A day to remember!

4.7K 118 5
                                    

Touya's Point of view

"Public display of affection ang pwedeng ipatong na parusa sa inyo ni Mr.Chancellor at ng mga teachers kung hindi pa kayo maghihiwalay sa yakapan" nadinig naming sabi ni Prime kaya naghiwalay kami ni Yukito sa pagyakap,ang saya ko at kita ko sa mga mata nya na masaya din sya,nagpalakpakan pa mga kaklase namin bigla tuloy kaming nahiya.

"Oh,now kailangan ko ng tanggapin ang lahat,kaya naman pala hindi tumatalab ang powers ko kay Touya eh lalaki din ang gusto,oh well,okay lang sa akin dahil kay Yuki ka napunta,magmahalan kayo ah?" ani Heiress ng makalapit,nakangiti sya,para akong nakahinga ng maluwag. Yumakap sya sa akin at bumulong "alagaan mo si Yuki,siguraduhin mong lagi mo syang kasama,ingat kayo" aniya at kumalas tapos si Yuki naman ang niyakap nya at umalis na sya.

Napaisip tuloy ako sa sinabi nya,syempre,yun talaga ang gagawin ko diba? Ako pa!

Muli kong hinarap si Yukito at tinitigan ang maamo nyang mukha,para syang anghel. "Does this mean na ganun din ang nararamdaman mo sa akin?" tanong ko.

"Ano sa tingin mo? Ba! Tagal ko din nagtiis no?" nakangiti nyang sagot,sa tuwa ay niyakap ko ulit sya.

"Sa tambayan nyo na ituloy yan,may susunod pang klase oh?" puna ni Heaven sa amin.

"Sungit! Inggit ka lang eh!" tukso dito ni Yukito.

"Tse! Tandaan nyo! Sa Valentines day mati-taken na ako!" sabi nito na ikinatawa ng tropa pati ng mga kaklase namin,tiningnan ko si Prime,ang lapad ng ngiti,mukhang kikilos na si mr.Mysterious ah?

Lahat kaming magkaka-klase ay sabay sabay ng bumalik sa class room namin,kanya kanyang daldalan. Yung iba mga kinikilig parin dahil sa nangyari kanina. I can't blame,maging ako kinikilig pa din haha!

"Tamang tama guys,kumpleto tayo,may gusto din kasi kaming sabihin" ani Ice ng nasa tambayan na kami.

"Dont tell me kayo na ni Arjie?" singit ni Yukito kaya natawa kaming lahat.

"Bakit naman ako nadamay dyan? Huwag ako!" nakangiting sagot ni Arjie.

"No,hindi iyon,kahit gaano ako kamahal ni Arjie ay hindi ko sya papatulan,may iba na akong mahal" ani Ice.

"Wow tol! Nahiya naman ako sayo! Lamang ka lang ng isang wisik ng tubig sakin no!" reklamo ni Arjie kaya nagtawanan kami. Pero ang ipinagtaka namin ay ng kunin nya ang kamay ni Belle at e-intertwine,magkatabi kasi sila.

"Kami na ni Belle,kahapon lang" ani Ice at ngumiti.

Tiningnan namin si Belle,ngumiti at tumango sya bilang pag sang ayon.

"Oh my Gawd! Hindi!! Bakit ganun? Hindi man lang namin namalayan? Hala? Nakakaloka!" agad na reak ni Heaven.

"Kalma teh,diba man hater ka? Huwag kang umarte" buska dito ni Baikku na sinamaan lang ng tingin ni Heaven.

"Busy kasi kayo sa mga love life nyo eh,at hindi din naman kayo nagtatanong" naka ngiting sabi ni Belle.

"Kailangan ko na ba talaga makiuso?" sabi pa ni Heaven na naka pout. Ang gandang babae pero mukhang timang haha!

"Hindi ka nag iisa,single si Fuu,single ako,single ka at single si Prime,kaya huwag mong solohin" ani Arjie.

"I agree" pag sang ayon ni Fuu,bigla naman nalipat ang tingin ni Heaven kina Reuben at Khaayl.

"Kayo? Dont tell me na mag on na din kayo?" tanong ni Heaven.

"Hindi pa" nagulat na sagot ni Khaayl,isa sa mga bading na biniyayaan ng magandang mukha.

"We're exclusively dating" nakangiti namang sagot ni Reuben.

"Oh my gee!! He's dating a beki?!" sabi naman ni Heaven at talagang tumawa na kami,nagkatinginan kami ni Yukito,inakbayan ko sya,gusto ko yung ganito,magkadikit kami at nadadama ko ang init ng katawan nya.

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon