Ang Halik ng Pangpa Gising!

7.7K 181 8
                                    

Baikku's Pov

And so,monday came,napresent namin ng maayos ang play,at dahil dun ay exempted na kami sa periodical test na dadating,ang galing diba? Hahaha! Kahit wala naman talaga ako ginawa.

After recess ay PE ang subject,pumunta na kami sa tabi ng gymnasium,gusto kasi ni sir yung ganun,which is pabor samin dahil hindi lang apat na sulok ng class room namin ang nakikita namin.

Practical exam nga pala. Ito lang din ang inaayawan ko dito eh,ayoko kasi ng hinihingal at pinagpapawisan. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko. Haay! Wala ng mag sa-sub sa akin,hindi nga pala kami nagpapansinan ni Keiji.

"Okay class,since halos naman sa inyo ay mukhang papasa ngayong first grading,ang gagawin lang natin ngayon ay isang game, pandagdag grade lang bago ang periodical test nextweek" sabi ni Sir. At anong klaseng game naman kaya?

"Junko pakikuha ang mga sako na yon" utos ni Sir sa classmate namin. Kinuha nga ito at ibinigay kay sir.

"We will be playing sack race,kumuha na kayo ng partner nyo and I'll give you these sacks after" ani sir. Parang bagyong nag unahan ang mga classmates ko sa paghanap ng partner.

Gusto ko po matawa ng makita kong si Myk at Kebin ang partner at parehong hindi maipinta ang mukha. Ang malas ng dalawang to. Napatingin sa akin si Kebin,nginisihan ko sya bilang pang aasar,and to my surprise ngumisi din ang gago.

At dun ko lang narealize na si Keiji ang magiging partner ko ng lumapit ito sa akin. Hindi tuloy ako mapakali. Kaya pala ang lakas ng loob ni Kebin makipag ngisihan! Tengene!

"Partner daw tayo" cold na sabi ni Keiji,tango lang sinagot ko then lumapit ako kay sir para kunin ang sako namin. Kung minamalas ka nga naman! Parang abnormal na naman puso ko,sarap dukutin para tumigil na sa kakatibok ng mabilis.

"Oh ayan ang sako,ayusin mo lang,ayoko matalo ah" pagtataray ko sabay abot ng sako dito.

"Ha! Ako pa ang pinagbantaan,tingnan natin" mayabang namang sagot nito. Haay! Sana maibalik na yung dating kami,hindi ako sanay ng ganito.

Nag start na ang game,nakakatuwa panoorin mga classmates namin haha! At nung turn na namin ni Keiji,pagpasok palang namin sa sako nailang na agad ako. Sheyt!

Ang kalaban namin sina Myk at Kebin. Hmmn,may pag asa kami manalo nito ni Keiji.

"Ready,set,go!" sigaw ni Sir at parang mga kangaroo at rabbit na nagsimula na kaming magtatalon, pakiramdam ko kung may dibdib lang ako humampas na yon sa mukha ko sa lakas ng impact ng pagtalon namin ni Keiji.

Nauuna na kami kina Kebin dahil parang nagsasagutan pa ang dalawa. Kaya ng makarating dun sa kabilang side ay nagmadali kami ni Keiji para makabalik sa starting line.

"Lakasan mo pa!" sabi ni Keiji. What? Lakasan? Nakakapagod kaya! Hindi na ako sumagot. Pagtalon nya ay hindi ako nakasabay kaya bumagsak kami sa lapag,nagsigawan ang mga kaklase namin.

Nasa ibabaw ko si Keiji,magkalapat ang aming mga labi,hindi ko alam kung anong gagawin,for a moment hindi talaga ako kumilos,naramdaman kong gumalaw ang labi nya kaya parang dun ako natauhan at naitulak ko sya.

Ugh! Para akong naghyperventilate,sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko. Inalalayan ako ni Keiji na tumayo pero hindi ko sya pinansin,agad akong tumayo at pumunta kina Belle. Ang ending talo kaming dalawa.

Parang nararamdaman ko pa ang labi ni Keiji. Ang lambot. Bakit ganun? Akala ko ba ayaw nya sa akin? Naguluhan tuloy ako.

"Sabi na nga ba at hindi ka nakikinig" sabi ni Heaven sabay hampas sa akin. Kinakausap pala nila ako?

"Ha?"

"Anong ha? Ano sasama ka ba mayang tumambay o may date kayo ni Rye?" parang inis na sabi ni Heaven.

"Hindi ko pa alam" tanging nasagot ko.

-----

Keiji's Pov

"Dapak?! Bakit kailangan may steps pang sundin? Anong akala mo sa akin hindi marunong manligaw?" sabi ko kay Myk,ang gago kasi gumawa pa ng kasulatang steps sa panliligaw kay Cherry. Sa totoo lang parang gusto ko na umurong eh.

"Guide lang yan pre" kalmang sagot nito. Nandito na kami sa tambayan, ako,si Myk at Prime, wala pa si Kebin may importante daw lakad,at si Belle at Heaven,ewan,kinukulit ata si Baikku.

"Dont tell me aatras ka na?" pagsingit ni Prime sa amin.

"Oo,hindi ko naman na siguro kailangang gawin yan" sigurado kong sagot.

"Dahil ba sa kiss?" sabay na sabi ng dalawa. Hay! Hindi naman ako makakapag deny sa mga ito eh.

"Sa totoo lang oo,ewan,nung maglapat yung labi namin parang nakaramdam ako ng kasiguraduhan na dapat akin lang si Baikku" pagsasabi ko ng totoo, eh anong magagawa ko? Halik lang pala magtatanggal ng kahibangan ko.

"Im not expecting this, mas maaga ka palang magigising kesa sa inaasahan" sabi ni Myk kaya nilingon ko sya.

"What do you mean?" tanong ko saka tumayo at tinungo ang ref,kumuha ng tubig at uminom,bigla ako nauhaw eh.

"Akala ko kasi,pag niligawan mo si Cherry dun mo na marerealize ang mga bagay bagay" pag amin ni Myk. Wow! Plinano nya to? Pangahan ko kaya ang gunggong na to?

"Ano plano mo? Mukhang nahuhulog na loob ni Baikku kay Rye,at yung Rye na yon napaka consistent manligaw" sabi ni Prime. Well,that,aminado ako,medyo nakaka kaba,baka nga kay Rye sya mapunta.

"You need help?" dagdag ni Prime.

"Pano? Eh wala nga ako makitang nililigawan mo? Marunong ka ba?" pang iinis ko dito at mukhang tumalab naman dahil agad namula ang gago,pinagtawanan pa ni Myk.

"Hindi ka nakakasiguro Keiji,may nagugustuhan na ako pero hindi pa panahon mangligaw,hindi porket hindi mo ako nakikitang walang nililigawan eh wala na ako alam,at ikaw Myk tatawa tawa ka dyan,isa ka pang tinamaan ng balikong pana ni Kupido eh" sagot ni Prime na ikinatawa namin. Astig din tong isang to,may nagugustuhan na pala eh ayaw pang kumilos.

"O sige,kung tutulungan nyo ako,siguraduhin nyong ayos yan dahil kung hindi,ako na lang talaga kikilos mag isa,at aaminin ko kinakabahan ako,bago kasi sa akin ang ganito,kaya talagang hindi ko pa alam ang gagawin" sabi ko naman saka nahiga sa sofa,yung dalawa nasa magkabilaang couch kasi.

"Then,magtanong ka sa expert,kina Tito Gelo at Tito Argel mo" sabi ni Prime.

"Tama! Mas alam nila kung ano ang dapat gawin diba?" segunda ni Myk.

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil dun at nginitian ang dalawa.

"Oo nga no? Pero pano? Nakakahiya?!" sabi ko pa.

"Its not our problem" ani Prime.

Kung magtatanong ako sa mga tito ko,alam na agad nila ang dahilan syempre. Bakit kasi sa bakla pa ako na inlove? Kailangan ko talaga makausap ang mga tito ko.

- HAHAHA! Votes and comments kung nagustuhan! :3 wag na mahiya ahaha xD

PIC NI KEBIN -->

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon