Starting to feel something.

10K 264 15
                                    

Panibagong linggo na naman ang dumaan,masasabi kong na e-enjoy ko na ang fourth year life,at lalo naging matatag ang tropa,halos hindi na nga kami maipag hiwalay. Matatawa ka na lang kung pano kami naging tropa lalo na kung iisipin mo yung pagkatao ng bawat isa.

Ngayon,friday na naman,ginawa naming tambayan tong maliit na bahay sa likod ng mansyon namin,ganun kasi gusto nina Mom and Dad para daw kampante silang malayo ako sa maling daan,sus,parang hindi ko naman alam mga pinag gagawa ni Dad nung binata pa sya,nakwento na lahat sa akin ni tito Argel hahaha! At tingnan nya naman ang tropa ko,mukha bang mga naligaw ng landas tong mga to?

Kahit nga sa room eh ang dami na nakikijoin sa mga kapraningan namin,lahat ng kaklase namin ay kasundo namin.

Tulad nga ng sabi ko,nandito kami sa tambayan,naka nganga,wala kasi sina Belle at Heaven,isinama nila si Baikku sa pagsa shopping daw nila,mga babae nga naman! Tsk!

Marami ng gamit dito sa tambayan,kumbaga bahay na namin ito,kung gusto nila maglayas o mag overnight pwede sila dito hahaha!

Dahil wala kaming magawang mga lalaki ay naglaro kami ng baraha,pares pares nga lang.

"Pambihira kadayaan mo Myk!" bulalas ni Kebin na ikinagulat namin.

"Huwag kang nagbibintang Kebin,nakakamatay yan,wala kang patunay. Tanga ka lang talaga" sagot ni Myk. Nagkatinginan tuloy kami ni Prime. Nagsisimula na naman kasi ang dalawang to.

"Lul! Ako pa gagaguhin mo?! Tado ka! Kung hindi ka madaya bakit Joker nabunot ko sayo? Ipaliwanag mo nga? Likas ka lang talagang madugas" sagot naman ni Kebin na tumayo na at naghanda na makipag suntukan. Natawa ako ng sobra sa narinig ko.

Ayos din tong si Myk eh,buti hindi ako nakabunot ng Joker. Tiningnan ko si Prime na nakatingin lang sa dalawa.

Tao ba to? Pano to nasama samin?

"Aba malay ko! Gumagawa ka lang ng away eh,akala mo naman aatrasan kita? Atat na nga akong basagin yang pagmumukha mo eh" matapang ding sagot ni Myk. Dun na ako pumagitna dahil baka mauwi na naman sa sakitan ang dalawang to.

"Hep! Tama na yang mga ungas kayo,wag na lang kasi kayong magpansinan para mas mainam" sabi ko. Tumalikod lang si Kebin at nahiga sa sofa.

"Patulog muna tol" sabi nito sa akin. Ang tayog talaga ng pride ng kumag na to. Si Myk naman ay nagpunta sa mini kitchen ng tambayan,binuksan ang ref at may kinuha. Nanlaki mata ko ng makitang RH in can yon.

"Huy ungas san galing yan?" sabi ko sabay lapit. Bawal dito yan baka mapagalitan ako.

"Meron pa Myk?" ani Prime na ikinalingon ko.

What the?

"Oo tol kuha ka lang lima yan,pasensya na Keiji pinuslit ko kanina hahaha!" sagot ni Myk saming dalawa ni Prime.

"Mga walangya! Wag kayo papahalatang nakainom ah? Patay ako nyan pag nagkataon" nasabi ko na lang.

"Dont worry,its sugar free" sabi ni Myk. Binatukan ko nga "Gago" at nagtawanan kami.

-----

"Dapat magkasundo na yang dalawang yan" sabi ni Prime kaya nilingon ko sya. Nandito kami sa labas iniintay ang mga babae dahil papunta na daw,si Kebin tulog pa din,tulog mantika eh, si Myk nakayupyop sa mesa,nalasing si gago,ang yabang pa eh,sya umubos ng mga natira dahil hindi pwedeng makita yun don,araw araw naglalagay ng kung anu-ano dun yung maid namin.

"Pano naman? Napaka imposible nun?" taka kong tanong. Ewan ko sa taong to,napaka unpredictable at napaka misteryoso,si Heaven lang ata talaga nakakakilala dito eh.

"Madali lang yan kung aayon sa plano ang pagkakataon,pero hindi pa natin yon gagawin ngayon,wala pang magandang pagkakataon" sagot nya. Astig! Ngayon lang ako makakaranas ng ganun sa tropa if ever! Parang na excite ako? Haha

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now