Chapter 24: Training

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ako si Zachery Krintell. " Sabi ng black yung buhok niya. Tapos tinuro niya ang iba pang member.

"Siya si Vincent Aaron." Medyo masungit ang dating niya. Pero kung titignan ag cool niyang tignan sa buhok niya.

"Ito naman si Alexander Clifford." Naghello siya sa akin at nagbow.

"Tapos si Antimony Lead, yung bunso sa amin." Nagpout pa si Antimony ng ipakilala siya ni Zachery. Matatawa ma lang ako kasi halatang makulit siya.

"Tapos ito naman si Cesium Carlson." Ngumiti si Cesium at magwave ng kamay.

"Ito si Knechtel Xyron." Naghalf smile lang siya pero bigla siyang sinundot sa tagiliran ng katabi niyang si Cesium kaya napatawa siya bigla.

"At ito si Maizen Heaven, magaling na siya sa martial arts. Pero sabi niya kulang pa rin ang alam niya. At higit sa lahat..." Nagkatinginan silang lahat at sabay-sabay na ngumiti.

"Siya yung pinakamasungit sa aming lahat!" Napatawa na ako ng tuluyan ng tinignan sila ng masama ni Heaven.

"Punta muna tayo ng bahay. Kailangan niyo munang magpahinga, pagkatapos ng dalawang oras ay magsisimula na tayo." Habang naglalakad kami ay nagku-kwentuhan lang kami.

"Ano pa lang ginagawa mo dito sa Tagaytay Summer-unnie? Di baay pasok pa kayo hanggang next week?" Pagtatanong ni Antimony habang naka-piggy backride kay Cesium. Naalala ko naman noong mga panahon na nakakatulog ako sa forest tapos ipi-piggy backride niya ako. Hay.

"Tinatamad na kasi akong pumasok. Naka-excuse naman ako kaya ayos lang kung hindi ako pumasok. Eh kayo, bakit wala kayo sa school niyo?" Nagkatinginan sila at sabay-sabay nangumisi. Pero kitang-kita ko sa mga mata nila na malungkot sila.

"We're good for nothing. Yan yung bansag nila sa amin sa school. Hindi daw kami matalino, wala kaming kwenta, mga troublemakers at hindi kami karapat-dapat na tawaging tagapagmana ng school namin. Yan yung bansag nila sa amin. Pero hindi na lang namin pinapansin kasi hindi naman totoo na wala kaming kwenta, kasi kapag may away sa campus ay kami ang nag-aayos." Sagot ni Antimony habang pasan pa rin si Cesium.

"Hindi din kami ang troublemakers kasi kami nga ang tagatigil ng gulo. Hindi din kami mga walang kwentang tagapagmana ng school namin kasi ginagawa naman namin ang mga tungkulin namin. Matalino kami, maraming nagsasabi. Pero mismong parents namin ang nagsasabi." Seryosong sabi ni Knechtel habang nakakuyom ang mga kamao niya.

"Mas pinapaniwalaan pa nila ang mga kapatid naming walang ibang ginawa kung hindi ang nagpakasaya sa buhay. Kami ang nagpapakahirap sa mga tungkulin nila, pero kami pa ang sinasabihang mga walang kwenta." Dinig na dinig ko sa boses ni Vincent ang galit. Pero mas pinili niyang kalmahin ang sarili niya.

"Kahit na anong paliwanag namin ay hindi nila pinapaniwalaan. Kami rin ang gumagawa sa mga tungkulin ng mga kapatid namin. Simula ng akala nilang kami ang may kgagawan sa accident na yun ay nagbago na ang pakikitungo nila sa amin." Kalmadong sabi ni Zachery pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot.

"Kaya simula din noon, kung ano ang iniisip nila tungkol sa amin ay yun na din ang inakto namin. Kasi nakakapagod na eh." Nakangiting sabi ni Alexander.

"Hindi sa nakikialam ako pero, subukan niyo kayang gawin yung mga gusto niyong gawin. Tulad ngayon, gusto niyo bang maging malakas kayo kaya niyo ito ginagawa? Para maging masaya kayo? O para maghiganti lang?" Tanong ko sa kanila.

"Ginagawa namin ito para maging masaya. Isa ito sa mga pangarap namin." Sagot ni Mark habang nakangiti. Napangiti ako dahil sa sagot niya. Napanga-nga naman ang iba.

"OMG! Ngumiti si Papa Heaven! Nananaginip ba ako girls?" Namula naman si Heaven dahil sa way ng pagkakasabi ni Antimony. Nagpanggap kasi siyang bakla. Tapos bumaba siya sa pagkaka-piggy backride niya kay Cesium at nagtatakbo papunta sa direction ni Heaven. Kaya ang nangyari ay nagtatakbo sila paalis.

Napatawa na lang kami sa inasta ng dalawa. "After six years, nakita na rin nating ngumiti si Heaven pagkatapos ng aksidenteng yun." Nacurious naman ako sa sinabi ni Vincent kaya pinakwento ko sa kanila ang nangyari at nalaman ko ang dahilan kung bakit ayaw sa kanila ngayon ng mga parents nila.

Kahit na wala ako sa sitwasyon nila ay naiintindihan kong nasasaktan pa rin sila kahit na sanay na sila. Hindi naman maalis na magalit sila sa mga parents nila. Dahil kung ako ang nasa kinatatayuan nila ay magagalit din ako sa parents ko dahil hindi man lang sila nakinig sa mga explanation ko.

"Basta tandaan niyo. Payong kaibigan lang, gawin niyo kung anong makakapagpasaya sa inyo. Kasi alam niyo dadating din yung panahon na sila mismo ang lalapit sa inyo para manghingi ng sorry at explanation. Kaya stand up and show them na kahit sino pang galit sa inyo dyan kakayanin at kakayanin niyo dahil magkakasama kayo." Sabi ko sa kanila at iniwan ko na muna sila sa guest room.

Pagkatapos ng two hours magsisimula na ang training namin.

Ng mga bago kong kaibigan.

***

Gagawan ko din sila ng story. Pero syempre not now, naghihintay pa ang Sonyeondan Gang!

Ayos lang po ba ang chap na to?

This chapter is dedicated to 27gladysc. Thank you sa pagfollow ^^

Abangan! Chapter 25: Signs

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon