Graduation Party! Surprise gift!

4.6K 116 6
                                    

Yukito's Point of view

Masayang masaya ako,at kaming lahat na graduate na kami ng high school,papasok na kami sa panibagong buhay as college,si Prime ang batch Valedictorian namin,bumuhos ang luha ng lahat sa speech ni Prime,lahat kami nakarelate,lalo na ang buong section at tropa namin,madami syang sinabi na nakaka inspired.

Nakakalungkot nga lang na maghihiwa hiwalay na kami ng landas pagkatapos nito,pero diba kung talagang magkaibigan kayo,kahit magkalayo kayo,gagawa at gagawa kayo ng paraan para magkita.

Ngayon nandito na kami kina Lolo,mamaya pa dadating ang mga kaklase namin ni Keiji at ang tropa,unahin muna nila yung mga celebration nila sa kanya kanyang bahay kasama ang kanilang mga pamilya.

Pero si Touya,Tito Kenshi at Sakura ay nandito na. Si Tito Kenshi kausap nina Papa at ng mga tito ko pati nina Lolo at Lola,si Sakura kasama nina Kino at Kaira,tuwang tuwa ang mga pinsan ko kay Sakura.

Si Baikku,Keiji,ako at Touya nandito pa kami sa may terrace at tamang kwentuhan lang,ang pinsan namin ni Keiji na si Meychi busy sa mga tropa nya.

"Hindi pa din ako makapaniwala! Graduate na tayo! Astig!" ani Keiji na ubod lapad ng ngiti habang naka akbay kay Baikku.

"Uhm! Kayo lang! Hindi ako kasama" ani Baikku at hinablot buhok ni Keiji na ikinatawa namin ni Touya.

"Oo nga pala mhine,atleast naka pasa ka dun sa test,at sa iisang university tayo okay?" ani Keiji at inayos ang buhok sabay halik sa pisngi ni Baikku,nagblush naman ito.

"Syempre! Wala na akong magagawa dun,ginayuma mo ata si Mama kaya pumayag" pang iinis pa nito. Napapangiti na lang ako sa dalawang to eh.

"Aba syempre! Mas mahal ako ni Mama kesa sayo na anak nya!" buska ni Keiji at muli syang sinabunutan ni Baikku na ikinatawa namin.

"Maiba ako,Yuki at Touya kayo san nyo balak mag college?" ani Baikku at uminum ng juice.

"Sa totoo nyan wala pa akong naiisip eh,tinanong na din ako nina Papa" sagot ko naman at tiningnan si Touya,wala pa din kasi kami napag uusapan since kadarating pa lang nya mula Japan.

"Ako,kung nasan si Yuki dun ako,alam mo yan Keiji" seryosong sagot ni Touya,parang nag init ang mga pisngi ko,alam ko namumula din ako.

"Oo naman,tanda ko pa yung sinabi mo na gusto mong lagi nakikita ang pinsan ko,lalo na nung sinusugod namin kayo sa ospital? Pinaiyak mo ang tropa tol sa sinabi mo" nakangiting sagot ng pinsan ko,napakunot ako ng noo,wala ako alam sa pinag uusapan nila,kaya tiningnan ko si Baikku na nagkibit balikat,tas kay Keiji na naka ngiti,at huli kay Touya.

"B-bakit? Ano ba yon?" taka kong tanong. Wala talaga ako ka ide-ideya,at si Touya naman ang namula na parang nahihiya.

"Well,pinsan nung sinusugod na kayo sa Ospital,sabi ni Pareng Touya ay unahin ka kahit mas malala ang tama nya,sinabi nya din na kung magkakaroon ng kumplikasyon sa katawan o organs mo ay sa kanya kunin" ani Keiji. Natameme ako,para bang nabingi ako. Natouch ako dahil kahit sa gitna ng pag aagaw buhay ay mas iniintindi pa din nya ako,kaya tiningnan ko sya at tinitigan sa mga mata.

"B-bakit?" naluluha ko ng tanong.

Titig na titig din sya sa mga mata ko,maya maya ay hinawakan ng dalawa nyang kamay ang aking mukha at nagsalita.

"Gusto kong mabuhay ka,gusto kong kahit mawala na ako ay nandyan ka at humihinga,gusto kong makita ng mga tao,na ikaw ay buhay,na ikaw ay nabuhay dahil sa pagmamahal ko,at gusto kong malaman ng lahat ng kung mawawala ako ay nandyan ka,living proof ng pagmamahal ko at kung gaano ako ka proud na ikaw ang minahal ko" aniya. Tumigil panandalian ang tibok ng puso ko,at ng bumalik ito ay sobrang lakas ng kabog,parang gustong kumawala sa dibdib ko,wala akong nasabi kundi ang yakapin sya at halikan ng madiin sa labi,pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Touya ang tao sa mundo. Mapusok at punung puno ng pagmamahal ang palitan namin ng halik,nag uumapaw ang pananabik.

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Onde histórias criam vida. Descubra agora