Canvas 3 - Second Coat: Crimson for Pain

2.3K 119 32
                                    

I woke up with a massive headache. Tumingin ako sa paligid ko at hindi ako pamilyar sa lugar kung nasaan ako. Puti ang pintura ng pader gayundin ang kisame. Sinubukan kong igalaw ang leeg ko pero pakiramdam ko ay napakasakit ng bawat paggalaw ko. Sinubukan kong bumangon pa rin pero hindi ko kaya ang katawan ko na sa palagay ko ay napakabigat.

Sinubukan kong inangat ang kamay ko at nakita kong may swero ito pero bukod doon ay puno ito ng sugat, hiwa at pasa. Maging ang braso ko ay masakit.

"Leah? Leah..." I heard someone called my name. May mga narinig pa akong kaluskusan pero hindi ko sila makita dahil hindi ko maigalaw ang leeg ko.

Maya-maya pa ay nakita ko ang mukha ng Mommy ko na lumuluha. Gusto kong magsalita na 'Mommy, bakit ka umiiyak?', pero walang lumabas na tinig sa akin. Pati ang lalamunan ko ay masakit.

Maraming taong nakaputi at may mask ang pumunta sa akin at tiningnan ako. Tinatawag nila ako sa pangalan ko pero hindi ako makatugon sa kawalan ng boses. I heard one man said that it's okay not to talk for now for I am just recuperating from the trauma. Hindi ko siya kilala pero inassure niya si Mommy na makakapagsalita rin ako.

Matapos ng mga ginawa ng mga taong nakaputi ay naiwan ako. Doon ko lang ulit nakita si Mommy at lumapit sa akin. May mask din ito at nakasuot ito ng kulay asul na damit na sa palagay ko ay nasa loob niya ang totoo niyang damit. My Mom hates color blue but she is wearing one now. Pero bukod doon ang magandang mukha ng Mommy ko ay tila nawalan ng buhay. Mugto ang kanyang magagandang mata at nakatingin siya sa akin na tila nahahabag.

"Baby...baby...I am sorry about this. I am sorry. The police are doing their best. Your Daddy is doing all that he can do to settle this. Ang kailangan mo lang gawin ay magpagaling ka anak." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Mommy. Umiiyak si Mommy pero hindi dahil sa pag-iyak niya kaya di ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Mo-mom..." Sinubukan kong magsalita at nakabuo ako ng salita. Tumingin sa akin si Mommy na tila gulat sa sinabi ko.

"Yes, baby? This is Mommy. I will not let anyone harm you again. Never." Iniisip ko kung anong sinasabi ni Mommy. Harm?

"Mo-mom..."

"Shh...huwag mong pilitin, anak. Kailangan mo pang magpagaling. Don't push yourself to hard. Hindi tayo nagmamadali ang mahalaga ligtas ka na." Tumingin ako kay Mommy at hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak niya. Hindi ko alam kung saan ako ligtas at kung bakit ganito umiyak si Mommy. At bakit ako nandito sa ospital?

...
I woke up again and I found Daddy smiling brightly at me.

"Hi baby girl." Malambing ang tinig ni Daddy at lumapit ito sa akin. Hinawakan naman ni Daddy ang kamay ko at napangiwi ako sa sakit. "I'm sorry baby." Nahalata agad iyon ni Daddy at kaagad binitawan ang kamay ko. "I'm...I-Im sorry. I should have...should have been there." Nakita ko ang unang luhang bumagsak sa mga mata ng Daddy ko. Gaya ni Mommy ay umiiyak rin ito kapag nakikita ako. "Hindi ko na hahayaang may manakit sa'yo. From now on, you are at my watch 24/7. I won't let this happen to you again." Again with that statement. Ano bang pinagsasabi nila? Sinong nanakit? Bakit nasa ospital ako? Bakit masakit ang buong katawan ko?

...
I woke up again and I saw Mommy and Daddy at the door talking to two men. The men were stern looking and one man looked at my way. Kaagad naman lumingon sa akin si Mommy at Daddy at tinapos na nila ang pakikipag-usap sa dalawang lalake. Sinarado na ulit nila ang pinto at lumapit sa akin.

"Hi baby girl! Daddy's here. You look better today."

"Da-dad..." Pilit kong salita. I wanted to talk to them and ask questions but my voice preventing me to do it. I can only utter a single word and my voice was gone again.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now