After the storm! Graduation day!

4.1K 103 5
                                    

Yukito's Point of view

Hinaplos haplos ko ang malamig na lapida sa harapan ko,hanggang ngayon mabigat parin sa pakiramdam na ang lahat ay humantong sa pagkawala ng mga buhay. But its God's will and there's nothing we can do about it.

Isang buwan na din ang nakakalipas mula ng mangyari ang insedenteng iyon na tumatak sa puso at isipan ko,isang madilim na parte ng aking buhay,pero ang sabi nina Papa kailangan ko ng ibaon yon sa limot para tuluyan na akong makapag move on.

"Yuki,anak,baka mahuli tayo sa Graduation nyo" sabi ng boses sa aking likuran,nilingon ko,si Papa Yuweh at naka akbay sa kaniya si Papa Argel.

"Papa.." tumayo na ako at nagpaalam sa taong nakahimlay sa ilalim ng lupang aking tinatapakan. Hinarap ko na sina Papa at binigyan sila ng ngiti.

"Everything will be alright son" ani Papa Argel at pinat ang balikat ko,tinungo na namin ang kotse,sumakay at umalis sa lugar na iyon.

"Ang bilis ng panahon,tingnan mo at gagraduate na ang Yuki natin" masayang sabi ni Papa Yuweh na naka upo sa passenger's seat.

"We're so proud of you anak,anong plano mo sa college?" ani Papa Argel na tiningnan ako sa pamamagitan ng rearview mirror.

"Uhm,sa ngayon wala pa po ako maisip pa, pero once na makaisip na ako,malalaman nyo agad" nakangiti kong sabi.

Haaay. Akalain mo iyon? Gagraduate na ako ng high school? Syempre pati ang tropa,at masaya ako na nagawa naming matapos ang high school sa dami ng problema at pagsubok na dumating sa amin.

Ilang saglit pa nakarating na kami sa St.Adams, nagkalat na sa tapat ng Gymnasium ang mga ka batch ko,mga naka toga na din sila at halata sa mga mukha nila ang excitement sa pag graduate.

"Papa Yuweh,Papa Argel dun na po ako, at dun na kayo sa pwesto ng mga parents" paalam ko sa kanila,they just nod and hug me at tinungo na nila ang kumpol ng mga magulang sa kabilang side.

"Yuki!!!" napalingon ako sa sumigaw. Si Heaven pala,nagtatakbo palapit sa akin,napangiti ako.

"Makasigaw ka naman! Nasan ang tropa?" naka ngiti kong sabi ng makalapit siya.

"Excited lang hehe! OMG congrats sa atin!" aniya sabay yakap then kumalas din "tara,dun tayo sa tropa" at hinila na ako nito,walang mga pinagbago mga to,ang hilig pa din nila manghila.

"Hey guys! Advance congratulations sa atin" bati ko sa tropa ng makalapit kami.

"At sayo din" nakangising sagot ni Arjie.

"Dito ka nga" ani Prime kay Heaven at tumabi nga ito sa kanya,nginitian ko lang.

"Sina Omi at Nanami?" tanong ni Baikku,nandito din sya,sana kasama namin syang gagraduate kung hindi sya nagpunta dati sa Japan.

"Nasa bahay,tumutulong sa pag aasikaso para sa triple graduation party namin nina Meychi at Keiji,actually sa bahay nina lolo gaganapin" sagot ko naman at nilibot ang tingin sa paligid.

"Yun ang gusto ni Lolo at Lola,ang dami nga invited,huwag kayo mawawala ah?" pag segunda ni Keiji sa sinabi ko at inakbayan si Baikku.

"Ah! Kaloka talaga mga Fuentebella,anyway bakit medyo nahuli ka ata?" ani Belle habang naka akbay din sa kanya si Ice,bagay din talaga ang dalawang to,akala talaga namin si Arjie makakatuluyan ni Ice haha!

"Dumaan pa ako sa sementeryo,alam nyo naman" sagot ko at natahimik sila.

"Dadaan din ako mamaya dun,kahit papano naman naging kaibigan ko sya" sabi ni Fuu,ngiti lang ang ginawa ko,tama sya naging kaibigan naman din kasi nya yon.

"Ahm guys,pipila na ako sa section ko,magsisimula na ata tayo mag martsa" pagsingit ni Khaayl,kinonggrats namin sya at nagpaalam na. "Hatid ko lang" ani Reuben.

"Haha! Ihahatid pa talaga? Imba din tong si Reuben eh" buska ni Kebin.

"Huwag ka nga pakialamero? Ganyan ka din naman!" bara dito ni Myk na ikinatawa namin.

Nagpaalam na si Baikku na sasamahan na nya ang mga parents namin nina Keiji, pumila na din kami ng maayos, hindi pa din ako mapalagay.

Dapat maka abot sya! Sayang ang binigay na chance ng school kung hindi sya makaka graduate.

"Relax lang pinsan" ani Keiji na nasa harapan ko,nagsimula ng umusad ang pila,papasok sa gymnasium ng may marinig akong boses. Boses na kilalang kilala ko.

"Excuse me classmates,pasingitin nyo ako" anito kaya nilingon namin ni Keiji.

Bumilis ang tibok ng puso ko,pakiwari ko naglulundag pa nga ang puso ko sa tuwa. It was him,he made it!

Nagulat pa ako ng kalabitin ako ni Keiji,natigil ang pila dahil sa pagtigg,l ko. Humarap na ako sa gym at naglakad,napangiti ako, nakarating sya,mamaya ko na lang sya kakausapin,marami pa namang oras.

"Ano ba yan Touya?! Sumunod ka nga sa patakaran!" dinig kong reklamo ng mga nasa likod ko. Lalo lumawak ang pagkaka ngiti ko.

Akala ko nga mawawala na sya sa akin,sa amin, nataranta talaga ako ng magpasukan noon sa ICU ang doctor at nurse,iyak na ako ng iyak nun pero pinapakalma ako ni Tito Kenshi kahit na alam kong doble ang sakit na nararamdaman nya kesa sa akin.

Ng lumabas sa ICU ang doctor ay nakangiti ito na pinagtaka namin ni Tito Kenshi,tanda ko pa ang sinabi ng doctor.

"It was indeed a miracle Mister Kinomoto, naging irregular ang heartbeat ng anak nyo,he almost died a minute pero biglang bumalik ang pulso nya at nagdilat ng mga mata,he survived,pwede nyo na syang makita mamaya pag nailipat na sya sa private room"

That very moment lalo ako naiyak sa tuwa. Nakaligtas si Touya! Buhay sya! Nalabanan nya ang kamatayan! Niyakap ako nun ni Tito Kenshi,ramdam ko din ang ibayong kasiyahan nya.

"Pasensya na mga tol,may gusto lang akong makausap at mayakap" dinig kong sagot nya,nakaramdam ako ng kilig at mumunting kiliti sa katawan.

Sa isang iglap may yumakap sa akin mula sa likuran ko,napasinghap at napapikit ako,ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa yakap nya,mainit,puno ng pananabik.

"Namiss kita Yuki,kaya kahit may jetlag kami ni Papa humabol ako,para makita at makasama ka sa mahalagang araw na ito" bulong nya sa tenga ko,humarap ako sa kanya,mabuti na lamang at nandito na kami sa loob,nagsi upuan na din ang mga ka batch at kaklase namin.

"Akala ko hindi ka makakarating at nawili ka na sa japan" sabi ko,pinigilan ko ang sarili kong maiyak sa saya,ilang linggo ko ding tiniis na wala sya sa tabi ko,pumunta kasi sila sa Japan para dalawin ang mga kamag anak nila doon.

"Pwede ba naman iyon? Eh nandito ang buhay ko,nandito ka,kaya dapat nandito din ako" naka ngiti nyang sabi at niyakap ulit ako at ginawaran ng mabilisang halik sa labi. Saglit lang iyon pero damang dama ko ang nag uumapaw nyang pagmamahal.

"Ahem" napalingon kami,at ganun na lang ang hiya namin ng makita sa harap namin ang naka ngiting si Maam Sanchez.

"You can do that after graduation" anito na nakangisi. Wala kaming nagawa ni Touya kundi ang puntahan na ang pwesto ng section namin at umupo habang nagsisimula na ang graduation ceremony.

- 2days ako hindi nakapag update,nawili ako sa pagbabasa eh, uhm pasensya na po kung maikli,bawi na lang sa mga nalalabing chapters! Haha! :D

Votes and Comments kung nagustuhan ^^,

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now