The Start!

5.4K 147 16
                                    

Friday,dumating na ang araw ng retreat,maaga akong nagpunta sa school,usapan kasi namin ng tropa na dapat magkakalapit ang mga pwesto namin sa bus.

At saka ngayon ko na din ibibigay lahat ng nagawa kong retreat letters.

Pagpasok pa lang sa gate ay tanaw na agad yung bus sa tapat ng Gymnasium at kita ko agad sila lahat,kaya lumapit na ako habang binubuksan ang bag para kunin ang mga retreat letters pero nagdadalawang isip pa din ako kung ibibigay ko yung kay Kebin.

"Hi guys! Hi Baikku! Buti at nakasama ka" pagbati ko sa kanila ng makalapit ako,dito kasi sila sa bench nakatambay,agad kong napansin si Kebin,naka cap,may earphone sa magkabilang tenga,naka vanz na sapatos,maganda ang damit na tinernuhan pa nya ng jacket na bagay sa kanya,gwapo nga talaga ang gago,agad ko din binawi ang tingin ko.

"Buti at dumating ka na" sagot naman ni Heaven na naka shades pa na malaki,ang ganda lang nya,mukha syang artista.

"Syempre! Ako pa!" pagyayabang kong sagot.

"Syempre dapat lang kasama ako no? Kasama yon sa binayarang tuition ni Mama,buti nga hindi na namin nirefund,at subukan nilang huwag ako payagan,jujuduhin ko sila!" sagot naman sa akin ni Baikku na ikinatawa naming lahat.

"Ang sadista mo talaga mhine" ani Keiji dito sabay akbay. Hay nako! Ang pag-ibig nga naman!

"Gusto mo ikaw juduhin ko? One time lang!" ani Baikku dito na ikinatawa namin.Masaya kami sa relasyon ng dalawang ito,kung sa akin nangyari yung nangyari sa kanila,siguro hindi ko kakayanin.

"O sya,eto nga pala mga retreat letters nyo,huwag nyo isnabin yan,pinaghirapan ko yang isulat" sabi ko na lang at binigay sa kanila ito isa-isa.

At ng ibibigay ko na ang para kay Kebin ay parang nagulat pa ito,pati ang tropa,hindi siguro nila inaasahan.

Nag aalangang tinanggap ito ni Kebin,medyo nagkatitigan kami,pero tulad ng dati,ako unang nagbawi ng tingin,baka kung ano na naman dating sa kanya nun at awayin ako at magsuntukan na lang kami bigla.

"Wow naman! Oh eto din ang samin,nagbigayan na kami eh,ikaw na lang ang wala" at isa isa naman nilang binigay ang sa kanila,at tanging si Kebin lang ang walang ibinigay,tulad nga ng aking inaasahan.

"Sige,baka maiyak kami dito ah" ani Belle.

"Syempre,makakalimutan ko ba kayo? Lahat ay meron,hindi tulad ng iba dyan" sagot ko kay Belle.

"Meron din akong para sayo,mamaya ko ibibigay kaya huwag kang magpasaring dyan" biglang sabi ni Kebin kaya napalingon kami sa kanya,ngunit agad din syang lumapit kina Touya at Yukito,nagkibit balikat na lang kami.

"Talagang hindi na kayo magkakasundo ano? Balewala din pala yung plinano ko dati" sabi ni Prime,hindi ko na lang ito pinansin baka masira pa ang araw ko dahil kay Kebin.

"Huwag ka mag alala Prime,magkakabati din mga yan,diba mhine?" singit ni Keiji na nakangisi,sumang ayon naman si Baikku na naka ngisi, pakiramdam ko may tinatagao sa akin ang dalawang to eh.

"Saglit lang,ibibigay ko lang sa mga classmates natin ang retreat letters ko para sa kanila" sabi ko na lang at isa isang nilapitan ang mga kaklase ko,bawat bigay ko naman ay may natatanggap din ako,ang kulit lang.

"Mukhang ceasefire kayo ni Kebin ah?" ani Junko.

"Haha! Ikaw talaga,kung anu-ano napapansin mo,sige na,balik na ako sa tropa,salamat sa retreat letter tol" ani ko at umalis na para tunguhin ulit ang tropa.

Ilang saglit pa,tinawag na kami ni Maam Sanchez para sumakay sa bus,paalis na daw kasi. Ang mga kaklase ko naman parang elementary na nag unahan,nahuli kami ng tropa. At pagpasok namin sa bus,nadismaya kami kasi hindi na namin magagawa yung plano naming magkakalapit ng pwesto, nagkanya kanya na kami ng upo.

Ako ang pinaka huling uupo,at napansin kong wala ng bakante kundi sa tabi ni Kebin, napahinga ako ng malalim.

No choice kundi ang tumabi sa kanya ng walang imik, nagkatabi nga kami matulog ng magdamag,magtabi lang sa upuan hindi ko pa ba magagawa?

Wala pa din syang imik,parang ako lang,diba sabi ko nga,talagang hindi kami pwede magsama ng dalawang to? Kahit ang inisin sya ay hindi ko na magawa para lang makapag usap kami,ewan,bigla ako nahiya? Mula nung tanggapin ko sa sarili kong mahal ko nga sya.

Nang umandar ang bus ay nagsimula na din si Maam Sanchez sa mahaba nyang pagbibilin ng mga DO's and DONT's na para bang hindi namin iyon nabasa sa letter of consent.

Hindi na ako nag abala na tingnan kung san naka pwesto ang tropa,napatingin ako kay Kebin,nakapikit at nakasandal ang ulo sa salamin na bintana.

Gusto ko sana makipagpalit ng pwesto sa kanya,gusto ko sa tabi ng bintana para pag inantok ay isasandig na nga lang ang ulo ko sa salamin,at mukhang hindi naman papayag ang mokong na to. Medyo nilalamig na din ako sa buga ng aircon kaya itinapat ko ito sa kanya,kung bakit kasi hindi ako nagdala ng jacket?

At dahil ayaw ko namang magka stiffneck dahil lang sa pag iwas na matingnan sya ay umayos na ako ng upo saka pumikit.

Hindi ko matandaan kung gaano ako katagal nakatulog habang bumebyahe,pero nagising akong nakasandig ang ulo ko sa balikat ni Kebin at nakalapat din ang ulo nya sa akin.

- Mustaaa? Votes and Comments po! Nabuang ako,minadali ko yan,dahil ang original draft nyan ay nabura nung nagreformat ako ng phone.

BTW, Good eve! ^o^

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon