Anong Nangyari?

3.3K 113 12
                                    

Khaayl's POV

At first,I thought everything was normal,that Im just paranoid,but when days passed,may malaking nagbago,talagang hindi na ako pinupuntahan ni Reuben every break para mag lunch,naaabutan ko na sya lagi dun kasama mga tropa nya pati si Leila at mga kaibigan nitong babae, inintindi at inunawa ko na lang,baka nga naman may mga projects sila together,or magkakasama sila sa iisang Club Organization dahil nga madami nag alok kay Reuben before diba? I try to reason out with my self,I dont want to jump into conclusion,pero sadyang hindi mo pala talaga maitatago ang sama ng loob sa mga ganitong uri ng sitwasyon,lumala pa ito,hindi nya ako masyadong pinapansin sa school,pero pagdating sa bahay ay parang walang nangyari,bumabalik sya sa normal,magkekwento,tatawa,maglalambing,yon ang sadyang ipinagtataka ko at dumudurog sa puso ko,pero lahat ng iyon ay tiniis ko,ayokong mag away kasi kami at makarating pa sa mga magulang namin.

Patapos na ang first semestral,araw iyon ng biyernes at nauna ako umuwi,hinihintay ko na lang si Reuben galing sa work nya,kung matatandaan nyo may part time job sya. Naghintay ako ng halos limang oras,pagpatak ng alas dose ay hindi ko na kinaya ang antok,inilagay ko na lang sa ref yung pagkaing inorder ko for our dinner,hindi ko maiwasang sumama ang loob,unti unti ko ng nararamdaman na nawawala sya sa akin.

Kinabukasan ay wala pa din sya,or should I say,dumating sya base sa kalat sa kusina,pero bakit hindi man lang nya ako ginising man lang? Naligo at kumain ako ng mabigat ang pakiramdam,pero hangga't kaya kong magtiis ay magtitiis ako.

Pagdating sa school ay nadaanan ko pa sya sa may gilid ng gym kasama mga tropa nya,at muli si Leila,pero hindi man lang nya ako nilingon kahit na alam kong alam nya na ako ang dumaan,lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

Kaya pagdating sa classroom ay para na akong lantang gulay na ewan,parang gusto ko na nga umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hindi dapat ako magpakita ng kahinaan,hindi dapat.

"Anong nangyari teh? Para kang naluging intsik?" sabi ni Jie ng makalapit sila sa upuan ko.

"May problema ba?" segunda pa ni Izzy.

"Okay lang ako,masyado lang akong madaming iniisip" sagot ko naman at tumingin ulit sa kawalan.

"We know there's something wrong,hindi kami bulag teh,at alam naming si Reuben ang problema,ano bang nangyayari dyan sa boyfriend mo? Nung una pinabayaan natin sya,pero my veggie naman teh! Patapos na first sem parang lalo lumala! Ano kayang ginawa ng impaktang Leila na yon?" gigil na sabi ni Jie,napabuntong hininga na lang ako,maski naman kasi ako naguguluhan.

"This is not the right place and the right time para pag usapan yan mga bakla,lets talk about it after class,sa amin,so we can figure out what's really happening okay?" ani Izzy,tumango na lang kami ni Jie. Samantalang ako,bumalik ulit sa pag iisip,ano nga ba talaga ang nangyari kay Reuben? Anong nangyari sa amin?

Kaya buong klase lutang ako kakaisip,this is really not me,kailangan ko maagapan ito,kaya nung dissmissal na eh nagtext ako kay Reuben na gagabihin ako.

Ng nakina Izzy na kami ay dumiretso kami sa room nya,napakalaki at napakaganda,namiss ko tuloy yung kwarto ko sa mansyon.

Nagulat na lang ako ng maglabas ng wine si Izzy at nakangiting lumapit.

"Nonomo tayo teh? Bet ko yan!" maligalig na sabi ni Jie na pumalakpak pa.

"Yes! Para mailabas lahat nitong si Khaayl the martyr ang mga hinaing nya sa buhay,agree?" nakangiting sabi ni Izzy at naupo na din.

"Hala? Mahina ako sa mga ganyang alak,at saka,baka hanapin ako ni Reuben" alangan kong sagot.

"Sus,oh tumagay ka na" sabay abot sakin ng kupita,nilagok ko yung white wine,wow mejo matamis. "See? Huwag mo masyado iniisip yung boyfriend mong walang balls,ikaw ba iniisip nya ngayon? Nako ha! Ewan ko ba! Nagtataka talaga kami nitong ni Jie sa pagbabago nun,parang hindi ka na kilala,Im sure may kinalaman yang Leila Monster na yan" mahaba pa nyang dagdag. Nabilaukan naman ako dun,napaka sakit na katotohanan ng sinabi ni Izzy,parang hindi ako makaka depensa.

"Kurak!" ani Jie at tumagay. "at saka,kailangan natin gumawa ng paraan teh,hindi yung magmumukmok ka dyan,para ka ng zombie! Kilos kilos din,nandito kami para tumulong,o baka naman gusto mong ipaalam pa namin ito sa mga tropa mo?" ani pa nya.

"Naku huwag! Ayokong malaman nila na nagkakaganito kami ni Reuben,ano ba dapat kong gawin? Parang wala ako laban kasi babae yon at saka parang kusa ang pag iwas at paglayo ni Reuben,at yon talaga ang masakit" at hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Ang bigat na pala ng dinadala ko,pero alam ko mas bibigat pa to sa mga susunod na araw.

"Mahal mo sya diba?" naaawang tanong sa akin ni Izzy,marahan akong tumango habang nagpupunas ng luha."Then ipaglaban mo,ikaw ang nauna,nang agaw lang yung mangkukulam na yon,kung ano man ang ginawa nya para mapunta sa kanya si Reuben ngayon eh malalaman din natin"

"Kung bakit naman kasi napaka bait ng jowaers mo teh,ayan inaabuso na sya,naku! Nanggigil talaga ako sa Leila na yon" segunda pa ni Jie.

"Kayo talaga! Pero maraming salamat ah? Kasi sa totoo lang para na akong mababaliw kakaisip,nung una hindi nya ako pinapansin sa school,pero pagdating sa bahay parang wala lang nangyari,at ngayon nga mas lumala na,halos hindi na kami nagkikita sa bahay" malungkot kong sabi at tinagay ulit yung wine.

"Natiis mo yon ng buong Sem? Nakakaloka pagiging manhid at martyr mo teh,ang taas ng level huh?" ani Jie.

"Pero keri lang yan,basta,gagawa tayo ng paraan,pakatatag ka lang bakla,ganda ganda mo wala kang kwenta,umayos ka nga teh!" sabi pa ni Izzy.

"Pinapayuhan nyo ba talaga ako o lalaitin nyo na lang ako?"

By 12 midnight ay nagpasya na akong umuwi,tinablan na ako ng alak pero kaya ko pa naman,hindi naman ganun kalakas ang tama ng wine. Paglabas namin sa mansyon nina Izzy ay pupunta na sana ako sa kotse ko pero pinigil nya ako.

"Bakit? Kaya ko pa mag drive no? Ang adik nyo" sabi ko at binuksan na ang pinto sa drivers side.

"Oy! Oy! Wait ka lang dyan! Huwag ka excited,tinext ko pa ang classmate nating si Jeyo,taga dito lang sya,sya na magdrive for you" ani Izzy na ikinagulat ko.

"Huh? Naku baliw ka! Naka abala pa tayo nyan!" pag protesta ko.

"Huwag ka ng mag attempt pumalag teh,ayan na si fafa Jeyo,haaay! Ang gwapo talaga" pagsingit ni Jie kaya natahimik ako.

"Hi Izzy,hi Jie,hi Khaayl" nakangiting sabi ni Jeyo ng makalapit. Sya ang escort ng room namin,gwapo sya pero napapaka low profile para hindi mapansin.

"Mabuti at dumating ka,ikaw na bahala dyan ah?" ani Izzy.

"Sure! Ayaw ko din namang awayin ako ni Reuben kung may mangyari kay Khaayl,mahirap ang may kaaway" sagot nito kay Izzy. Nagpaalaman na kami,umuwi na din si Jie,hindi sya sa amin sumabay dahil out of the way na ang papunta sa kanila.

Tahimik lang ako habang nagdadrive si Jeyo,iniisip ko pa din kasi si Reuben,tama mga kaibigan ko,dapat ko ipaglaban ang pagmamahal ko.

"Khaayl nandito na tayo" ani Jeyo at tumigil kami sa tapat ng apartment.

"Salamat Jeyo,pero paano ka?"

"Magko-commute ako pauwi,teka,bakit mukhang madaming tao sa bahay nyo?" aniya at tiningnan ko nga ang bahay,oo nga no? Agad akong bumaba sa kotse,naramdaman kong sumunod sa akin si Jeyo.

Agad kong binuksan ang pinto at ganun na lang ang gulat ko,ang daming tao! Mga kaklase ni Reuben at mga tropa ni Leila.

Anong nangyayari? Bakit sila nandito?

"Anong ginagawa nyo dito?" malakas kong sabi,lahat sila tumigil sa ginagawa at tumingin sa akin,parang mga biglang nahiya at nagsipag ayos,amoy sigarilyo,amoy alak,makalat,madumi.

Sakto bumukas ang pinto ng CR at lumabas si Reuben.

Kasunod si Leila.

Parang gumuho ng tuluyan ang mundo ko,naramdaman ko na lang na parang nanlalabo na ang mga mata ko. Napalingon sa akin si Reuben at parang natigilan at natulala.

"Khaayl?" nadinig ko ang boses ni Jeyo sa likuran ko. Kaya bago pumatak ang mga luha ko ay hinila ko palabas si Jeyo at dumiretso kami sa kotse ko.

"Khaayl?"

"Drive Jeyo.Drive! Gusto ko lumayo dito" ani ko at napahagulhol na. Sobrang sakit ng nararamdaman ko,hindi pa ako nagsisimulang lumaban pero talunan na ako.

- Hi! :) dumadalang ang votes and comments dto,pero ayt lang yan,basta nag enjoy kayo sa pagbabasa =p

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now