Sudden Confessions!

8.2K 204 9
                                    

Nakapangalumbaba akong nakatingin sa kawalan. Nandito kami ng tropa sa bahay, sabado kasi,naisipan namin mag swimming at inimbitahan din sila ni Mom dahil ipagluluto daw sila ng carbonara,dahil likas ng matakaw ang tropa ay agad silang nagpaunlak.

Ngayon nagtatampisaw sila sa pool,ako eto lumilipad ang isip ko sa kawalan. Iniisip ko kung anong nangyayari sa akin,tatlong linggo na ang nakakalipas mula ng makaramdam ako ng kakaiba,pinilit ko labanan pero mukhang na wrong move ako,at aaminin ko,gusto ko na nga siguro si Baikku,pero alam kong magagawan pa ng paraan,kaya ko pa din ito ipagsawalang bahala. Alam ko kaya ko.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?" napalingon ako sa tumabi sa akin. Si Baikku.

"Wala naman,may iniisip lang akong tao" simple kong sagot.

"Pinoproblema mo ba sya? Baka matulungan kita?" napalingon ako sa kanya. How can he possibly help me kung sya nga yung pinoproblema ko? Ano ba dapat kong gawin para mawala to? Ayoko matulad sa mga tito ko,that is too much.

"Hindi ka na nakasagot,may nililigawan ka na ba? Tulungan kita you want?" sabi pa nya ng hindi ako sumagot.

"Kamusta kayo ni Rye?" bagkus ay tanong ko,matagal na din kasi diba ng sabihin nyang manliligaw sa kanya yung ulupong na yon?

"Okay naman,were still dating,ewan parang wala naman ako mafeel,siguro crush ko lang sya" sagot nito.

"Nye? Sayang naman pala,edi habang maaga sabihin mo sa kanya" sabi ko na lang at umayos ng pagkakaupo,saka uminom ng juice.

"Ewan,may iba kasi akong nagugustuhan" sabi naman nya.

"Sino naman? Ikaw talaga"

"Secret! Pero kilala mo,nasa tropa" ubod ng ngiting sabi pa nito,nagtaka tuloy ako kung sino? Magsasalita na sana ako ng biglang sumulpot ang maid namin,tawag na daw kami ni Mom dahil luto na ang carbonara.

At mamayang gabi ay nasa isang bar kami,Heaven invited us sa gig nila,nagpaalam na kami sa kanya kanyang magulang at pumayag naman. Nagkaron pa kami ng discussion kung papasukin kami o hindi. Sabi ni Heaven sya na daw ang bahala,astig din talaga ang babaeng to eh.

-----

"Ganito pala lasha ng mga cocktail drink! Hik! Nakakalasheng! Hik!" ani Baikku na winawagayway pa ang kamay na may hawak na baso ng alak.

"Sabi sa inyong wag na painumin yan eh!" inis kong sabi sa tropa,halos kakasimula pa lang namin lasing na si Baikku.

"Yaan nyo na,atleast nakatikim ng alak" ani Heaven at humagikgik pa.

"Okay ka lang girl?" sabi naman ni Belle dito kay Baikku na kakalagok lang ulit.

Kita kahit papano ang pamumula nya at pamumungay ng mga singkit at magaganda nyang mata.

"hokey lang akho no? Ang sharap kashe,hik! Parang juice! Hik" sagot nito. Walang imik na tiningnan ko lang sya.

"Tama na yan,gusto mo ihatid na kita?" sabi naman ni Myk na ikinalingon ko.

"Hahahaha! Huwag khang Ho-ey mahayk! Kaya ko pa! Shaka gushto kho yung mahal ko maghahatid shakin hik!" at humagikgik ito saka tumayo.

"San ka pupunta? Baka bumalibag ka,clumsy mo pa naman" sabi naman ni Kebin.

"Let him enjoy,at saka paglasing dun nailalabas ang tunay na nararamdaman" singit ni Prime. Ano ba gagawin ko dito kay Baikku?

"Shashayaw akho hik! Parteey parteey!!" at nagtatalon pa ito pero na out of balance,agad kong sinalo at niyakap.

"Sa susunod huwag ka ng iinom" sabi ko at naupo kami,sinandal ko ulo nya sa dibdib ko,ang lakas ng tibok ng puso ko,hindi ko maintindihan,natahimik ang tropa at tiningnan lang kami.

"Bahakit Keiji?! Nag aalala ka ba shaken? Hihi! Hik! Halam mo keiji.." sabi pa ni Baikku at idiniin ang ulo sa dibdib ko,napatingin ako sa tropa,parang lahat sila inaabangan ang mangyayari.

Pakiramdam ko tuloy napaka init na sa lugar na ito wew!

"Hang lakash hat bilish ng tibok ng pusho mo! Hik! Ganyan din akin pag malapit ka sa akin,pakinggan mo" nakapikit na sabi nito. Anong ibig nyang sabihin?

"Gushto kita Keiji! Ay mali,mahal pala kita..." sabi pa nya.

Pakiramdam ko mas lalong uminit at tumigil ang lahat,para akong nabingi sa sinabi ni Baikku. Mahabang katahimikan ang namagitan sa tropa. Maya maya naramdaman kong payapa na ang paghinga ni Baikku.

"Bagsak,nakatulog na,sabi sa inyo eh" at humagikgik pa si Heaven na parang tuwang tuwa sa nangyari,samantalang ako iniisip ko pa din ang mga sinabi ni Baikku, mahal nya ako? Pero hindi pwede! Gagawa nga ako ng paraan para mawala tong kung anung nararamdaman ko sa kanya eh.

"Atleast,nasabi nya gusto nyang sabihin" sabi pa ni Belle.

"Tol ikaw na maghatid dyan o iuwi mo muna sa inyo" si Kebin na lumalaklak pa din.

Binigyan ko sila ng tinging naghihinala.

"Planado ba ito? Hindi nyo man lang kami inisip! Ginawa nyo to para sa kasiyahan nyo?" inis kong sabi. Pilit kong sinusupil pero sila itong pilit nagdidiin sa aming dalawa.

"Sorry,gusto lang namin makasigurado sa nararamdaman ni Baikku at para mailabas na din nya nararamdaman nya" sagot ni Heaven.

"Pwes hindi umubra! Hindi ako natuwa!" sabi ko pa,bumaling kay Belle "at alam mo yan Belle! Nag usap na tayo diba?" singhal ko pa.

"Masamang naninigaw ng babae tol,kung gusto mo sa akin mo ilabas ang init ng ulo mo,pagbibigyan kita" pagbara sa akin ni Prime,natahimik ako bigla. Masyado ako nadadala sa emosyon ko.

"Sorry" sabi ko na lang ,at bigla umalis si Baikku sa pagkakasandal sa dibdib ko.

"Im sorry sa mga sinabi ko,hindi lang ako nakapagpigil,lasing ako" ani Baikku na nagpunas ng mga luha. "Narinig ko sinabi mo Keiji,pasensya na ulit" dagdag nito at dahan dahang tumayo,medyo gumewang pa nga.

Parang kinurot ang puso ko,bakit ba umabot kami sa ganitong sitwasyon? Okay naman kami dati bilang magkaibigan ah? Damn!

"Uuwi na ako guys,ang sakit sakit na ng ulo ko,enjoy na lang kayo" paalam ni Baikku at pagewang gewang na naglakad palabas ng bar,sinundan ito ni Belle at Heaven. Natulala na lang ako,hindi ko alam kung anong iisipin.

"Lets drink at mag usap tayo,man to man" sabi Prime.

"Mabuti pa nga,sayang ang alak" segunda ni Kebin at nagsimula ng magpaikot ng tagay.

"Anong nangyari?" seryosong tanong sa akin ni Prime. Dapat ko bang sabihin?

"Hindi ko alam tol,may mga nangyayari sa akin na hindi ko maintindihan,nung una akala ko Im just fond of him,pero lumalim,sinubukan ko pigilan pero mukhang na wrong move ako,ayoko nito,ayoko tumulad sa mga tito ko,tama ng sila na lang,ayoko na dumagdag" pag amin ko at ininum ang tagay na inabot ni Kebin.

"Si Baikku ba tinutukoy mo brad?" ani Myk. Tumango ako bilang sagot. "Wow! Akala ko,ako lang nakakaranas ng ganitong misfortune,pati din pala ikaw" dagdag nito na ikinatingin namin sa kanya.

"Kung ano iniisip nyo,tama yon,may nagugustuhan ako ngayon,but sad to say lalaki sya,ayos lang sana kung gaya ni Baikku parang babae na din,pero ewan bakit sa kapwa lalaki ako nagkagusto,hindi naman ako bakla at hindi din ako nagkakagusto sa ibang lalaki,sa kanya lang talaga" litanya ni Myk,sadyang ikinagulat ko. Totoo kaya yon? Napaka powerful nga siguro ng Love kung ganun? "Pero hindi ako ang topic dito brad,ikaw" anito sabay turo sa akin.

Tiningnan ko si Prime,nakatitig sya kay Kebin na kala mo walang pakialam sa paligid o sadyang pag si Myk ang nagsalita wala sya talagang pakialam?

"Ewan,basta ayoko nito,hanggat maaga gusto ko mapigilan" sagot ko.

"Kahit inamin na nya sa ating lahat na mahal ka nya?" paninigurado ni Prime.

"Eh paano yan,magkakaklase tayo,palagi mo sya makikita,anong gagawin mo?" ani Kebin.

Ano nga ba ang gagawin ko? Haay! Shit naman!

- vote and comment kung nagustuhan,salamat :)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now