Canvas 15 - Rainbow coloured dreams (Part 1)

1.7K 83 7
                                    

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto niya. Nakailang katok pa ako at pagtawag pero wala akong narinig mula sa loob ng bahay na boses o paggalaw. Mukhang umalis siya.

I will apologize later. Hindi naman ako ganoon talaga kagabi...hay...hindi ko rin naman alam what took over me to think something like that to someone. Naiinis din ako for not thinking twice before I speak.

Pumasok na ulit ako sa bahay at kumuha ng fresh canvas. Marami-rami na akong napipinta pero hindi tapos at ngayon gusto ko na naman magsimula ng bago.

I sketched using pencil as an outline. Tiningnan kong mabuti ang canvas at matapos ay naghalo ng kulay. Blue, white, black. I want to paint the sea, the sea during sunset.

I was lost again in my art when I heard a lot of footsteps from outside. Tumayo ako at hinawi ang kurtina mula sa living room at nakita kong may mga kalalakihan na nasa tapat ng apartment ni Jared. If my memory serves me right they are those fishermen in the ritual.

I heard a lot of knocking from his door. They even called him countless of times but noone answered. Nagbukas ako ng pinto at may isang matandang Mataw na tumingin sa akin at ngumiti.

"Magandang hapon hija, umalis ba si Red?" Tanong nito.

"Sa palagay ko po." Sagot ko. "Mukhang wala pong tao kanina pa." Tumango lang ang matanda sa sinabi ko at nagpaalam na. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makalayo na ang mga ito.

Tiningnan ko naman ang pinto ni Jared. Baka maaga umalis ito at may pinuntahan. Pero tuwing umaga kapag umaalis ito ay napapansin ko dahil iyon din ang oras ng gising ko. Baka mas maaga siyang umalis.

Nagpatuloy na ako sa pagpipinta. I have never been this inspired. I really like the colors that I painted to describe the sunset. Sa tagal ko ng pabalik-balik sa shore ay tandang-tanda ko naman ang maganda kulay ng paglubog ng araw sa dagat.

Tumigil lang ako sa pagpipinta ng marinig ko naman ang pagkalam ng sikmura ko. Being immersed in painting made me forget to eat. Tumingin ako sa stock ko ng instant noodles. Mukhang kailangan kong bisitahin ulit si Chris para sa stock. Nagluto ako ng noodles at matapos ay nilagay ko sa malaking mug ko at naupo sa may living area habang nakatapat sa may bintana sa labas.

Humigop agad ako ng sabaw ko. I like my food hot. Mabilis akong sumubo ng noodles at itlog kahit na mainit ito. Who would have thought I would be eating instant noodles? Kapag nalaman ito ni Mommy papagalitan ako noon. Mommy wants me to eat home cooked meals and all things organic.

Natigilan naman ako ng may narinig akong bouts of loud coughing. Napatingin naman ako sa pader kung saan ako malapit at dinikit ang tenga ko. I heard loud coughing again. Si Jared? I didn't know the partition wall between our apartment is thin or his coughing is too loud?

Binaba ko ang mug ko at kaagad na lumabas ng apartment at nagpunta sa pintuan ng apartment niya. Nakatingin lang ako roon at hindi ko alam ang sasabihin. I just need to apologize. Kumatok ako ng maraming beses pero walang nagbukas ng pinto. Tahimik ulit sa loob at wala akong marinig na kung ano. But I know he is there. Narinig ko siya kanina.

"Kuya Jared. Alam kong nandiyan ka." Malakas na salita ko pero parang wala itong narinig. "Narinig kitang umubo. Are you okay?" Ilang minuto pa ako sa tapat ng pinto niya pero walang nagbukas ng pinto at wala rin ingay akong narinig. Paalis na sana ako ng may marinig naman akong pag-ubo mula sa loob. His cough betrayed him. Kumatok ulit ako. "Kuya Jared. Okay ka lang? I know you are there."

"Go a-way." Muffled ang boses nito na mahina pero rinig ko. Palagay ko ay may sakit siya.

"Okay ka lang ba diyan? Do you need any help?" I heard bouts of coughing but then he didn't speak again. Naalala ko naman kagabi na basang-basa siya. He is sick.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now