"Denise..." pangalan na lamang niya ang aking nasambit.


Denise's POV


Masaya ako dahil mukhang nakuha ko kaagad ang loob ng parents ni Charlie. Oo, umuwi ang mga ito dito sa Pinas dahil dito rin nila balak ilibing ang labi ni Ate Rochaes.


Syempre, heto ako, laging nakabuntot kay Charlie sa lamay. Girlfriend lang ang peg kuno. But still, parang multo lang ako para kay Charlie. 'Yong about sa nangyari sa amin, parang wala lang sa kaniya pero noong nagising siya na walang saplot at katabi ako, aba naghihimutok ang gago.


Wala akong pakialam kung nagalit siya sa akin that time. Mukha nga lang akong hostess na iniwan na parang basahan matapos parausan. Hindi naman big deal sa akin iyon, ang akin lang, nawa'y magbunga ang nangyari sa amin noong gabing iyon para problem no more na.


Aligagang-aligaga si Charlie dahil hindi niya makontak si Morixette at hindi man lang ito pumunta sa lamay ng ate niya. Tuwang-tuwa ako dahil tagumpay ang aking plano.


Matapos ilibing ang labi ni Ate Rochaes, balik na naman sa normal ang lahat. Kahit na madalas ako sa bahay nila that time, 'yong parents lang ni Charlie ang umeentertain sa akin. Buwisit na lalaking iyon, hindi man lang makita ang effort na ginagawa ko para damayan siya. Imbes na magpasalamat siya sa akin, aba! Pilit niya akong pinagtutulakan palayo dahil naaalibadbaran daw siya sa akin. Walang hiya talaga.


Ngayon, balik-eskwela na naman. Bago ako umalis ng bahay kanina, hindi na maganda ang aking pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit pero ang bigat-bigat ng pakiramdam ko na tila ba lalagnatin ako.


Pagkahatid sa akin ni Manong driver sa labas ng school, doon na ako tuluyang nakaramdam ng pananakit ng aking puson. Bigla akong nabahala dahil mukhang rereglahin pa ako. Hindi pwede iyon sapagkat hindi ako mabubuntis kung rereglahin ako. Masisira ang lahat ng plano ko.


Pagkababa ko ng sasakyan, kaagad ko namang tinungo ang tindahan ni Aling Nena dito sa labas ng aming school. Sumasakit ang puson ko kaya minabuti ko nang bumili ng napkin.


Pagkarating ko roon, may pinapagalitan si Aling Nena na mga batang palaboy na nakatambay sa kaniyang tindahan. Dalawa sila.


"Lumayas nga kayo rito sa tindahan ko! Mamalasin ako dahil sa inyo e," litaniya nito.


Pagkalapit ko naman roon, kaagad akong nilapitan ng mga batang iyon.


"Ate, pahingi naman ng pagkain o, nagugutom na kasi ako."


"Ate, panlaman tiyan lang po."


Dahil naiirita ako ngayon, hindi ko maiwasang hindi sila tarayan.


"Tse! Umuwi na kayo sa inyo! Ang babaho ninyo, maligo nga kayo!" Giit ko.


Natakot ang dalawang bata sa inasal ko kaya dali-dali silang nagtatakbo palayo.


Bago sila tuluyang makalayo, biglang huminto ang isang bata at tinitigan ako.

The Return of ABaKaDa (Published)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora