Acceptance!

5.2K 141 3
                                    

Kebin's Point of view

Ng mailipat na si Myk,pinag usapan namin na salitan sa pagbabantay sa kanya,christmas vacation naman kaya ayos lang. Umuwi muna sina Tito at Tita para sunduin si Maki, si Touya at Yuki ang naiwanan,ako naman nakatanggap ng tawag kay Papa at pinapauwi na ako.

Ng makarating sa bahay ay nabungaran ko ang pamilya ko sa living room,si Mama,Papa,Tito Kreyd at Tito Prue. Lumapit na ako,alam ko na kung ano ang pag uusapan.

Naupo ako sa couch na nakaharap kina Mama at Papa,sa kanan ko sina Tito Kreyd at Tito Prue.

"Kamusta ang lagay ni Myk?" tanong ni Papa na seryoso,kaya kinabahan ako,pero dapat ko itong harapin.

"Ligtas na po sya Pa,pero hindi pa sya nagigising" magalang kong sagot.

"May relasyon ba kayo? Huwag kang magsisinungaling" agad nyang segunda,napatingin ako sa mga tito ko,alam kong naiintindihan nila ako,pero si Papa,mukhang malabo,matinik daw to sa chix nung binata pa kaya nga ginagaya ko sya noon at hinahayaan nya ako,pero ngayon iba na ang sitwasyon,hindi na babae ang gusto ko.

"Kuya Khyron huwag mo naman biglain" ani Tito Kreyd.

"Tumahimik ka Kreyd" ani Papa,natakot ako pero diba nga dapat harapin ko na ito.

"O-opo.. Meron po" napayuko kong sagot.

"Tang ina,hindi ka namin pinalaki ng Mama mo para maging bakla!" galit na sabi ni Papa.

"Hon huwag mo sigawan si Kebin" suway ni Mama pero hindi sya pinansin ni Papa.

"Sorry po Ma,Pa" nakayuko kong sabi.

"Dahan dahan sa pagsasalita kuya,baka nakakalimutan mong nandito kami ni Prue,matagal na nating napag usapan nina Nanay at Tatay na tatanggapin natin lahat ng mamahalin ng mga anak natin" pag singit ni Tito Kreyd,natakot ako na baka mag away sila.

"Mahal huwag ka na makisabat" sabi ni Tito Prue.

"Pasensya na po,pero mahal ko si Myk,hindi ko naman po ginusto ito,kusa na lang po itong sumibol" hindi ko mapigilang pag singit. "huwag na po kayong mag away Papa at Tito"

Kita ko kung paano sumilay ang magagandang ngiti kina Tito Kreyd at Tito Prue kaya medyo gumaan ang loob ko.

"Gano mo sya kamahal?" pagkuway tanong ni Papa,walang pag aatubiling sumagot ako.

"Mahal na mahal po,sobra po"

Mahabang katahimikan ang nangyari,siguro tinitimbang ni Papa ang sitwasyon at nag iisip,nakatingin lang ako sa kanila habang hinihintay magsalita si Papa.

"Gusto naming makilala ng Mama mo ang mga magulang nya,dalhin mo sila dito pag okay na si Myk" pagkuway sabi ni Papa,nakahinga ako ng maluwag,pakiwari ko'y natanggal ang kung ano mang nakasaksak sa dibdib.

"T-talaga po Pa? Salamat po!" gulat at masaya kong reaction,hindi ako makapaniwala, sa wakas tanggap na nila kami ni Myk!

"Oo,wala naman akong magagawa kundi suportahan ka kung saan ka masaya,diba hon?" sagot sa akin ni Papa sabay baling kay Mama,nakangiting tumango si Mama,napayakap ako sa kanilang dalawa na pinagtaka siguro nila dahil kahit kailan ay hindi ko pa ito ginawa,hindi kasi ako showy,diba nga maangas ako noon,astig at basagulero,pero lahat yun ay kusang nawala sa akin ng mahalin ko si Myk.

-----

Isang linggo na ang nakakalipas ng gumising si Myk,hindi maipaliwanag ang kasiyahan namin ng magising sya.

"Anak" ani Tita at niyakap si Myk,lahat kami ay nakangiting nakatingin sa pamilya.

"Kamusta anak?" tanong ni Tito at naupo sa kama.

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now