What da Pak??!

4.4K 126 16
                                    

Dedic ang chapter na to kay OWWSIC :3 natutuwa ako sa kanya kaya nifollow ko sya,napaka optimistic, I like his "Usapang Lalaki" and Im planning to read his works once Im done with my ongoing stories,you should read his works too,I know its worth reading :) @owwsic sana maging close tayo haha! God bless ^^,

Touya's Point of view

Kinabukasan nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Yuki at sa tropa na invited ako sa party ng Mom ni Heiress,kaya sa buong klase hindi ako mapalagay,hindi din kasi ako sanay maglihim,maliban na lang syempre sa damdamin ko para kay Yuki.

After ng recess ay ipina excuse na si Fuu at Yuki ng Sports President Club para daw sa last training nila dahil bukas na yung regional archery competition kaya nawalan na din ako ng pagkakataon para makausap si Yuki.

"Oh bakit parang hindi ka mapakali?" puna sa akin ni Myk habang hinihintay namin yung susunod naming teacher.

"Wala naman,may iniisip lang ako" simple kong sagot sa kanya.

"Si Heiress o si Yukito?" ani Ice kaya tiningnan ko sya. "nabanggit kasi ni Prime kanina na ayaw ka tigilan daw nung Heiress" dugtong nya.

"Ewan ko ba,inimbitahan pa nga ako,may party daw sa bahay nila mamaya" wala sa sariling sagot ko.

"Pupunta ka?" halos sabay na tanong ni Belle at Heaven,tumango ako bilang sagot.

"Ingat tol,baka bigla ka mapikot,iba talaga pag may gustong makuha" ani Reuben.

"I agree" - Arjie.

"Boss yun ata yung nakita natin dati na kausap ni Touya malapit sa parking diba?" singit naman ni Kebin kaya sa kanila ako napatingin.Nandun sila nung time na yon? Bakit hindi ko napansin.

"Huwag ka naman ganyan makatingin,hindi naman namin sinasadyang makinig" naka ngising sabi ni Kebin "diba boss?" at tumango naman si Myk.

"Mga luko-luko talaga kayo!" naka ngiti ko na lang na sabi,kahit kailan talaga ang mga ito,puro kalokohan.

"Mukhang wala ng dadating na Teacher,puntahan na lang natin sina Fuu at Yuki sa field,gusto ko mapanood mamana yung dalawang yon" pag singit ni Keiji at tumayo na bitbit ang bag nya.

"Napaka tamad mo!" puna ni Prime dito pero tumayo na din "tara na guys! Para kahit sa practice maipakita natin ang suporta natin" dagdag pa ni Prime, napailing at napangiti na lang ako then lumabas na kami ng classroom.

Malapit na kami sa pinagpapraktisan nina Fuu at Yuki ng mapansin kong may kausap ang dalawa. Si Heiress! At mukhang nagtatawanan pa!

"O,mukhang kaibigan na ni Fuu at Yukito si Heiress ah" puna ni Prime.

"Yan si Heiress?!" halos lahat ata sila ay yun ang sinabi.

"Bakit parang ngayon ko lang sya nakita?" ani Heaven na mukhang sinusuri si Heiress habang palapit kami.

"She's a college student,3rd year I guess" si Prime na ang sumagot,samantalang ako napapaisip. Sinabi ni Prime na iwasan kong makita ni Heiress na magkasama kami ni Yuki,eh bakit nakikipag kaibigan sya kay Yuki.

"Anong buo nyang pangalan at pangalan ng magulang nya?" out of the blue ay tanong ni Keiji.

"Heiress Tuazon,yung Mom nya hindi ko alam ang pangalan,wala na syang tatay" sagot ko.

"Tuazon...Hmmn parang familiar" ani Keiji na ipinagtaka namin pero nagkibit balikat na lang ako.

Ng makalapit kami ay ang lapad ng ngiti ni Heiress. That's weird.

"Hi guys!" bati samin ni Fuu at Yuki. Gumanti kami ng bati.

"Nga pala guys,this is Heiress Tuazon,bagong kaibigan namin ni Yuki, Heiress they are our friends, Prime,Arjie,Reuben,Ice,Belle,Heaven,Keiji,Myk,Kebin and Touya" magiliw na pagpapakilala ni Fuu.

"Oh I know Touya,sinong hindi makakakilala sa kanya dito sa campus? Kahit kaming mga college eh crush sya,and uhm actually he's courting me,pupunta nga sya sa bahay mamaya,my Mom invited her sa party" nakangiting sabi ni Heiress. Ang tropa lahat ay binigyan ako ng nagtatanong na tingin, si Yuki naman ay tinitigan ako.

At ako? Hindi ako nakapag salita. Nagulat ako! San galing yung mga sinasabi nya.

"W-wait,Heiress ano--"

"Is that it? Well that's good to know" pagputol ni Yuki sa sasabihin ko,siniko ako ni Prime at binigyan ako ni Keiji ng nakamamatay na tingin.

"Fuu-chan,tara na! May practice pa,excuse us guys" ani Yuki,tumayo at hinila palayo si Fuu,gusto ko syang habulin pero anong sasabihin ko?

Tiningnan ko si Heiress,just in time nag ring ang phone nya at bigla syang nagpaalam at umalis na.

"What was that?!" biglang react ni Heaven.

"I told you Touya" ani Prime at umakbay.

"Kakasabi ko lang ng pikot,nagkatotoo na?" - Arjie.

"Kaya huwag ka na magbibigay ng ganung salita next time" - Ice.

"Pano nangyari yon? Gosh! Another problem na naman!" - Belle.

"Tutuloy ka pa rin sa party?" tanong ni Keiji habang nagtetext.

"Oo,kailangan kong ipaintindi kay Heiress ang mga pinag gagawa nyang mali" seryoso kong sagot. Ramdam ko na nagalit sa akin si Yuki at hindi ko iyon kakayanin.

"Need help? Gaya ng dati?" alok ni Myk.

"Hindi na muna guys,problema ko ito kaya ako ang aayos,pag hindi ko kinaya asahan nyo ang paghingi ko ng tulong"

Saktong 7pm may bumusina na sa labas ng bahay,yon na sigurado ang sinasabi ni Heiress na sundo.

"Pa! Sakura aalis na ako!" sigaw ko habang pababa ng hagdanan.

"Si Yukito ba kasama mo?" tanong ni Papa,iling lang sagot ko at lumabas na, paglabas ko sa gate namin ay magarang kotse agad ang bumungad sa akin,bumukas ang pinto sa backseat at nagulat akong si Heiress ang nandun.

"Sakay na! My Mom is very eager to meet you" nakangiti nyang sabi. Sumakay na lang ako ng walang imik.

Nakarating kami sa bahay nila na tahimik lang ako,madami ngang bisita,mga mayayaman,inilingkis nya ang kanang kamay nya sa braso ko,ayaw ko naman bastusin sya kaya pinabayaan ko lang.

Kung kani-kanino nya ako pinakilala,hanggang pumasok kami sa loob ng bahay at lumapit sa isang babae na may edad na,mukhang mataray pero kita pa din ang kagandahan,ito na siguro ang Mom nya.

"Hi there Mom!" at nagbeso ito sa ina. "Sya yung sinasabi ko sayo,Mom I want you to meet Touya Kinomoto, Touya,meet my beautiful Mom, Hera Tuazon"

- Waaahhh! Ang init dito sa nilipatan namin,para akong nasa pugon! >_

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें