Gun Shot!

4.1K 121 7
                                    

Yukito's point of view

"Kanina ka pa space-out Yuki-chan" pagpuna sa akin ni Fuu,nandito na kami sa venue ng Regional Archery Competition,hanggang bukas kami dito,sumama nga sina Omi at Nanami pero sa hotel sila,para daw magawa nila ang duty nila na bantayan ako.

"May malalim lang akong iniisip Fuu" sagot ko.

"Tungkol ba kay Touya at Heiress? I think you shouldn't think about that,baka yan pa maging dahilan at mawala ka sa focus,ayaw mo naman sigurong matalo diba?" aniya,napabuntong hininga ako,tama sya.

"Yeah,youre right!" pag sang ayon ko na lang.

"Oh,mukhang nasa labas na sina Omi at Nanami,sumabay na tayo sa kanila maglunch" aniya pa.

Sino nga ba naman ako para ma react diba? Kaibigan lang ako ni Touya,hindi ko lang talaga kasi maiwasang mainis na magkakilala na pala sila ni Heiress at nanliligaw sya,pakiramdam ko nagsinungaling sya sa akin. Pakiramdam ko syempre napakalaking kasalanan na para sa mag bestfriend ang maglihim. Pero ano nga ba magagawa ko?

Ng makalabas kami sa venue nandun nga sina Omi at Nanami na masayang nag uusap. Lumapit kami at agad silang nag bow sa akin.

"Mosh Moshi Konnichiwa Young Master Yukito-sama" sabay nilang sabi. Agad ko silang pinaayos,nakakahiya baka kung ano isipin ng mga tao.

"So Kawaii!" ani Fuu.

"Young Master may malapit na restaurant dito at mukhang masarap ang mga pagkain" ani Omi saka ngumiti.

"talaga? Saan? Gutom na gutom na ako eh" masaya kong sabi at hinimas ko pa ang tyan ko.

"hihi! There young master!" turo ni Nanami sa di kalayuan "Lets go!^o^"

Saglit lang namin iyong nilakad,at ng makapasok kami agad na kaming humanap ng pwesto.

Pagtingin ko sa Menu may mga japanese cuisines din,bigla ko tuloy namiss at naalala si Touya,sa bahay nila,ang pagkain ko dun,pag tulog.

"What's your order sir?" ani ng waiter kaya napabalik ako sa realidad. Tapos na palang um-order mga kasama ko ako na lang hindi kaya sinabi ko na ang order ko.

Ilang saglit pa,masaya na kaming kumakain. Palabiro kasi si Omi at Nanami. Ng matapos na kami kumain ay magbabayad na sana ako ng unahan ako ni Omi.

"You dont have young master,binigyan kami ni Grand master ng pera para pang gastos sa mga nakain o nabili mo na kasama mo kami" sabi pa nito. Ngumiti na lang ako at hindi kumibo.

Hinatid na namin sa hotel sina Omi at Nanami,samantalang bumalik kami sa venue. Ang hirap iexplain ang tawag dito,basta para din syang school, kaso may mga kwarto na para talaga siguro sa mga guest.

Ang totoo nyan hindi lang Archery competition meron ngayon,may lawn tennis din,tas bukas naman yung Quiz bee at writing competition. Sa isang silid tatlo kaming puro lalaki. Naupo lang ako sa higaan at nag muni muni.

Ano na kayang ginagawa ni Touya? Bakit parang hindi sya naka alala man lang tumawag? Magkasama ba sila ni Heiress ngayon?

Nakaramdam ako ng munting kirot sa dibdib,aminin ko man o hindi,ito na ata ang tinatawag nilang selos.

Dumating ang oras ng archery competition. Nag hahanda na kami ni Fuu, at nakita ko din sa audience sina Omi at Nanami.

"Hmm.. That's strange" pagkausap ni Fuu sa sarili na ipinagtaka ko kaya tinanong ko kung bakit. "Para kasing nakita ko sa audience si Heiress pero bigla din nawala" sagot nya.

"Ikaw talaga,nag iiba na paningin mo,gusto mo palit tayo ng salamin?" biro ko sa kanya at inayos ko ang eyeglasses ko

Nagsimula na ang competition,nauna si Fuu at ang kalaban nya,tulad ng dati,napaka expert lang ni Fuu,mula sa paglagay ng pana hanggang paghila ng pisi at pagtira dito. Palakpakan ang mga tao. Ng makalapit sya ay nag apir pa kami.

Ako na ang susunod,hindi ko alam pero biglang lumakas kabog ng dibdib ko,para akong kinabahan,kung para saan,yon ang hindi ko alam.

Pumwesto na ako,tulad sa round nina Fuu kailangan lang naman puntiryahin ang gitna ng bilog na board. Kumuha na ako ng palaso,inilagay sa pana at pisi,hinila na ito,at sa pagpito ng game host ay pinakawalan ko ito kasabay din ng narinig kong limang putok ng baril na magkakasunod ngunit may agwat,napatingin ako sa paligid nagkakagulo na ang tao para akong nabingi,and before I knew it nakayakap na sa akin sina Omi at Nanami,si Fuu naman nakadapa sa di kalayuan may dugo sa balikat.

Nakaramdam ako ng takot at kaba sa nakita ko.

"Si Fuu! Omi! Nanami bitawan nyo ako! May tama si Fuu!!" sigaw ko sa kanila, bumitiw sila sa pagkakayakap sa akin.

"Pero young master may tama ka din!" giit ni Nanami. At dun ko lang napansin ang tagiliran at dibdib kanang dibdib ko na may dugo,tiningnan ko si Omi na naglakad ng paika ika papunta kay Fuu,sa hita ang tama nya at si Nanami nama'y tama din sa balikat..

Bakit hindi ko namalayan at naramdaman? Right there,kinapos na ako ng hininga at nagdilim na ang paningin ko,ang huli kong natandaan ay binanggit ko si Fuu.

- musta? Pasensya na,nagka Writer's block eh :/

Vote and Comment po kung nagustuhan :)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Kde žijí příběhy. Začni objevovat