Chapter 20: Training

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos ko sa katana ay karate naman ang ginawa ko Nahirapan ako sa pagsipa at pagsuntok dahil nga sa mga metal bracelets. Pagkatapos ng tatlong oras ay parang babagsak na ang katawan ko. Dati kasi ay isa o dalawang oras lang ang ginugugol ko sa training. Halos mag-aapat na oras na rin ako dito.

Humiga ako sa sahig dahil sa pagod na pagod na ako. Hindi ko pa naaalis ang mga matel bracelet sa kamay at paa ko. Nagkaroon na ata ako ng pasa dahil sa ilang beses ko ng naapakan ang mga paa ko. Tapos yung mga kamay ko naman nabubunggo sa katana kanina.

Pagkatapos kong magpahinga ay inalis ko na ang mga metal bracelets na nakasuot sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako.

Nagpunta na ako sa comfort room at naligo na ako. Parang may inalis na kung anong mabigat sa katawan ko ng makaligo na ako. "Ang cute."

Nasabi ko na lang ng makita ko ang slippers ko. Pambahay kasi sila. May design kasi na panda tapos kulay white pa yun na gawa sa cotton kaya malambot.

Lumabas na ako ng training room ng masigurado ko na walang tao sa labas. Sinara ko kaagad ang pinto at naglakad paalis. Pero nakakalahati ko pa lang ang hallway ng may may sumigaw. Ang boses na yun. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

Simula ng ginamot niya ang sugat ko ay tinawag na niya akong Summer, isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kanya.

Pero nabalot ng takot ang isip ko ng tawagin niya ulit ako. Nakita niya ba akong lumabas ng training room? Paano kung nakita niya ako doon? Paano kung magtanong siya? Hindi ko alam ang isasagot ko!

"What's with the expression Summer? Is there something wrong with you?" Nakatalikod lang ako habang nagsasalita siya. Para akong napako sa kinatatayuan ko, bakit ba ayaw kumilos ng mga magaling kong paa?

Nakakwentuhan ko dati si Ms Narrisa. Natanong ko sa kanya kung bakit madals magsalita ng may English si Comet. At doon ko lang napag-alaman na sa States pala ipinanganak si Comet. Doon din sya lumaki hanggang sa bumalik sila dito ni Ms Narrisa noong second year high school siya.

Doon niya daw first time na makita sa personal sina Rain, Michael, Louie, Gabrielle at Trale. Simula bata pa lang sila ay magkakilala na sila. Paano? Nakilala niya sila noong aksidenteng napakialam daw ni Rain ang laptop ng Mommy niya. Saktong naglaro daw noon sa laptop ni Ms Narrisa si Comet kaya siya yung nakasagot ng tawag ni Rain.

Dumating din naman noon ang iba kaya nakilala nila si Comet. Kung hindi kaya aksidenteng napakialaman ni Rain yung laptop, magiging gang kaya sila, magiging malapit sa isa't-isa? Siguro oo? Hindi rin siguro. At napag-alaman ko din na simula bata si Comet ay masungit na siya at tahimik.

Takot din noon ang mga bata sa kanya. Nilalayuan siya at wala siyang kaibigan. Kaya pala hanggang ngayon ay iwas siya sa mga tao. Umubo ako ng peke.

Humarap ako sa kanya at hinarap ko ang kamay ko habang naka-stop sign. "Dyan ka lang! Huwag kang lalapit sa akin!"

Sigaw ko na ikinagulat niya at kinaguluhan niya. Saktong pagkasigaw ko ng mga salitang yun at may tumawag sa kanya. Napaiwas na lang ako ng tingin. Kasama ba siya ni Comet kanina pa? Bakit ba hindi ako mapakali dito sa kinatayuan ko? Pero imbes na umalis ako at tumambay pa ako dito? Bakit parang ng sakit na nakikita ko siyang nakikipagngitian at tawanan sa iba? Dapat ko ba itong maramdamam? Hindi naman dapat hindi ba?

Dinig na dinig ko ang tawanan nilang dalawa. Ayoko silang tignan pero parang may kumo-control sa katawan ko at tinignan ko pa sila. Noong makita ko ulit syang tumawaat nakangiti ay gumaan ang pakiramdam ko. Pero ng maalala ko na hindi pala ako ang dahilan kung bakit siya tumatawa at ngumingiti ay napawi ang sayang nararadaman ko.

Habang naglolokohan sila ay nabigla na lang ako dahil may nakaapak sa paa ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit dahil sa bugbog ang mga paa ko ngayon. Kahit na hindi ko tignan ay alam ko na kung sino ang nakaapak sa paa ko. Sa suot niya pa lang na pansapin sa paa ay alam ko na.

Siya? Siya si Lumiere Geneveive "Lumi" Black. Siya yung babaeng ilang days ng kasama ni Comet. Bait nga ba ngayon ko lang naalala ang pangalan niya? Nagsorry siya dahil sa naapakan niya daw ang paa ko. Nagpaalam na lang ako sa kanila, babalik na nga lang ako sa room.

Or kaya sa garden na lang. Kahit saan na lang! Basta ba walang Comet at Lumiere. Tsk!

***

Ayan! Sino kaya si Lumiere Geneveive Black sa buhay nila?

Hahaha. Hindi pa po ako tuloy-tuloy sa pag-uupdate. Salamat sa mga mag-aapreciate ng sinusulat ko.

Hindi kasi ako makapag-update ng maayos kasi sira laptop ko. Tsk! Gusto kong magdedicate pero hindi pwede sa phone.

Abangan po ang next update ko na hindi ko alam kung bukas ba o hindi. Basta hindi ko muna buburahin ang AN. Kamsahamnida! Arigatou.

Abangan! Chapter 21: Dedma

(c) PixieNuary

Empress Butterfly 🦋 [UNDER MAJOR EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon