"Kawawang laptop." Naibulong nalang nila. Nagkatinginan sila at napangisi dahil pareho sila nang sinabi kaya nakuha pa nilang mag-hi five. Nakatanggap naman sila ng batok mula kay Gabrielle at Trale. Mga pasaway kasi.

They still don't have any idea on what's going on. Nice one Emperor, you are really good in hiding. When will they going to find you? Nasabi na lang ni Trale sa sarili niya. Sabihin na lang natin na may alam siya kung nasaan si Wynd ngayon. Kung paano niya nalaman? Walang nakakaalam. Kung bakit ayaw niyang sabihin o bakit hindi pa niya sinasabi sa mga ka-gang niya? Dahil gusto niyang mapaisip ang mga ito.

Si Trale ang pinakamatanda sa kanila. Tahimik lang ito at madalas na matulog. Pero sabi nga nila, hindi lahat nang nakapikit tulog. Oo hindi siya palaging tulog. Ginagawa niya lang iyon para kahit papaano ay maging tahimik ang magulo niyang buhay.

Sa kanilang magkakaibigan ay si Emperor Wynd ang pinakabunso. Oo siya ang pinakabata. Pero mas ginagalang siya ng karamihan dahil sa nakakatakot nitong aura at sa galing nito sa pakikipaglaban. Na kahit si Trale ay hindi ito magawang matalo.

Tumayo si Trale kaya napatingin sa kanya ang ibang member ng BDG. Nakakunot ang mga noo ng mga ito pero tuloy-tuloy lang si Trale sa paglalakad palabas ng meeting room.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Gabrielle. Tinuro lang nito ang training room sa harap ng meeting room. Tumango lang sina Rain at Gabrielle kaya nagtuloy-tuloy na ito sa paglabas ng neeting room.

"Malapit ko nang isipin na pipi talaga si Trale. Palagi lang siyang nasa silent mode since mga bata pa tayo. Tapos kung magsalita siya hindi man lang lumalagpas ng ten words. Ano kayang pinaglihi ni Tita kay Trale nang matanong ko?" Binato ni Rain si Louie dahil sa sinabi nito. Binelatan lang ni Louie si Rain na masama ngayon ang tingin sa kanya.

Ayaw ni Rain sa lahat ang maingay kapag may ginagawa itong trabaho. Nagpunta siya dito sa building ng mga gangster para sa katahimikan na hinahanap niya. Pero sariling mga ka-member niya ang nambubulabog sa kanya.

Mula sa isang tree house ay dinig na dinig ang ingay ng mga alon. Umiihip ang malamig na simoy ng hangin at tinatangay nito ang buhok niya. Bumaba siya at tinignan ang dagat. Pumikit siya at dinama ang malamig na hangin na dumadampi sa mukha niya.

"Mr. Dean, it's good to see you here." Lumingon si Emp at nakita niya si Mr. Nakashige. Agad na nag-bow si Wynd bilang pagpapakita ng pagbibigay galang sa taong may-ari ng university kung saan siya nag-aaral.

Umupo sila sa buhanginan. Hindi inaalala na malalagyan ng buhangin ang mga business suit na suot nila. Tahimik lamang ang mga ito. Hindi man nagsasalita si Wynd ay alam na ni Mr Nakashige kung sinong iniisip nito. Sino pa nga ba? Kung hindi ang apo niyang si Summer.

Kahit na hindi na siya ang namamahala sa Ace of Spade ay alam ni Mr Nakashige ang mga nangyayari sa university niya. Sabihin na lang natin na may mata siya sa bawat sulok ng university. Lalong-lalo na sa apo niya na nagtatago sa isang eye glasses at nerdy look nito. Nakakaramdam ng lungkot ngayon si Mr. Nakashige dahil sa wala na naman ang apo niya. Pero anong magagawa niya kung, ang isa pa niyang apo na si Reese na nanganib at kailangan ng mga ka-gang nito ang tulong niya.

"You miss her, don't you?" Napatingin si Wynd ky Mr Nakashige. Noong una ay hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Pero nang tinignan niya ang matanda ay agad siyang sumagot ng, "Yes."

Hindi alam ni Wynd kung paano nalaman ni Mr Nakashige ang tungkol sa kanilang dalawa ni Summer. Pero isinawalang-bahala nalang niya ito. "Do you believe that, she'll be going back?"

"Yes, I believe in her. I believe that she'll be back no matter how long it is." May konting ngiti sa mga labi ni Wynd at agad naman itong napansin ni Mr Nakashige. Napatango-tango ito habang may namumuong ngiti sa mga labi nito.

"The next time she'll plan to leave again. Make sure to make her your property. That's the only advice I can give you Wynd." Nabigla si Wynd sa sinabi ni Mr Nakashige. At hindi makapaniwala sa sinabi nito.

Mas lalong napangiti si Mr Nakashige nang mapansin niyang biglang-bigla si Wynd sa sinabi nitong advice. Bakit nga ba iyon ang sinabi niyang advice sa binata? Dahil alam niyang totoong mahal na mahal nito ang apo niya. Maaga pa para sa advice niya, maaga pa para mangyari iyon. Paano niya iyon nasabi? Dahil unang-una, sino ba namang tao ang willing na maghintay ng ilang taon para sa taong umalis ng walang personal na paalam? Kung may isa mang patunay, iyon ay si Wynd.

Walang makakapagsabi kung anong mangyayari sa dalawa. Hindi rin naman sigurado si Mr Nakashige kung kailan babalik si Summer. Kahit na apo niya ito ay hindi niya gustong control-in ang buhay ng kanyang apo. Buhay niya ito at gawin niya ang dapat na gawin para maging masaya sa buhay na iyon.

"Your right sir, don't worry. The first time you'll see her, she's my wife already." Nakangiting sabi ni Wynd. Hindi man siya sigurado kung kailan babalik ang dalaga ay alam niyang babalik ito. Alam ng puso niya.

Tinap lang ng mahina ni Mr Nakashige ang balikat ni Wynd at nagpaalam na ito dahil may kailangan pa daw itong gawin. Pagkaalis ni Mr Nakashige ay napatitig nalang ulit si Wynd sa dagat. Biglang sumagi sa isip niya ang mga nangyari noon sa kanila sa dalampasigan. Isang taon na ang nakakalipas at malapit ng magdalawang taon simula noong una sila magkita.

Tahimik ang buong paligid. Tanging ingay lang ng mga dahon at alon ng dagat ang naririnig niya. Hanggang sa, may yapak siyang narinig mula sa likod niya. Hindi niya ito pinansin. At hindi napansin ni Wynd na tumigil na ito sa likod niya dahil sa sobrang pagkakatitig niya sa asul na dagat.

"Comet."

***

End of BOOK 1!!!! Shocks! Natapos ko rin sa wakas haha. Congratulation to me!

Natapos yung book 1, pero wala pa ring nagco-comment. Guys comment kayo, gusto kong malaman kung boring na ba o continue ko lang.

Happy One year mga Butterflies! One year na ang Empress Butterfly. Thank you for all your support!!! Please continue!

<3 PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now