The Break Up! Injuring the Pain!

5K 129 12
                                    

Kebin's Point of view

Shit! Shit! Shit! Nakita kami ni Myk! Tangna!

Agad akong umalis sa pagkakapatong kay Mimi at kinuha ang short at damit.

"Oopps! San ka pupunta? Dont tell me susundan mo yung pamintang yon? Hindi pa tayo tapos! Baka nakakalimutan mong hawak kita sa leeg Kebin" pagpigil sa akin ni Mimi. Napabuntong hininga ako at frustrated na napasabunot sa sarili matapos ako makapag bihis.

"Tigilan na natin to Mimi! Hindi na to tama! Utang na loob,pabayaan mo na kami ni Myk! Ayoko nito! Baka mabuntis pa kita!" gigil kong sabi habang nagbibihis sya.

"Exactly! Thats my point,gusto kong mabuntis mo ako,ganun kita kamahal,I told you,babalikan kita at ito na nakabalik na ako,at hindi ako papayag na mapunta ka sa iba" matapang nyang sagot sa akin.

"What? Wala akong balak Mimi! Youre crazy! High school pa lang ako utang na loob! At hindi kita mahal!"

"At sinong mahal mo? Yung lalaking yon? Its not a problem,gagawa ako ng paraan para mahalin mo,at alam mong kaya ko sirain ang buhay nyo dahil sa hawak kong alas Kebin,hindi ako papayag na gawin ka nyang bakla gaya nya!"

sa narinig ko ay umapaw na ang galit ko.

"Umalis ka na Mimi bago pa magdilim ang paningin ko at makalimutan kong babae ka,huwag na huwag mong iniinsulto si Myk!" sabi ko at matalas ko syang tiningnan.

"Yan ba talaga gusto mo? Pwede kitang pagbigyan,but be ready sa magiging kapalit ng pag balewala mo sa pagmamahal ko,tandaan mo hawak ko ang alas" huling salita ni Mimi at lumabas na.

Napaupo ako sa kama at muling napasabunot sa buhok ko. Shit! Pano na yan ngayon? Panigurado masisira si Myk! Ugh!

Napaisip ako, kaya ko naman siguro magsakripisyo diba? Dibale ng masaktan si Myk sa gagawin ko basta huwag lang syang mapahiya at mapahamak!

Tang ina naman talaga! Kailangan ko pa din magpaliwanag sa kanya,sana pakinggan nya ako.

"Bakit hindi nyo sya pinigilang umakyat?" sita ko sa mga pinsan ko.

"Kuya gusto ko syang pigilan,kaso itong si Chichi eh!" sagot ni Gero.

"Bakit ako? Malay ko ba" depensa ni Nichie.

"Ako pina akyat ko sya, at saka bakit ganyan ka mag react? May relasyon kayo ni Myk diba?" biglang singit ni kuya Zander sa usapan,hindi ako nakakibo at nakapag salita.

"Silence means Yes,ayusin mo yang gulo mo Kebin bago pa yan makarating kina Papa at tito Khyron" sabi ni kuya Zander ng hindi ako maka imik.

"Pupuntahan ko lang si Myk" bagkus ay sagot ko at lumabas na ng bahay.

Nasa labas na ako ng subdivision ng may tumawag sa akin.

"Kebin!" paglingon ko si Reuben kasama yung magandang bakla na si Khaayl ng section A.

"Oh bakit tol? May pupuntahan pa akong importante eh" sabi ko ng makalapit sila.

"Si Myk ba pupuntahan mo? Sabay na tayo,taga dun din si Khaayl eh at hahatid ko sya"

Napa oo na lang ako. Nang nasa jeep na kami,hindi ko maiwasang mapatingin sa dalawa,parang may kuneksyon sila,nainggit tuloy ako bigla.

"Diba kayo nina Arjie at Ice ang magtotropa?" hindi ko mapigilang tanong.

"Oo tol,bakit?" ani Reuben na sinagot ko lang ng "wala lang"

Ng makarating kami sa lugar nina Myk ay nagpaalam na ako sa dalawa,mabilis kong tinungo ang bahay ni Myk,pagdating dun ay agad akong kumatok sa gate.

"Ay ikaw pala kuya Kebin!" sabi ni Maki na nagbukas ng gate.

"Kamusta Maki? Nandyan ba kuya Myk mo?"

"Ayos lang po! Opo nasa kwarto nya,tara po" bibong sagot at paanyaya nito. Pumasok na kami sa loob,nasa sala ang mga magulang nila.

"Mama! Papa nandito si kuya Kebin!" sigaw ni Maki kaya lumingon ang mga ito sa akin.

"Magandang hapon po Tito at Tita" bati ko sa mga ito.

"Ikaw pala Kebin" ani Tita.

"Si Myk ba? Nasa kwarto nya nagkulong" sabi naman ni Tito. Shit! Talagang galit sya sa akin! Panigurado masasapak ako nun.

"Ganun po ba? Sige po,puntahan ko lang,salamat po"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng nasa tapat na ako ng kwarto ni Myk. Parang pinagpapawisan na ako ng malamig,pero hindi! Kailangan ko makapag paliwanag sa kanya.

Pinihit ko ang doorknob,hindi naka lock kaya pumasok na ako. Kita kong nakadapa si Myk sa kama nya at nakasubsob ang mukha sa unan.

Lumapit ako at umupo sa kama,hindi sya kumilos pero alam kong gising sya dahil sa pag galaw ng balikat nya,umiiyak sya.

Parang dinudurog ang puso ko,masakit palang makita na nasasaktan ang pinakamamahal mo.

"Myk,gusto kong humingi ng tawad mo at magpaliwanag na din" sabi ko, at humarap sya sa akin ng basang basa ang mukha ng luha,hindi ko kinaya kaya niyakap ko sya.

"Patawarin mo ako Boss,wala akong magawa,hawak ako ni Mimi sa leeg,kapahamakan mo ang kapalit pag hiniwalayan ko sya" umiiyak ko ding sabi,ngayon lang ako umiyak ng ganito.

Kumalas sya sa yakap at tinulak ako.

"Kaya ba paulit ulit mong ginagawa? Kaya paulit ulit mo akong sinasaktan? Huwag ka ng magpaliwanag,naiintindihan kita,lalaki ka at babae pa din ang hanap mo,tanggap ko na yon,pero sana naman sinabihan mo ako ng maayos" at humagulhol sya,piniga ang puso ko dahil dun.

"Hindi ganon yon Boss,alam mong mahal na mahal kita,patawarin mo ako kung nasaktan kita,patawad wala ako magawa" sagot ko,pinabayaan ko lang din tumulo ang mga luha ko.

"May magagawa ka pero hindi mo ginawa! Pinili mong masaktan ako!" halos bulyaw na nyang sabi.

"Oo meron akong magagawa,yun ay ang iwasang mapahamak at mapahiya ka,kaya kahit alam kong masasaktan ka ay mas pinili kong iwasan ang kahihiyan mo" nakatungo kong sabi,hindi ko na alam ang gagawin ko,ang hirap pala ng ganito.

Nagulat na lang ako ng bigla nya akong sinuntok,bumagsak ako sa lapag.

"Tarantado ka! Napaka duwag mo!" galit nyang sabi. "Ayoko na!" dagdag nya.

Hindi ako tumayo,nalasahan ko pa ang dugo ko sa pumutok kong labi.

"Patawarin mo ako Boss,pero walang ibang paraan kundi tapusin na natin ito"

"Tang ina ka! Bakit ka ganyan? Lalaban pa ako pero sumusuko ka na? Siguro nga tama na to,ayoko na,ayoko ng magpakatanga" humahagulhol nyang sabi. Tumayo na ako,nilapitan sya at niyakap.

"Patawarin mo ako kung humantong tayo sa ganito,masakit na masakit din ito para sa akin,sana balang araw maintindihan mo ito,ginagawa ko ito para sayo,at tandaan mo,mahal na mahal kita Boss" halos hindi na ako makapag salita ng maayos. Sobrang sakit talaga,ganito pala yon.

Hinalikan ko sya sa noo at lumabas na ako ng kwarto nya at direderetso sa labas,buti hindi ako napansin nina Tita.

Paglabas ko ng bahay ay agad kong tinawagan si Mimi.

"Gagawin ko na ang gusto mo,huwag mo lang gawin ang binabalak mo" sabi ko ng sagutin nya.

"Well,thats a good news!" malanding sabi nito.

Ng makauwi ako ay dumiretso ako sa kwarto ko,dun ko nilabas lahat ng kinikimkim kong sakit,ang sakit ng pagkawala sa akin ni Myk.

- Musta? 3rd Update for today, dont forget to Vote and Comment :3

HELLO ANGELPAIN :)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon