"Wala akong pakialam kung ano ba ang intensiyon mo para pumunta rito. Basta sa akin, ang mahalaga'y magkasama tayo," turan ko sabay dampi ng aking kanang palad sa kaniyang pisngi.


Ang sakit, gustuhin ko mang ipakita sa kaniyang nasasaktan ako'y hindi ko ginawa dahil ayokong kaawaan niya ako.


Nagulat ako nang bigla niyang hinawi ang aking kamay sabay talikod sa akin.


"Ayaw muna kitang makita, Charlie. Hindi ko pa kaya..."


Kung kanina'y kutsilyo lang ang sumaksak sa akin, ngayo'y espada na. Ang talim ng kaniyang pananalita. Para bang mamamatay ako sa mga katagang kaniyang bibitawan.


Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat para maiharap siya sa akin.


"Ano bang problema mo't nagkakaganiyan ka? Ano ba ang ginawa kong mali?"


"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw niya sabay duro sa akin.


"Ano bang problema mo sa akin? Sige, sabihin mo para hindi ako nag-iisip nang kung anu-ano!"


Hindi ko alam kung dala na lamang ng emosyon kaya napagtaasan ko na rin siya ng boses. Nabigla na lamang ako nang isang sampal ang sumambulat sa akin.


"Makati kang lalaki ka! Nahuli ko kayong dalawa ni Denise na gumagawa ng milagro! Akala ko, wala na kayo pero bakit niyo nagawa ang ganoong bagay? Kadiri! Nakakawala kayo ng moral!" giit niya.


Ramdam ko na galit na galit siya, bakas iyon sa kaniyang mukha dahil nakikisabay pa rito ang kaniyang luha.


"Oo, may nangyari sa amin! Pero hindi ko alam kung ano ba ang nangyari dahil para akong wala sa katinuan. Nagising na lamang akong mabigat ang aking pakiramdam saka doon lamang ako natauhan." paliwanag ko.


"Wala sa katinuan? Bakit sarap na sarap ka? Napapa-ungol ka pa nga sa sarap!"


"Hindi ko talaga alam ang mga nangyari! Please, maniwala ka naman!"


Tinalikuran niya lang ako pagkatapos kong magpaliwanag.


"Siguro, kailangan muna nating mamahinga..."


Nagulat ako sa tinuran niya.


"Anong ibig mong sabihin?"


"Mag-break muna tayo..."


Nang marinig ko ang sinabi niya, para akong natuod sa aking kinatatayuan, triple kill.


"Ayoko..." sambit ko.


"Pareho lang naman tayong nahihirapan! Kung nahihirapan ka, mas nahihirapan ako!" dugtong ko pa.


"Patawad, Charlie..." aniya sabay takbo palayo.


Dahil sa sinabi niya, parang gusto ko na lamang sumunod kay Ate. Hindi lang puso ko ang pinatay niya, buong pagkatao ko.


---


Umaga na nang makauwi ako sa bahay. Lupaypay kong tinungo ang aking kwarto. Wala akong gana. Ganito pala ang pakiramdam kapag sobrang sakit na ng iyong nararamdaman, mas gugustuhin mo pang mamatay na lang.


Pagkapasok ko, parang gusto kong magwala pero may pumipigil sa akin. Mugto na ang aking mata dahil sa kakaiyak. Puro kapighatian na lang yata ang aking mararamdaman.


Habang nakaupo ako sa ibabaw ng aking kama, pakiramdam ko'y may nakayakap sa akin. Nagulat ako ng may ibulong siya sa akin.


"Sa pagbagsak ng tala sa lupa, kapighatian ang sasambulat sa iyong mukha."


"Mawawalan ka ng pag-asa na tila ba ika'y susuko na."


"Huwag nang kumapit pa, kapalit lamang nito'y pagdurusa."


"Ialay sa akin ang iyong buhay, nang sa alapaap ika'y humayahay."


Nabigla man ako sa kaniyang mga sinabi, wala naman akong nasabi. Nang lingunin ko siya, isang babaeng nakaitim ang tumambad sa akin. Nakapasan siya sa akin nang tumayo ako. Gustuhin man siyang iwaksi ng puso ko, niyayakap naman siya ng isipan ko.


"Charlie, sumunod ka na sa baba. Pinapatawag ka na ng mga magulang mo. Oras na para kumain," bungad ng aming katulong na nasa labas ng aking silid.


"Sige po, pasunod na!" sagot ko.


Pagkalabas ko ng aking silid, binulungan na naman ako ng babaeng nakaitim na nakatayo sa aking likuran.


"Masyado nang mabigat ang iyong dinadala. Wakasan mo na kaya ang buhay mo?"


Hindi ko na lamang ito pinansin at tinahak ko na ang daan patungong hagdanan nang makarating sa hapag-kainan.


---


"Anak, kumusta ka na?" bungad ni Dad.


"Okay naman po ako," tugon ko kahit na hindi.


"Charlie, hindi namin gugustuhin na mawalan pa kami ng anak kaya napagdesisyonan namin ng Dad mo na isama ka na lang sa Amerika."


Natigil akong bigla sa pagkain.


"Amerika po?"

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now