The Dilemma! Expect the Unexpected!

6.5K 159 12
                                    

Keiji's Point of view

Dali dali akong bumalik papunta sa school,alam kong nandun pa si Rye,hindi ko palalampasin ang kagaguhan nya!

Pagkapasok ko pa lang sa gate ay nakita ko na ang ilan sa mga Section A at agad ko silang nilapitan at tinanong kung nasan si Rye.

"Nasa Rooftop ng bldg natin,dun lang lagi sya tumatambay" sagot ng isa sa mga ito.

Mukhang inaasahan ng isang yon na susugurin ko sya ah? Naikuyom ko ang aking mga kamao at dali daling tinungo ang aming bldg at umakyat.

Pagdating sa rooftop kita ko agad si Rye,nakahiga sa isang pahabang upuan at parang kampanteng kampante pa.

"RYE!!" sigaw ko sa kanya,bumangon sya at nginitian ako. Gago ba sya? Pangiti ngiti pa sya?

"Akala ko babalewalain mo ang text ko eh" naka ngisi nyang sabi sa akin. Umakyat ata ang mga dugo ko sa ulo,hindi ko gustong galit na ako pero sya pangiti ngiti pa. Agad ko syang sinugod at binalya sa pader,kinwelyuhan at iniangat,galit ako,galit na galit.

"Bakit mo to ginagawa? Anong kasalanan ko sayo ha?!" gigil kong sabi.

"Relax Keiji,hindi pa ba obvious? I want Baikku for myself,and may unfinished bussiness pa ako sa kanya" nakangisi nitong sabi. Lalo ako nagliyab sa galit at sinapak sya,bumagsak sya sa lapag,ng tumayo sya ay pinunasan nya ang nagdugo nyang labi.

"Anong ibig mong sabihin? Gago! Duwag ka! Lumaban ka ng patas! Huwag kang gumamit ng kung anu ano! Hindi pa ba malinaw sayo? He turned you down dahil ako ang mahal nya! Kaibigan lang ang tingin nya sayo! Narinig mo? KAIBIGAN! Kaya bakit kailangang gagawa ka pa ng eskandalo at idadamay mo pa ang Mama nya?! Damn you!" bwisit kong bulyaw. Hindi ko lubos maisip na may taong kayang gumawa ng ganun,to think na isang high school student pa!

"You can say whatever you want Fuentebella,pero buo na desisyon ko,you choose,layuan mo si Baikku o ikakalat ko ang video namin at iipitin ko ang Mama nya hanggang maghirap silang mag ina? Baka hindi mo naitatanong,isa ang pamilya ko sa mga regular customer ng Nanay ni Baikku sa negosyo nito, I can turn the table upside down" nakangisi pa din nyang sabi.

Hindi ako nakasagot. Napaisip ako. Ano ba ang magagawa ko sa ganung sitwasyon?

"And oh by the way, nagustuhan mo ba yung pic? Hahaha! Buti at yun pa lang nakikita mo" pang aalaska pa ni Rye.

Ayoko ng makarinig ng kahit anong sasabihin ng demonyong yan at baka hindi ako makapag pigil at ihulog ko sya mula rooftop hanggang groundfloor.

Nagpupuyos ang kalooban ko sa sobrang inis.

Nagmadali na akong lumabas sa school,may nadinig akong tumatawag sa akin,ang tropa pala. Sakto may taxi kaya pinara ko na,gusto ko munang umuwi at makapag isip isip.

Ng makarating sa bahay ay napansin ko ang mga kotseng nakaparada sa tapat at sa garahe namin.

May bisita kami?

Pag bukas ko pa lang ng front door ay dinig ko na ang tawanan. Mukhang may bisita si Papa.

"Kuya,sabi ni Papa pagdating mo daw puntahan mo agad sya,nasa garden sya" ani Kino,tumango lang ako. "May problema ba kuya?" dagdag nito.

"Wala to Kino pagod lang,sina Mama at Kaira?" tanong ko naman.

"Nag shopping"

"Ah okay,puntahan ko lang si Papa"

Agad na akong nagpunta sa garden,nandun nga si Papa at mukhang nag iinuman sila.

Paglapit ko ay nakumpirma ko kung sino mga kainuman ni Papa.

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now