Canvas 20 - Doodle of feelings

1.6K 91 37
                                    

I scrapped again another sheet of my sketchpad. Naiinis ako. I am trying to draw something else but all I can think of and all my hands drew was his face! The outline of his face, the arch of his brows, the edge of his jaw, his deep seated eyes, his aquiline nose and his full lips. Hindi ko matanggal sa memorya ko ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita at sa palagay ko ay ma maiigi na iyon pero...hay! I took the towel and went straight to the toilet. Maybe a cold shower will refresh my mind.

Matapos kong magshower ay kaagad akong nag-ayos. Gusto kong maggala kahit mag-isa. Gusto kong libutin ang isla para malibang. Pupunta akong bayan para maghanap ng guided tour. Sa tagal ko ng pamamalagi rito ay hindi ko pa ito nalibot.

Dinala ko ang backpack ko at nilagay ang sketchpad ko at ilang paraphernalia. Sinarhan ko na ang pinto at sumilip muna ako sa dako ng pinto niya. Mukhang walang tao.

Naglakad-lakad ako at napansin ko na lang na dinadala na ako nito papunta sa pamilyar na lugar. Sa grocery ni Chris. Naalala ko naman na ito nga ang way papuntang bayan.

Dumeretso ako papuntamg grocery niya para na rin makapagtanong ako sa kung saan sa bayan ang may guided tour. Walang tao sa grocery niya at wala rin si Chris at iniwan itong nakabukas. Well, ganito naman dito. May tiwala ang mga tao sa isa't isa at hindi nababahala na pagnakawan o pagmalabisan ng kapwa.

Pumunta muna ako sa pinakadulo para sa cold drinks at kumuha ng dalawang bote ng sports drinks, kumuha rin ako ng banana bread, potato chips at chocolates. Para akong batang magpifield trip.

Matapos ay tumuloy na ako sa counter. Pinindot ko ang bell at tumunog ito. Narinig ko ang boses ni Chris na mula sa store room. Naghanda agad ako ng ngiti.

"Uy! Ang ganda nga naman ng umaga ko." Lumaki naman lalo ang ngiti ko. "Saan ka pupunta? Mukhang magpipicnic ka sa pinamili mo."

"Turista ako ngayon araw na ito. Balak kong pumuntang bayan para maghanap ng guided tour. May mairerekomenda ka ba?" Ngumiti ito ng malaki.

"Ako na lang kaya magtour sa'yo. Wala pang bayad." Salita nito habang nilalagay sa supot ang mga pinamili ko.

"Ayoko ng mang-abala. Tsaka masaya na hindi mo kilala ang tourist guide."

"Aw...Sige. Tatawag ako. Wait." Kaagad nitong kinuha ang telepono niya at may kinausap. Mabilis lang iyon at matapos ay tumingin ito sa akin. Pamaya-maya ay may kinuha itong backpack sa ilalim ng counter niya at kumuha ng candies sa counter at nagtungo sa likod ng grocery niya.

"Anong ginagawa mo? Okay na ba iyon tour?" Tanong ko.

"Okay na. Nagbabaon ng pagkain para sa tour natin. Turista rin ako ngayon araw na ito."

"Sasamahan mo ako?" Tanong ko.

"I think you need a companion right?" Ngumiti ito ng malaki. Napailing na lang ako.

"But you need to be quiet when the tour guide is speaking and not to butt in if you know something. Dapat turista ka rin kunwari na walang alam sa lugar."

"Sure baby." Kindat pa nito. Inirapan ko na lang siya.

...
It was a walking tour and it was tiring. Pero si Chris energetic pa rin at mas mukha pa siyang manghang-mangha kesa sa akin o kesa sa mga turista sa lugar na ito. Kalimitan sa turista ay mga Filipino rin. Mga taga Maynila na grupo ng apat na kababaihan na palagay ko ay mga dalaga at maiingay sila. Ganoon nga ata kapag magbabarkda at puro mga babae. May honeymooners at grupo ng kalalakihan binata na tatlo. Tiningnan ko munang mabuti kung may pamilyar dahil mahirap na. At mabuti naman at wala.

Nagpunta kami sa iba't ibang lugar ng isla. Ang pinakalumang bahay na bato, mga painting ng isang tanyang na Ibatan painter, ang simbahan na bato, at ang lighthouse. Lahat ay nilakad lang namin at wala naman nagreklamo. Mukhang nabrief na sila na puro lakad rito.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now