Chapter 25: Signs

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sige Summer, sasali kami. Ito na rin siguro yung right time para patunayan namin na may kaya kaming gawin sa buhay namin." Sabi ni Zachery kaya napangiti ako. Siguro nga ito na ang bago nilang buhay.

Lumapit sila sa akin at nag-group hug kami. "Walang kalimutan kapag naging superstar na kayo ah." Nagsitawanan naman sila.

"Oo naman! Kakalimutan ba namin yung taong nagturo sa amin ng self defense at kung paano maging isang positive thinker." Sabi ni Alexander kaya napang-gigilan ko ang pisngi niya.

Pagkatapos naming mag-usap-usap ay tinawagan ko na ang kaibigan ko na si Hera. Siya yung may-ari ng isang entertainment company. At saktong naghahanap sila ngayon ng boy group. Buti na lang nasabi yun noong isang araw sa akin ni Hera.

Sinabi nila sa akin yung mga gusto nilang sabihin. At ngayon confirm na nga itong nararamdaman ko.

"Bye Summer, salamat sa lahat. Kapag sikat na kami, dadalawin ka namin. Para makapag-bonding tayong lahat." Sabi ni Vincent at nagwink pa kaya natawanan sina Zachery at Alexander na nakakita ng ginawa ni Vincent.

"Huwag mo rin kakalimutan yung sinabi naming sign sayo Summer." Tumango ako at nagthumbs up. Bumaba si Hera pagkatapos nilang pumasok sa van.

"Salamat sa pagre-recruit sa kanila. Umasa kang sisikat ang mga yan." Sabi niya sa akin at nagwink pa siya kaya bigla kong naalala yung pagwink din ni Vincent.

"Bye na. Salamat!" Nagwave ako at napangiti. Nakatingin lang ako sa van na sakay nila hanggang sa mawala na ang van sa paningin ko. Mabagal akong naglalakad dito sa dalampasigan hanggang sa naalala ko yung mga sinabi nila kagabi.

"Mabilis ang tibok ng puso mo kapag naiisip mo siya o nakikita." Tama yun. Noong buhatin niya pa lang ako ng piggy backride ay ganoon na ang nararamdaman ko. Eh hindi naman ganoon yung nararamdaman ko noong nasa campus pa lang kami.

Inis na inis nga ako sa kanya noon. Pero hindi ko lang pinapahalata kasi baka lumaki ulo ng taong yun at baka mas lalo niya lang akong inisin.

"Masaya ka kapag kasama mo siya." Masaya din ako kapag kasama ko siya. Kahit na hindi halata. Masaya ako kapag pinupuntahan niya ako sa lake, o kaya naman ay sabay kaming pupunta doon at magpapalipas ng oras.

Magku-kwentuhan ng mga nonsense na bagay. At doon lang kami sa lake hanggang sa maghapon na.

"Malungkot ka kapag hindi mo siya kasama." Malungkot ba ako kung hindi ko siya kasama? Malamang, oo. Lalo na ngayon, namimiss ko na yung pangungulit niya sa akin. Yung bigla na lang niyang pagsulpot sa likod ko at magsasalita bigla para magulat ako.

Simula ng dumating si Lumi ay iniwasan ko na siya. Kasi may iba akong nararamdaman. Kapag wala siya sa room namin dati ay lalabas ako para hanapin siya pero makikita ko na lang na magkasama na pala sila ni Lumi.

"Naaasar ka kapag may iba siyang kasama at nginingitian." Nararamdaman ko yung sakit. Oo naaasar ako, pero yung asar na yun ay bigla na ng mawawala tapos makakaramdam na lang ako ng sakit.

Nasasaktan din ako kapag kasama niya si Lumi. Pero sino nga ba naman ako para magselos di ba? Hindi ko nga alam kung tinuturing niya ba ako kahit kaibigan man lang. Tinuring niya ba akong kaibigan kahit minsan lang?

I think not.

"Parang tumigil ang oras kapag tinitigan ka niya. At wala kang ibang maririnig kung hindi ang tibok ng puso mo." Aminado ako ng ganoon nga ang nararamdaman ko kapag nakatingin siya sa akin. Para akong naka-headphone at tanging tambol lang ang naririnig ko.

Para rin tumitigil ang oras ko kapag kasama ko siya. Una ko itong naramdaman noong hinalikan niya ako. Noong panahon na hindi ako makatulog dahil sa halik na yun. Para lang akong baliw na nakatingin sa kanya noon habang natutulog siya. Noong aksidente kaming nawalan ng balanse dahil sa pagba-basketball.

Noong sinamahan niya akong matulog sa lake pagkatapos ng aksidenteng yun. Yun pagngiti niya sa akin. Yung pagiging madaldal niya kapag ako ang kasama niya. Noong binuhat niya ako palabas ng forest dahil may sugat ang paa ko.

Pero yun ang huli kong alaala na kasama ko siya. Dahil kasama na niya palagi si Lumi na girlfriend niya. Takte! Pagkaisip ko pa lang na girlfriend niya si Lumi ay parang may tumutusok sa puso ko.

Pero totoo ba lahat ng ngiti na pinakita niya sa akin noon? Bakit hindi niya sinabing may iba na siya? Eh ang tanga mo naman kasi eh. Bakit ka ba kasi umasa? Ayan tuloy! Nasasaktan ka.

Napangiti na lang ako ng mapakla. Palpak ka talaga! First time mo na nga lang magmahal, sa taong may iba ka pa na-inlove.

"There you are." Napalingon ako at bumungad sa akin ang masaya niyang expression. Anong ginagawa niya dito?

"Wynd."

***

Abangan! Chapter 26: I Love You

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon