Canvas 2 - First Coat: Black for Misery

2.5K 92 31
                                    

Minaneobra ko pakaliwa ang kotse at sumunod ang kotse na itim sa akin. Tumingin ako sa rear view mirror at nakita ko si Aedan. Napabuntong hininga ako. Siya na naman. Ang masugid manliligaw ko noon hindi pa kami mag-asawa ni James. Hindi ko alam kung paano niya nabalitaan na nasa korte na ang annulment ko kay James at heto na naman siya.

Ilang beses ko ng sinabi kay Aedan na hindi ko siya gusto pero hindi pa rin ito tumigil noon. Tumigil lang talaga ito ng kinompronta ito ni James at sinabing magpapakasal na kami. Doon lang huminto ang pagyaya nito sa akin lumabas at pagsunud-sunod sa akin.

Kaagad kong pinarada ang kotse sa tapat ng gallery na pinagtatrabahuhan ko. Maraming tao roon at may mga gwardiya. Hindi naman sa inaakusahan ko na maaring may gawin masama sa akin si Aedan pero alam ko kasi kung gaano siya kapilit at ayokong ako lang mag-isa kapag nangyari iyon.

Bumaba ako ng kotse at nakita ko rin pumarada ito kalapit sa akin. Nagmadali akong naglakad para hindi niya abutan.

"Leah! Leah!" Tawag niya pero hindi ko nililingon. Mabilis akong naglakad kunwari ay hindi ko naririnig.

"Leah!" Napalunok ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Natigilan ako. Tumingin ako sa paligid at may papalapit sa amin na guard. Nakahinga ako ng maluwag. "Gusto lang kitang makausap."

"Aedan..."

"Kung inaakala mo na ipipilit ko na naman ang sarili ko sa'yo nagkakamali ka. May business proposal ako sa'yo." Napatitig naman ako sa mukha ni Aedan. Ngumiti ito sa akin pero halata sa mukha niya na hindi ito sigurado.

"Ma'am Leah may problema po ba?" Dumating na ang isang guard sa amin at nag-isip muna akong mabuti kung papaalisin ko na ba ito at maiwan na kami lang dalawa ni Aedan.

"Wala naman po. Kilala ko naman po siya." Sagot ko. Tumingin muna sa akin ang guard matapos ay kay Aedan at tinitigan ito ng matagal.

"Sige po, Ma'am. Maiwan ko na po muna kayo." Alert ang mga guard sa akin dahil kay Daddy dahil may mga indecent proposal at stalker ako noon wala pa akong asawa sa di ko rin malaman na dahilan. Sabi ni Daddy ay iyon daw ang sumpa ng pagiging isang Robles.

At ito na naman si Aedan. Masasabi ko na rin isa itong stalker dati kung makasunod sa akin at isa siya sa mga taong pinaalerto ni Daddy ang mga guards.

"Aedan, kung anuman iyon hindi ako interesado. Sorry." Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at hindi naman siya umalma.

"Nandito na naman ba iyon takot mo na iniistalk kita?"

"Wala akong sinabing ganyan. Sa'yo na rin nanggaling. Aedan, may nakaraan ka na ganyan sa akin, sa palagay mo ba maniniwala ako sa'yo na hindi?"

Tumingin lang sa akin ng mataman si Aedan. Alam kong maaring masakit ang binitiwan kong salita sa kanya pero gusto kong tigilan na niya ako. I tried to be nice while rejecting him because he was my friend before but that didn't work.

"Oo nga naman." Halata ko sa mga mata niya ang lungkot. Lumayo na agad ito sa akin. "Sorry nga pala sa nangyari sa inyo ni James." Sinasabi ko na nga ba na may alam na ito. "You know Leah, he didn't deserve you. That guy was a cheater and he didn't even love you. He just married you for convenience." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Aedan. "Kilala ko siya. Hindi siya mabuting tao."

"Stay away from my daughter Aedan or I will get you arrested now." Lumingon ako at nakita ko si Daddy na nasa likod ko na.

"Magandang umaga po Sir Aaron. Pasensiya na po sa abala." Magalang na salita pa ni Aedan. Kilala ni Daddy ang mga magulang ni Aedan at mabuti naman siya sa pagkakakilala ko. Hindi ko nga lang alam anong nangyari sa kanya. Pero simula't sapul pa lang naman ng pagkakaibigan namin ay medyo weirdo na ito pero hindi ko na naman akalain na aabot sa ganito. Kaagad umalis si Aedan at nagtungo sa kotse niya at mabilis na umalis.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now