Super friend! Heiress!

4.1K 119 12
                                    

Yukito's point of view

Ng magising ako ay alam kong nasa ospital na ako,ramdam ko kasi yung nakalagay sa ilong ko at yung dextros,una kong nakita ay si Nanami na may benda sa kanang balikat at si Omi naman na sa hita ang benda.

"Nasan si Fuu?" agad kong tanong.

"Yukito-sama!" sabay nilang sabi.

"Nasan si Fuu?" ulit ko,ang huli ko kasing natatandaan ay nakita ko si Fuu na nakadapa at may dugo.

"Nagpapahinga sa kabilang kwarto Young Master,buti at nakaligtas kayo,nadaplisan sya ng huling bala,ang unang dalawang bala ay sayo tumama ang pangatlo ay kay Nanami at pang apat sa akin" sagot ni Omi. Ngayon ko lang naisip kung bakit ginawa sa amin yon at kung sino ang gumawa.

"Mabuti at okay na sya,ang mga kasamahan namin?" pagkuway sabi.

"Kanina nandito sila pati yung coach nyo,babalik daw sila mamaya, kamusta pakiramdam mo Yukito-sama?" sagot ni Nanami.

"Masakit ang katawan,salamat nga pala sa pagligtas ah? Maaasahan talaga kayo" nakangiti kong sabi sa dalawa.

"That's our duty young master,at kahit hindi namin duty yon ay gagawin pa din namin yon dahil kaibigan ka namin" ani Omi,natouched naman ako sa sinabi nya,nakakataba ng puso.

"Yah! Tama si Omi-chan,natakot talaga ako kanina ng tamaan ka ng bala sa dibdib kaya agad akong tumakbo sayo,malas nga lang natamaan ka ulit sa tagiliran at ako na sumalo dun sa pangatlo,pero dont ya worry Yukito-sama,mag iimbistiga na kami ni Omi-chan" mahabang sabi ni Nanami. Hindi ko tuloy maiwasang matakot,ibig sabihin intensyon talaga ng gumawa nun na barilin ako.

"Salamat ulit,alam na ba to ni Papa at ng tropa?"

"Yup,pinaalam na namin,any minute dadating na sila,salamat talaga at hindi malalim yung tama ng bala sa dibdib at tagiliran mo young master" sagot ni Omi.

Kung wala sila dun,malamang ako ang sumalo ng limang bala.

Nasa ganoon kaming pag uusap ng bumukas ang pinto at pumasok si Fuu kasunod si Heiress.

Anong ginagawa nya dito?

"Oh Gawd! Buti okay ka na! Nag alala talaga ako sayo kanina,sakto kasi na dumaan ako dun sa venue,ganun na pala ang nangyari,natakot ako para sayo" ani Heiress sabay yakap sa akin, nagtataka lang ako,kahapon lang namin sya naging kaibigan ni Fuu pero ganito na sya umakto? Ang weird.

"Hindi ako makahinga" sabi ko na lang,ang awkward kasi na sobrang yakap sya sa akin,alam naman nyang lalaki ako.

"Pasensya na"

"Its okay"

"I told you Yuki-chan parang nakita ko si Heiress kanina at totoo nga nandun sya" ani Fuu at naupo sa hospital bed na kinahihigaan ko.

"Ang linaw talaga ng mata mo,okay ka na ba? Nag alala ako sayo ng sobra" wika ko kay Fuu.

"Yup,daplis lang to,patakbo sana ako sayo pero tinamaan din ako" sagot nya. Now,lalo ako napapaisip kung anong motibo ng gumawa nun sa amin.

"Tara kainin natin tong dala ko!" masiglang sabi ni Heiress at ipinakita ang dala nyang pagkain,nakaramdam ako ng matinding gutom,hindi sinasadyang napatingin ako kay Omi at Nanami,masama ang tingin nila kay Heiress na ipinagtaka ko pero ipinagkibit balikat ko na lang din,though weird sya eh ate na sya kung maituturing dahil matanda sya sa amin ng tatlong taon,at saka dapat lang na nice kami sa kanya dahil nililigawan sya ni Touya.

Sa naisip ay muli na naman akong nakaramdam ng munting kirot sa dibdib. Haay.

Hindi nagtagal ay nagpaalam na din si Heiress dahil baka hanapin na daw sya ng Mommy nya,nagpasalamat ako sa pagdalaw nya at umalis na sya.

Ilang saglit pa biglang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Touya,bigla akong niyakap ng mahigpit.

"God! Salamat at okay ka! Sobra akong nag alala" aniya na para pang nanginginig at halata sa boses ang sobrang pag aalala.

"Okay na ako" sagot ko at tinapik sya sa balikat,kita ko ding pumasok sina Papa Argel,Papa Yuweh at ang tropa,lahat mga mukhang nag aalala. Agad naman lumapit sina Omi at Nanami kina Papa,nag bow at humingi ng tawad pero sinabi ni Papa Argel na hindi kailangang humingi ng tawad dahil hindi naman nila ito kasalanan.

Kumalas sa yakap sa akin si Touya,lumapit sina Papa at kinamusta ako. Syempre ang sabi ko ay ayos lang ako.

"Any idea kung pano nangyari ito anak?" tanong ni Papa Yuweh.

"Wala po,pero aalamin ko din iyon,sa ngayon ayaw ko muna yon isipin" magalang kong sagot.

"Basta anak,mag ingat ng mabuti,triplihen ang pag iingat,nandito lang kami lagi ni Papa Yuweh mo" ani Papa Argel.

"Opo Pa! Salamat po!" after an hour ay umalis din sina Papa,pupunta pa kasi sila sa Chansu.

"Kailangan ba talaga lahat kayo susugod dito? Buhay pa ako mga baliw!" puna ko sa tropa,kumpleto kasi sila,maging si Fuu ay nandito pa din.

"Hindi biro yung nangyari sayo Yuki" ani Touya na seryoso.

"Alam ko,huwag kayong mag alala mas mag iingat na ako" sagot ko,parang bumalik yung inis ko sa kanya.

Pagkatapos nun ay kinausap na ako ng tropa pero hindi ko na kinibo si Touya,ewan ko sa kanya! Inis talaga ako sa pagsisinungaling nya

Tinitingnan nya ako pero iniiwasan ko sya ng tingin,hanggat hindi sya nagkukusang magsabi sa akin eh hindi ko sya papansin! Sumira sya sa Bestfriends code!

Circles Of Love [boyxboy] - COMPLETED!Where stories live. Discover now