The Other Side: Khaayl and Reuben

4.6K 101 4
                                    

AN- HELLO? Itong side story nina Khaayl at Reuben ay maglalaman lamang ng 10 to 15 chapters,pero I'll try my very best para maging makabuluhan,sana suportahan nyo din ito tulad ng mga nauna :3 thank you po ng marami! =)

-----

Khaayl's point of view

"Kamusta na kayo bakasyon ng apat na yon? Dalawang araw palang silang wala pero nakakamiss na" ani Heaven habang nagmemeryenda kami,nakatambay kami dito sa may garden namin,inimbita ko kasi sila.

"Im sure,enjoy na enjoy mga yon" sagot ng boyfriend nitong si Prime.

"Sumunod nga daw si Fuu para madalaw mga kamag anak nya dun" malungkot na sabi ni Arjie kaya nilingon namin sya.

"Dinediskartihan mo ba si Fuu?" tanong ni Ice dito.

"Malamang" pag sang ayon ng girlfriend nitong si Belle.

Kung titingnan mo halos partner partner na kami dito sa tropa,bago mag graduation ay sinagot ko na si Reuben at pinakilala kina Mama at Papa, sya din pinakilala nya ako sa mga magulang nya. Boto at suportado kami ng both sides kaya naman wala na akong mahihiling pa.

"Ewan ko ba,nung una sabi ko sa sarili ko ayaw ko tumalo ng tropa,pero hindi ako nanalo sa puso ko eh" pag amin ni Arjie.

"Ganyan talaga pag inlove tol,kahit anong pigil mo hindi ka magtatagumpay,tingnan mo nangyari sa tropa,sa amin ni boss" naka ngiting sabi ni Kebin,masasabi kong swerte talaga ako na nasali ako sa tropa nila kahit hindi kn sila kaklase. Ive seen them fall in love,umiyak,mabigo,magdusa,at ngayon nga napagtagumpayan nila ang mga pagsubok. Sana kung dadating ang panahon na susubukin din kaming dalawa ni Reuben ng tadhana eh malampasan din namin tulad nila.

"I agree with boss,kaya pagbalik ni Fuu,just make a move,huwag ka gumaya kay Prime na pinatagal pa at halos mawalan na ng pag asa si Heaven" nakangising pag sang ayon ni Myk kaya lahat kami eh nakangising tiningnan si Prime.

"Excuse me? Im here,kung pag usapan nyo ako parang wala ako dito ah? Atleast worth it naman diba?" nakangiting pag butt in ni Prime,humilig sa balikat nya si Heaven. Ang sweet lang ^_^

"Tama! Ganun nga gagawin ko! Papatulong ako kay Omi kung pano ba ligawan ang mga japanese girl!" masayang sabi ni Arjie na nginitian na lang namin.

"Maiba ako,nasan ang lovidab mong si Reuben?" ani Belle pagkuwan.

"Nasa trabaho pa,part time job,mamayang 7pm pa out nya" nakangiti kong sagot. Isa din yon sa minahal ko kay Reuben,napaka masikap sa buhay,masipag,kaya proud akong sya ang boyfriend ko.

"Wow! Naghahanda na magpamilya ang gago!" buska ni Kebin na tinawanan naming lahat.

"Alam nyo naman yon,kahit may kaya naman sila eh ayaw nyang umaasa sa mga magulang nya" sabi ko pa.

"Sa bagay,napaka sipag nga nun" pag sang ayon ni Prime.

"Khaayl anak,tara na,oras na para mamigay ng mga pagkain" biglang pag butt in ni Mama,natawa na lang ako ng mapanganga ang mga tropang lalaki.

"Sige po Ma" sagot ko at nilingon ulit ang tropa. Naging panata na nina Mama at Papa na mamigay ng bigas at pagkain every weekends sa mga mahihirap naming kapitbahay,mayaman ang pamilyang pinang galingan nina Mama at Papa pero nanatili silang mababa para sa mga tao,kaya gusto sila ng mga tao dito samin,kami nga lang ang malaki ang bahay dito,maging ako naman natutuwang tumulong sa mga kapos naming kapitbahay,ngitian ka lang nila,alam mo ng worth it ang ginawa mo.

"Dito na kayo mag dinner mga ijo at ija,gusto nyo bang tumulong sa pamimigay ng pagkain?" nakangiting sabi ni Mama,parang mga ewan naman ang tropa na tumango.

"Oy Myk,nandito ka pala,pakisabi kina Mama at Papa mo pumunta sila dito bukas,may konting salo-salo at inuman" ani naman ni Papa,yung mga babae naman ang napanganga.

"Sige po tito!" ani Myk.

"Sunod na lang kayo garahe" sabi pa ni Papa at umalis na sila ni Mama.

"Tang ina Khaayl,ang ganda ng Mama mo! Ngayon ko lang napansin ng malapitan" di mapigilang sabi ni Arjie "diba mga tol?" at tumango ang mga lalaki.

"And oh my Gawd! Ang hawt ng Papa mo! Ang gwapo! Ang yummy!" di rin mapigilang sabi ni Heaven kaya natawa ako.

"Lalo na pag ngumiti si Papa" nakangiti kong sabi. "Dati silang mga sikat na Model kasi,kaya hanggang ngayon maalaga sa katawan at kalusugan sina Mama at Papa" proud ko pang dagdag.

"No wonder,naghalo ang gwapo at ganda mo,kumbaga,androgynous pero mas lamang ang ganda" nakangiting sabi ni Belle,pakiramdam ko ay namula ako,hindi talaga ako sanay ng pinupuri.

"Kayo talaga! Tara na! Tumulong na tayo!" nasabi ko na lang at nauna ng tumayo at naglakad papunta sa garahe,sumunod naman sila.

Sana dumating na si Reuben,miss ko na sya eh ehe! =)

- Musta po? Vote and comment kung nagustuhan po :p

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum