Forgetting the feelings

7.8K 163 9
                                    

Baikku's Pov

Haaayy! Napaka saklap ng aking kapalaran sa pag ibig! Harap harapan akong nireject! Kung bakit ba naman kasi nalasing pa ako nun? Hindi ko na tuloy alam kung paano na ulit papakisamahan si Keiji :/

Agad ko ng tinapos ang agahan,nag beso kay Mama at nagpaalam ng papasok sa school,si kuya Janus ang aming bagong driver ay hinihintay na din ako, gwapo sya,siguro nasa 19 to 22 years old na,nagresign yung dati naming driver dahil matanda na.

On our way to school,hindi ko na naman mapigilang mapaisip, ano ba gagawin ko? Huwag pansinin si Keiji o yung normal lang? Haay! Hindi ko din naman sya masisisi,tong lintik na pagmamahal ko sa kanya ang dahilan ng lahat. Kasi naman hindi ko din naman namalayan to,hindi ko din alam kung san nagsimula. Pero sabi nga nila,baka Puppy Love lang ito at makaka move on din ako.

Ng makarating sa school ay nagpasalamat na ako kay kuya Janus at pumasok na,dumaan muna ako sa coop para bumili ng 1/4 at yellow pad,pati na rin ballpen.

Naglalakad na ako papunta sa High School Bldg ng lapitan ako ni Rye.

"Musta weekend Kuh? Bakit parang stress ka?" anito. Ang galing naman ng isang to,nahalata nya agad.

"Pano mo nalaman?" tanong ko naman habang patuloy pa din kaming naglalakad.

"Ang laki ng eyebags mo eh,ayoko pa naman na i-stress ang mahal ko" sabi pa nito,nadinig ng ibang estudyante kaya hinampas ko sya ng naka rolyong yellow pad.

"Baliw ka talaga! Kung anu-ano na naman sinasabi mo dyan!" natatawa kong sabi,bilib din kasi ako dito,talagang pinanindigan nya ang panliligaw sa akin.

"Kelan mo ba ako sasagutin?" tanong pa din nito,paakyat na kami sa 2nd floor,sa 3rd floor ang room nya,dun ang section A,B,C and D.

"Pag nagawa mong ligawan ako sa harap ng mga kaklase ko" pagbibiro ko sa kanya at nanakbo na ako sa room ng nasa 2nd floor na kami.

Pagpasok ko halos kumpleto na mga kaklase ko,dumeretso na ako sa upuan ko since wala na ding time makipagdaldalan. Ilang saglit pa nga dumating na si Mam Sanchez.

"Class,nareview nyo na ba ang chapter 1 to 4 ng El Fili?" tanong ni Maam,at sabay sabay kaming nag 'yes.

"Mabuti,magkakaroon tayo ng play, hahatiin ko kayo sa apat na grupo,bawat grupo ay irerepresinta ang bawat chapter, mga gaganap,props,damit,kayo na ang bahala" sabi ni Mam. Nakaramdam ako bigla ng excitement,gustong gusto ko ang umakting! Pagkakataon ko na ito. Kaya lang sa palagay ko,walang babagay na role para sa akin,wala namang bading sa El Fili,pwera na lang kung gagawin kong bading si Simon hahaha!

At parang mautak talaga si Maam,hindi mo alam kung sinadya o nagkataon lang na magkakagrupo kami ng tropa since kami ang mga huling nabunot kasama ng pito pa naming kaklase,kami ang sa chapter 4.

At doon ko lang naisip si Keiji,haay! As much as possible eh ayaw ko muna siyang tingnan,naaalala ko pa din yung reaksyon nya nung sabado.

"Ang grupo na makakuha ng mataas na grade sa play ay exempted sa darating na first periodical test" anunsyo ni maam at nagdiwang ang lahat. Mas gusto ko na din yon kesa matuyo utak ko sa pagsagot sa mga test papers.

Ng dumating ang recess ay hindi na ako nag abalang tumayo,mamaya na lang ako kakaing lunch, P.E pa naman ang next subject after recess at baka mawala lang din ang kinain ko.

Hindi pa man nakakalabas ang mga kaklase ko sa room ng may marinig kaming nag gigitara. Paglingon ko sa pinto si Rye! Aba't? Ginawa nga ng mokong? Eh biro lang naman yon ah?!

You gave me a meaning

for my being and I love

what Im feeling

You gave me a reason

for my life yes Im gone

beyond existing.

And it all begun,

When I met you

At ang mga kaklase kong babae at mga bading hindi magkanda uga uga sa kilig at tili. Parang mga sinasaniban nila.

"Kyaaaahh! Ang gwapo talaga ni Rye!"

"Ako ata ang hinaharana nya! Eeehhh!!"

"Shet! Papasok na sya sa room natin!"

Napalunok ako,mukhang napasubo ako dito kay Rye ah? Nilingon ko ang paligid,parang wala sila idea kung sino ang pakay ni Rye,pero alam kong alam ng tropa na ako yon,ng lumapit sa akin si Rye ng naka ngiti at mag abot ng isang rosas ay nalipat na sa akin ang tingin ng lahat.

"For you Baikku" naka ngiti nitong sabi,tinanggap ko naman ang rose. "Tara ng mag recess,my treat"

Tango na lang naisagot ko,at ng hilahin na ako nito palabas sa room,nakita ko ang mga mukha ng mga kaklase ko,lalo na si Keiji na masama ang tingin. Problema nya?!

Belle's Pov

"Ganda ni Baikku! Tinalbugan ka gurl!" biro ni Heaven,natawa lang ako sa lukaret na to eh,napatingin ako sa mga classmates namin na walang tigil sa pagiging bubuyog,si Baikku pa din ang topic.

"Baliw ka gurl,tara na guys sa canteen" sabi ko na lang at lumabas na kami. Tiningnan ko si Keiji,tahimik lang sya,medyo aloof sya samin dahil siguro nung nangyari nung sabado. Obvious naman kasi sya,tas idedeny nya,ayan tuloy ngayon naunahan na sya.

"Akala ko hindi seryoso yung kumag na Rye na yon?" ani Myk habang naglalakad kami papunta sa canteen.

"Pwes ngayon nakita mo ng seryoso" bara ni Kebin kay Myk. Ito na naman sila.

"Epal talaga,papansin masyado" sabi naman ni Myk.

"Utang na loob,Myk at Kebin,for once tantanan nyo mga barahan nyo,at kung mag aaway kayo wag sa harap namin" singit ni Prime na ikinatahimik ng dalawa,kami naman ni Heaven ay nag apir at humagikgik,actually sanay na kami sa bawat isa,weird nga ang tropahan namin eh.

Tapos na kaming umorder at naghahanap na lang ng mapepwestuhan ng mapansin ko sa bandang dulo sina Rye at Baikku,napangiti ako,feeling siguro nung dalawa nagde-date sila sa isang mamahaling resto,pero para sa amin ni Heaven,okay na yan,para makalimutan nya feelings nya kay Keiji.

At itong si Keiji naman kunwari hindi affected pero halata naman kanina na gusto na nya magwala,haaay! Kailangan makausap ulit ang tropa at makapag plano hihi!

Keiji's POV

WTF? Dito pa talaga sa room nagpaka baduy yung Rye na yon? Na mukha namang isang anime character! Hindi ko alam sa school na ito bakit tinotolerate na mahaba at may kulay mga buhok ng lalaking estudyante,ganun si Rye! Tulad ni Baikku may kulay din buhok ng kumag.

Nakakainis din tong si Baikku,sabi nya ako mahal nya,tas ganyan parang tuwang tuwa pa sya sa ginawa ng Rye na yon,Psh! Ang baduy naman!

Selos? Its your fault,pinakawalan mo,arte mo kasi.

Sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Lul! Its for the best kaya ginawa ko yon!

Okay. Sabe mo eh!

Takte! Nababaliw na ako! Pati sarili ko kinakausap ko na. Ngayon nga nandito na kami sa canteen,masayang kumakain ang mga kurimaw,ako nag iisip pa din,lalo na yung play sa Filipino,nananadya ba si Maam Sanchez? Pano ako makakaiwas kung lagi kami pinaglalapit ni Baikku? Aish!

"Edi manligaw ka ng babae para ma divert yang nararamdaman mo" sabi ng isang boses.

Tama! Ganun na nga! Siguro that way mawawala na nararamdaman ko kay Baikku at hindi na ako natutuliro ng ganito.

Teka?! Sino yung nagsalita?

Pagtingin ko sa tabi ko ang ungas na si Kebin.

"Pano mo nalaman ang iniisip ko? Mind reader ka ba tol?" kunot noong tanong ko dito.

"Haha hindi tol,kung may mukha mang mind reader dito si Prime yon" sagot nito at tumawa ulit.

"Nagsasalita ka lang naman habang nakatulala Keiji" naka ngising sabi ni Heaven at lahat sila nagsitawanan.

DAPAK?!

- Vote,comment and recommend kung nagustuhan nyo :D

PIC NI MYK -->

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now