Sa paghanga nagsisimula ang lahat bago mo mapagtantong nagmamahal ka na nga ba o hindi pa.


Crush mo 'ko, gano'n din ako sa 'yo. Masaya ka sa tuwing kasama ako, napapangiti ka sa mga corny jokes ko. Namumula ka, kapag lumalapit ako sa 'yo.


Alam kong sa sarili kong mahal na kita, crush. Kaya sana, mahal mo na rin ako kahit may nakabara pa riyan sa puso mo.


Hindi ko alam kung nananadya ba ang libro para pasakitin ang damdamin ko o ano. Napapaiyak na naman ako dahil sa mga sulat na inilatag nito. Ang sakit sa puso, nakakadugo.


Para maibsan ang kirot na aking nadarama, minabuti kong bumaba muna para uminom ng tubig.


Pagkarating ko sa kusina, nagtataka ako dahil parang mayroong malagkit na kung ano ang nasa sahig. Para iyong jam or honey. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka nakaligtaan lamang linisin ni Jaycee ang kalat niya. Alam ko naman, may pagkamasiba iyon.


Pagkabukas ko ng ref, tumambad sa akin ang isang putol na braso. Sa sobrang gulat ko, naibalibag ko nang malakas ang pinto ng ref at napabalikwas papatalikod.


Nang mapaigtad ako papatalikod, bigla akong napaupo sa sahig dahil natalisod ako sa kung anumang bagay ang nakakalat sa sahig. Biglang tumibok ang puso ko nang mabilis, ang aking kanang kamay ay ipinangtakip ko sa aking bibig upang hindi makapagdulot nang ingay. Hindi ko masikmura ang binting nakakalat sa sahig. Gusto kong masuka sa takot!


Dali-dali akong gumapang patungo sa may hapag kainan. Pagkatayo ko, napapikit na lamang ako dahil sa pugot na ulo ng isang babae ang nakapaibabaw ngayon sa may lamesa. Tirik na tirik ang mata nito na tila ba nanggagalaiti.


Papatalikod na sana ako nang biglang lumitaw ang katawan ng babae sa aking harapan. Mukha siyang hinati nang pira-piraso dahil hiwa-hiwalay ang parte ng kaniyang katawan.


"Tulungan mo 'ko!" sigaw niya.


Dahan-dahan akong naglalakad nang paurong. Napatigagal na lamang ako nang ako'y mapasandal sa pader. Halos mawalan ako ng boses nang biglang bumukas ang ref at lumabas dito ang putol na braso na para bang nagkaroon ng sariling buhay. Gamit ang mga daliri, naglalakad ito patungo sa direksyon ko.


Gano'n din ang ginawa ng putol na binti sa may sahig. Bigla itong nagkaroon ng sariling buhay at naglakad patungo sa akin. Ang katawan naman ng babae ay nanlalagkit, naghahalo ang dugo at honey sa kaniyang katawan.


"Tulungan mo 'ko!" sigaw niya ulit.


Lumutang ang kaniyang ulo sa may ere habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.


"Kadiri ka! Ahhh!" sigaw ko habang nanginginig sa takot.


"Morixette? Anong nangyayari sa 'yo?"


Nahimasmasan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses, si Papa. Mabuti na lang at dumating na sina Mama at Papa kaya nawala ang takot na bumabalot sa akin kanina.


"Ma! Pa!" turan ko.


Nagkukumahog akong tumakbo papalapit sa kanila at biglang niyakap. Napaiyak na lamang ako sa kanilang bisog dulot nang takot.


"Tahan na, Anak. Nandito na si Mama," pang-aalo nito sa akin habang hinahaplos ang aking buhok.


Bigla namang lumabas sina Lola at Jaycee mula sa kanilang silid dahil sa pangyayari. Naka-earphones pa ang pinsan ko kaya pala hindi niya naririnig ang mga sigaw ko kanina habang si Lola naman ay mahimbing ang tulog kaya hindi agad nagising.


Bumalik na ako sa aking silid nang mahimasmasan na ako. Pagkapasok ko, kinuha ko kaagad ang aking cellphone para sana magpatugtog. Laking gulat ko nang makitang mayroong text si Charlie.


Magkita tayo bukas. Mag-usap tayo, nais ko lang na magkaayos tayo. After noon, hindi na kita guguluhin kung ayaw mo na talaga sa akin. 

-Charlie


Nagdadalawang-isip ako kung rereplyan ko ba o hindi. Basta kapag si Charlie ang pinag-uusapan, nagugulumihanan na ako.


Mayroon pang unregistered number ang nagtext sa akin.


Hi, Morixette! Si Jerico 'to, kinuha ko 'yong number mo sa pinsan mo hehe. Sana, okay lang sa 'yo. 

-Jerico


Loko talaga 'yong pinsan kong iyon. Paano kaya siya kinumbinse ni Jerico? Hmmm.


Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinabukasan, hindi ko magawang buksan ang loob ng ref dahil sa traumang idinulot nito sa akin kagabi kaya minabuti kong sa school na lamang kumain.


Pagkalabas ko ng aming gate, isang pusang kulay itim ang biglang dumaan sa aking harapan.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now