Fighting Death!

4.2K 112 13
                                    

OSPITAL ...

Lahat sila ay nasa lobby ng ospital para abangan ang resulta. Kararating lang din ng mag asawang Yuweh at Argel,sinabi ng mga ito na dead on the spot daw si Hera ng mabaril ito ng pulis na kasama nila,mga naka antabay daw,nagwala daw kasi ito at nagsimulang magpaputok ng baril ng makitang kasama ni Argel si Yuweh.

Si Kenshin naman ay nakayakap sa kanya ang umiiyak na bunsong anak na si Sakura. Tulad nina Argel at Yuweh ay nangangamba din sya sa kaligtasan ng anak na si Touya.

"Fuu-chan,ikaw ba ang pumana kay Heiress?" pagkuway tanong ni Nanami,napatingin tuloy sa kanila ang lahat,hindi na kasi nila ito nabigyang pansin kanina sa taranta at kagustuhang mailigtas sina Yukito at Touya.

Nanginginig na napatango si Fuu "I have no choice,kung hindi ko gagawin iyon mamamatay kayo sa nag aapoy na bodega,pero alam nyo namang hindi ko sadya" halos paiyak na sabi ni Fuu,niyakap sya ni Nanami.

"Daijobu Fuu-chan,you didnt kill her,hindi naman nakakamatay ang palaso na yon,ang pumatay kay Heiress ay ang pagsabog ng bomba,thanks for saving our lives,for saving Touya and Yuki-sama" ani Nanami.

"Kaya huwag ka na malungkot,ikaw ang hero" naka ngiting sabi ni Belle at niyakap din si Fuu.

"At yung bomba tanda ko pagkatanggal ko sa katawan ni Touya at Yuki basta ko na lang hinagis sa loob,nawala din kasi sa isip ko" pagsingit ni Myk sa usapan.

"Kawawang mag ina,kailangan pang humantong sa ganito" ani Prime.

May lumapit na duktor at lahat sila ay napatingin dito,kinakabahan sa maaaring sabihin nito.

"Sino ang mga magulang ng dalawang pasyente?"

"K-kami po!"

"Ligtas na si Yukito Fuentebella,hindi naman malalim ang pagbaon ng dalawang bala sa upper right chest nya at sa balikat,natanggal na din namin ito at pwede na syang mailipat sa private room, But Im also sad to say na 50/50 ang chances ni Touya Kinomoto,sya ang sumalo sa apat na bala,maraming dugo ang nawala sa kanya,at may mga organs syang tinamaan ng bala" anito na talagang ikinagimbal nila.

"Magdo-donate po ako ng dugo sa anak ko doc" ani Kenshi.

"Sure thing, o-obserbahan pa namin sya within 24 hours at kailangan muna namin syang ilagay sa ICU"

"Oh my God!"

-----

Yukito's Point of view

Puro kadiliman at katahimikan lang ang nakikita ko. Ng magmulat ako ng mga mata nasa isang hindi pamilyar na lugar ako,malabo sa akin ang lahat,dun ko napagtanto na wala akong suot na eyeglasses.

"Papa?" tawag ko kasi may naaaninag akong mga tao sa paligid.

"Pinsan! Salamat sa Diyos at gising ka na! Kebin tumawag ka ng duktor tol!" si Keiji siguro ito.

"Sige tol saglit"

"Hindi ko kayo makita ng maayos,nasan ang salamin ko? Nasan sina Papa?" pagkuway sabi ko.

"Mabuti at gising ka na,uhm umalis mga Papa mo,may inasikaso"

"Baikku?"

"Oo ako nga,salamat talaga gising ka na"

"Ano nangyari? Si Touya? Sina Heiress at tita Hera? Nasan sila?" magkakasunod kong tanong. Tumahimik sila.

"Bakit hindi kayo sumagot?" at akma na akong tatayo pero pinigilan nila ako,medyo kumirot bigla ang dibdib ko.

"Huwag ka munang kumilos pinsan,baka bumuka ang sugat mo,padating na din sina Tito,sila na ang magsasabi sayo" pigil sa akin ni Keiji,muli na lang akong humiga,bakit parang pagod na pagod ako? Akala ko patay na ako. Kamusta kaya si Touya.

Maya maya pa ay nadinig kong bumukas ang pinto at may mga yabag palapit sa akin,hindi ako nagdilat ng mata,pag tumatagal kasi na wala akong suot na salamin sumasakit ang ulo ko.

"Gising na po sya!" ani Keiji.

"That's good,we'll be checking him so we need privacy"

-----

"Anak,dala ko ang isa mo pang salamin,isusuot ko na sayo" boses ni Papa Yuweh,at naramdaman ko nga na isinuot nya to sa akin,nagmulat ako ng mga mata at silang dalawa ni Papa Argel ang agad kong nakita kaya niyakap ko sila.

"Mabuti at okay ka na,nag alala kami sayo ng Papa mo" ani Papa Argel.

"Akala ko nga po tigok na ako eh,pwede ko bang malaman ang mga nangyari? Please?"

Nagkatinginan sina Papa, kumuha si Papa Argel ng upuan at inilapit sa kama dun sya naupo,samantalang si Papa Yuweh ay sa mismong higaan ko naupo.

"Wala na sina Hera at Heiress,siningil na ang buhay nila anak,medyo hindi maganda ang nangyari,pero ang importante ligtas ka,at ligtas tayong lahat" malumanay na sabi ni Papa Yuweh,nalungkot ako,na hahantong pa pala sa kamatayan ang mga naganap na iyon.

"Eh,,uhm si Touya Po?" nahihiya kong sabi,kasi hanggang ngayon hindi pa din nila alam ang relasyon namin.

Ngumiti ng pilit sina Papa,medyo kinabahan ako. Baka hindi ko kayanin kung ano ang sasabihin nila,nakakatakot.

"Kritikal ang kundisyon nya, hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising" malungkot na sabi ni Papa Yuweh.

Bumilis tibok ng puso ko,nanikip ang dibdib ko at ramdam kong naiipon na ang mga luha sa gilid ng aking mga mata.

"Po? Gusto ko po syang makita!" at tuluyan ng nag unahan ang mga luha ko na masaganang naglandas sa aking mga pisngi.

"You really love him?" ani Papa Yuweh at hinawakan ang mga kamay ko,humihikbing tumango ako.

"You will see him, but not now,nasa ICU pa sya" ani Papa Argel na nakatingin sa akin,nakaramdam ako ng takot na baka hindi nya ako matanggap o ang relasyon namin ni Touya.

"Kelan ko sya pwedeng makita?" lumuluha ko pa ding sabi. Ganito pala yon,pag alam mong nasa bingit ng panganib ang mahal mo pati ikaw matatakot,pakiramdam ko nasa bingit din ako ng kamatayan,at natatakot akong isipin na mawawala sya sa akin,baka hindi ko kayanin.

Isang linggo pa ang lumipas,unti unti na akong nakaka recover,hindi nagkulang ang mga magulang ko at ang tropa sa pag aalaga sa akin,pero hindi ako masaya dahil alam kong nasa panganib pa din ang buhay ni Touya,hanggang ngayon hindi pa din sya nagigising.

Nandito kami sa tapat ng ICU at nag uusap ni Tito Kenshi,naaawa na din ako sa kanya,kung sobrang nasasaktan ako,ano pa kaya sya? Panigurado doble o mas higit pa ang sakit na nararamdaman nya,alam ko kung gano nya kamal ang mga anak nya,patunay na dito ay ang pagtanggap nya sa amin ni Touya ng buong puso.

Nasa gitna kami ng pag uusap ng lumabas ang nurse na incharge kay Touya mula sa ICU at mukhang natataranta,maya maya tumatakbo na ang doktor kasama ng ibang nurse papunta sa ICU. Nakaramdam ako ng matinding kaba at takot,pagtingin ko kay Tito ay halata din sa kanya ang takot at pangamba.

"Dok,anong nangyayari sa anak ko?" pigil ni Tito sa duktor.

"Lets talk later sir" sagot nito at nagsipasukan na sila sa ICU. Sisilip sana kami sa glass window pero tinakpan na ito ng kurtina.

Sobra kung mag pound ang puso ko sa kaba,takot at nerbyos na baka may masamang nangyayari na sa loob. Napapakit na lang ako at taimtim na nagdasal.

- Magandang tanghali! What can you say? Medyo hindi ako satisfied dito at sa nakaraang chapter haha!

VOTE AND COMMENT kung nagustuhan =)

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now