Its Supposed to be a happy day?!

7.1K 157 10
                                    

Baikku's Point of view

August na! Weee! Intramurals and foundation na hihi! Im so happy! Isa ito sa pinaka aabangan kong activity ng school. Well kung magtatanong kayo kung kamusta kami ni Keiji,we are very much okay and very much inlove with each other mwahahaha! Mag one month na pala kami ^o^

The other reason kung bakit ako excited eh kaso,section namin ang nag ayos ng lahat ng boots and funfare. Yung mga programs naman eh section A ang nakatoka.

Sa sports Section B, and mind you guys,kasali sina Fuu at Yukito sa Archery! Gusto ko sila panoorin mamaya! Kailangan todo support ako no? Ganun dapat ang ginagawa ng isang mabuting kaibigan XD

At saka dapat namin ienjoy talaga ito,pinagtulungan pagplanuhin ito nina Kebin at Myk no,? Haha! Sina Touya naman at Prime sa basketball,kasali sila dun na hindi ko man lang namalayan.

Heaven will be performing with her band, then isa naman si Belle sa mga kasali sa pageant. So much activity! At dapat wala ako palampasin! Papanoorin ko lahat,I have the entire week to do that with my labidabs Keiji haha! Nasan na nga ba yon?

Pagkababa pa lang sa kotse nagmadali na akong pumasok sa school,palinga linga sa paligid,nagkalat ang mga estudyante. I wonder ano kayang preparation ginawa ng mga college?

Naglalakad akong ganyan,patingin tingin sa paligid ng may tumawag sa akin,paglingon ko si Rye.

"Oy Rye,ikaw pala?! Kamusta?" bati ko sa kanya ng makalapit sya. Todo ngiti naman sya,pero may mali sa paraan ng pag ngiti at tingin nya sa akin,ewan kung ano yon.

"Ito ayos naman, ikaw?" balik tanong nya.

"Ayos na ayos hehe" sagot ko.

"Baikku!!" boses iyon ni Keiji,kaya nagpaalam na ako kay Rye at iniwan to at sinalubong si Keiji.

"Kanina pa kita hinahanap!" sabi ko kay Keiji,pero imbis na sumagot ay hinalikan ako nito sa labi. Napatingin tuloy ako sa paligid baka may nakakita.

"Hihi! Youre blushing!" aniya at inakbayan na ako. "Diba si Rye yon? Anong pinag usapan nyo?" dagdag tanong nya habang naglalakad kami papunta sa Oval.

"Nangamusta lang saglit,teka ano ba una nating pupuntahan Mine?" sagot at tanong ko. Yes! Tama kayo, mine ang tawagan namin,akin lang sya at sa kanya lang ako mwahihi :3

"Syempre dito muna sa Archery,ito ang una eh,kailangan natin suportahan sina Pinsan at Fuu" sagot nito.

"Yey! Lahat panoorin natin ah?" sabi ko pa na parang bata,humagikgik lang ang ungas. Finally nakarating na kami sa Oval,mukhang magsisimula na nga. Kita agad namin ang tropa dahil panay kaway ni Heaven haha!

Pinuntahan namin sila at nakiupo na kami sa kanila. Pag upo namin agad kong binati sina Myk at Kebin dahil sa magandang outcome ng ginawa nila,nagpasalamat din naman sila.

"Nakausap nyo na ba ang mga manok natin?" tanong ni Keiji.

"Oo kanina pa,lahat ng uri ng pangpalakas ng loob sinabi na namin sa dalawang yan" sagot ni Prime.

"Eh bakit nandun pa din si Touya?" taka kong pagsingit sa usapan.

"Syempre,the ever supportive bestfriend" sagot ni Heaven.

"Wait,kausapin ko si Fuu" sabi ko at pumunta na sa pwesto ni Fuu.

"Fuu!" tawag ko dito then tiningnan ko sina Yukito at Touya na nagtatawanan pa.

"Baikku-chan! Kala ko hindi ka dadating?" nakangiting salubong nito.

"Na late lang kami ni Keiji no? Oy galingan mo ah?" nakangiti ko ding sabi saka bumaling kina Touya "Ikaw din Yuki galingan mo" dagdag ko.

"Oo naman" halos sabay na sabi ni Fuu at Yukito. Pumito na,senyales na magsisimula na ang laban,ang Starville ang kalaban. Kumpyansa akong sina Fuu at Yukito ang mananalo. Sabay na kaming bumalik ni Touya sa bleachers at naki upo na ulit sa tropa.

"Kelan ang game nyo?" dinig kong tanong ni Kebin.

"Sa friday pa naman,pero bukas may ball practice kami nina Prime" sagot ni Touya.

Nag focus na ako sa panonood sa laban. Ang unang round madali lang kaya pasok agad ang mga manok namin,ganun din sa second round,I must say magaling din sa pagpana ang representative ng Starville.

Ang third round ang nakaka kaba. Kailangan mapana ang mga gitna ng tatlong target sa loob ng sampung segundo.

Lahat kami ay pigil hininga,seriously? Sampung segundo? At ayun,nag failed ang dalawang representative ng Starville. At ng si Fuu na ang titira, maniwala kayo o hindi, bulls eye yung tatlong target in 8seconds! Wow! Napapapalakpak kami ng todo at napatayo pa! This girl is really amazing,pwede siguro ako magpaturo sa kanya para naman hindi lang Judo ang alam ko diba?

Now its Yukito's turn. Tumingin muna sya sa amin, sa amin nga ba o kay Touya? Kasi nakita kong kumindat si Touya eh? Hmmm somethings not right here.

Ngumiti si Yukito bago tumira,ang bilis ng kamay nya,he did it for 6seconds, and guess what? Lahat bulls eye! Kinilabutan ako! Napatayo kaming lahat at todo palakpakan! Sigawan yung mga schoolmates namin.

Yukito tao ka ba?

"Woohh! Pinsan ko yan!!" masayang sigaw ni Keiji,sa sobrang saya nya,niyakap at pinaghahalikan nya ako sa mukha.

After that nilapitan namin ang dalawa at kinong gratulate at niyakap. Sabi ni Touya treat daw nya sa labas ang lunch namin since nanalo sina Fuu at Yukito,lahat naman kami ay nag agree.

Napag desisyunan naming sa Jollibee na lang para mas masaya. Lahat na kami nun ay masayang kumakain,nagbibiruan,ang topic namin ay tungkol sa game kanina.

Suddenly,may nagtext kay Keiji,after nyang mabasa ito,hindi na maipinta ang mukha nya at parang nawala na sya mood,kung anong dahilan? That I dont know.

-----

Keiji's Point of view

Nandito kami ngayon sa Jollibee,masayang pinag uusapan ang game kanina nina Yuki at Fuu. Katabi ko si Baikku at hawak ko ang kamay nya.

Nag vibrate ang phone ko,may nagtext kaya kinuha ko muna ito sa bulsa ng pantalon ko.

Nakalagay sa screen na MMS ang natanggap ko. Ng buksan ko ito bigla ako nanlamig at parang nanginig ang kalamnan ko.

It was a picture of Baikku and Rye,parehong nakahubad,nakangiti si Rye at parang tulog naman si Baikku.

Pakiramdam ko binagsakan ako ng langit ng mabigat na bagay,parang nanlambot ako,kasunod ng MMS ay isang textmessage.

'Let me have Baikku or isesend ko sa Mama nya ang pic na yan or worse ikakalat ko ang video namin, or pde din namang ipitin ko ang Mama nya at gipitin - Rye 3:]

With that,lalo nag init ang ulo ko. Totoo ba yon? Pagtingin ko sa tropa,lahat sila nakatingin sa akin, tiningnan ko si Baikku,parang napaka inosente nya,pero bakit nagawa nya sakin yon?

Pakiramdam ko hindi ako sapat para sa kanya,yon lang ba gusto nya? Pwede ko namang ibigay yon kung hihilingin nya eh.

At itong gagong Rye na to,kala ko mabait! Demonyo pala! Nakagawa pa ng paraan para paghiwalayin kami ni Baikku?

Pero anong gagawin ko? Kahit naman ginawa iyon ni Baikku at Rye eh mahal ko pa din si Baikku, pero pag hindi ko hiniwalayan si Baikku,masisira sya at maghihirap sila ni Mama.

Sa ngayon wala akong ibang choice kundi ang pagbigyan si Rye, pero gagawa ako ng paraan.

Agad akong tumayo at umalis,tinatawag nila ako pero hindi ko sila pinansin. Agad na nakasunod si Baikku,nagtatanong sya pero hindi ko pinansin,pag naiisip ko yung picture naiinis ako. Ayoko mang magalit pero tao lang ako.

Hinawakan ni Baikku ang kamay ko,pumiksi ako at itinulak sya,agad na akong lumabas ng Jollibee. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko,gusto kong intindihin pero mahirap pala.

Kailangan kong makausap si Rye. Pagkatapos nun ay aalamin ko ang nangyari,ayaw ko muna makita si Baikku dahil ayaw kong tuluyang magalit sa pagtataksil nya.

- Ola! Vote and Comment naman dyan mga kabagang :3

PIC NI FUU HOUOUJI -->

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now