46: The Guy Who Sells Balut

239 7 1
                                    

Filipino imagines for my fellow Filipino guys, sana magustuhan nyo to. And pardon for all of you who wanted this in English because I'll be writing this in Filipino! Mabuhay Pilipinas!

Fact: team bahay lang ako guys ~T_T~ 💔💔💔💔💔💔💔💔😵😵😵😢😭😖😖😖

*******

Y/N's POV

Wala naman akong mapapala kung magte team labas ako, wala rin naman akong tickets, ano bang magandang gawin bukod sa magstalk sa facebook about sa nangyayare sa kanila sa MoA? Hay.

Umupo ako sa sofa, busy ako sa pagiistalk sa facebook. Maraming samu't saring ingay. Mga teambahay na nagsasabing wala silang pera at nagdedemand ng pagbabalik ng paybsus, mga taong nagbibigay ng livestream links, mga taong nagshe share na nanalo sila ng tickets sa mga kahit anong contest.

Eh ako, nag try din ako. Nagtry din akong pigilan tong emosyon ko, wag magpadala rito kasi alam ko namang may next time pa. Hindi pa naman siguro aalis si Calum sa grupo eh. Sana nga mauso rin dito yung walaan ng passports para makita ko sila kahit sa labas man lang ng hotel.

"Oy Y/N, punta ka na nga sa SM samahan mo tong pinsan mo na bumili ng gagamitin nya." Sambit ng nanay ko na nasa harapan ko, nakapamaywang. Tinaas ko labg ang kilay ko at ngumiti.

"Ma, tinatamad ako eh" sabi ko sabay taas ng kilay ko. "Tsaka pinangakuan mo ako mama ng ticket eh. Nasan na?" Inasar ko si mama. Oo nangako sya sa akin. Ang ganda pa nga ng pagkakasabi eh. Yun pala napako lang yung pangako nya.

"Kung wala kayong project na masquerade na yan, binilhan na kita. Bilisan mo na at bumili ka na lang The Vamps na cd o kaya 5SOS mo para hindi na masama loob mo," sabi niya sabay talikod sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako atsaka nagkamot ng batok ko. Dati na gustong gusto ko na makabili ng album ng SGFG, ayaw nya ako bigyan ng pambili, ngayon naman na gusto kong pumunta ng concert wala daw syang pera pero papabilhan nya ako ng album. Ano yun? Consolation prize?

Tumayo na ako at naghalungkat ng mga gamit ko sa closet. Naghanap ako ng magandang band tee at ang napili ko ay ang One Direction. Logo lang sya tapos pinartner ko na sa ripped jeans atsaka nagtali ng buhok.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, agad kong nasalubong yung pinsan kong si (PANGALAN NG PINSAN). Nakangiti sya. Hindi lang siya simpleng ngiti. Kundi naka-smirk siya. Nakataas ang noo niya atsaka tumingin sa akin.

"Ready?" Tanong nya sabay pakita ng susi ng kotse nya.

"Oo sayang kasi yung Livesos na cd eh." Sagot ko sabay sarado ng pintuan sa likod ko. Naglakad na kami ni (Pangalan ng pinsan) papunta sa labas. Hinanda niya na yung sasakyan.

"Ano ba bibilhin mo?" Tanong ko, medyo naiirita na rin ako kasi alam ko traffic na ngayon eh.

"Wala naman, gusto ko lang lumabas ng bahay nyo. Ang boring eh." Sabi nya sabay kabig ng manibela.

Papunta kami ngayon sa SM MoA, 10 am na. Maraming tao, as in para talaga kaming sardinas sa parking lot. Marami nang mga nag pa flash na camera at hindi ko man lang alam kung saan nanggagaling yun.

"Ano ba yan, dumating lang ako, marami nang nagkakagulo," pabiro kong sabi sa pinsan ko atsaka pinalo ko yung braso nya. Tinitigan miya ako ng masama atsaka nanahimik na ako.

"Eh, ano ba yung gagawin nila dito sa parking lot? Mahihirapan tayo dito dumaan eh." Iritang sagot niya. Hinila nya ako palabas sa parking lot pero habang naglalakad ako palabas sa parking lot, nakakita ako ng apat na matatangkad na lalaki, para talaga silang pamilyar. Pumasok na silang tatlo sa kotse, pero yung isang lalaki, hindi pa. Nakabeanie sya tsaka nakablack shirt. Sana, sana si  Calum na lang sya.

CALUM HOOD IMAGINES || (Completed)Where stories live. Discover now