga kilig na kilig niyang mga kaibigan. Pabiro pa siyang tinutulak palabas.

Marami ring mga kababaihang nakikitingin sa labas ako naman hindi ko pinansin kasi uuwi pa 'ko kayla nanay.

Andito na sila sa Maynila. Nagulat nga rin ako nang bigyan sila ng lupa't bahay dito ni Seven. Para daw hindi ako gano'ng malungkot 'pag wala siya.

Napaka sweet at thoughtful niya talaga.

"Makikiraan po." Sabi ko sa mga nakaharang sa daan palabas ng gate. Bakit halos ata lahat ng babae dito sa university ay nakikiusisa.

Napailing nalang ako nang tuluyang makalabas. Hanggang dito ay rinig parin ang mga hiyawan nila. Grabe naman kung kiligin ang mga 'yon.

Gusto ko nang umuwi para matawagan ko sa skype si Seven. Limang bwan nalang at babalik na siya. Sana bumilis ang oras.

"Maro!" Ang nakangiting mukha ni Gab ang nakita ko 'pag kalingon ko. "Hatid na kita."

"'Wag na. dadaan pa kasi ako sa mga magulang ko."

"Edi sabay nalang tayo hanggang sakayan ng jeep. Do'n din naman ako, eh."

"Sige na nga." Pumayag na 'ko. Dyan lang naman sa sakayan. Alam kong umiiwas ako sa kanya pero nakakahiya kung tatanggihan ko gayong pareho lang kami ng pupuntahan.

Siretso agad ako sa bahay pagkagaling ko kayla mama. Nadismaya ako nang hindi komakontak si Seven pero naiintindihan ko naman na busy siya at tsaka hindi naman ito ang unang beses na hindi ko siya nakausap.

Gano'n parin sa school kinabukasan. Ang kaso lang, hindi ako makapag review ng maayos dahil ang dami na namang nagtsi-tsismisan.

Tumpok na naman ang mga kababaihan sa entrance ng school. Nasulyapan ko pa saglit si Sarah na kinakausap ang manliligaw niya. Nakayuko dahil sa hiya at mukang namumula na rin siya.

The Good Between BadOnde histórias criam vida. Descubra agora