Canvas 19 - Different hues of blue

1.6K 106 46
                                    

"Then?"

"Then, iiwan mo na at papakuluan. Let the soy sauce and the vinegar and the fire do its thing. This is the time that you wait."

"Ganoon lang iyon?" Tanong ko na di makapaniwala. After we mixed the soy sauce, vinegar, 5 cloves of chopped garlic, 1 head of onion and lots of pepper because he likes it a bit peppery hot and poured it over the chicken then done. Papakuluan lang daw ito at hintayin na maluto ang manok.

"What do you expect then?" Tinaasan ako nito ng kilay at nakangiti ito. Yes, it is still one of those half-hearted smile.

"Ineexpect ko na napakakomplikado nito. Not this simple." Tumawa siya.

"Cooking is easy, Leah, preparation is hard." Napangiti naman ako sa sinabi ni Jared. Tama siya. Hiniwa pa namin ang isang buong chicken at mahirap iyon. He thought me how to cut the whole chicken so we have two chickens. Mahirap magkatay ng manok pero with Jared's strength it was very easy I think, though he always told me that is not how strong he is but in strategy. Palagay ko naman ay kuyang-kuya ito kung paano niya ako turuan. That natural 'kuya' trait in him is so endearing. "Tinawagan mo na ba si Chris? Marami-rami to. Kailangan natin ng uubos."

"I did. He'll reach later kasi marami raw tao sa grocery. Si Nanay Maria nasa kabilang bayan naman daw. So si Chris lang." Natigilan naman ako ng mahalata ko siyang nakatitig lang sa akin at tila pinapanuod akong magsalita. "Bakit Kuya Jared?"

"Nothing." Umiling ito, umiwas ng tingin at binuksan ang takip ng kaldero ng adobo.

"Hindi ako naniniwala. Bakit ka nakatingin? May dumi ba sa mukha ko?" Sumimangot naman ito.

"Bakit si Chris hindi mo kinukuya? Magkaedad lang kami." Napangiti ako ng malaki dahil sa sinabi niya.

"Nasanay na kasi ako. Atsaka akala ko talaga a couple of years older lang si Chris. Mukha kasi siyang bata."

"So ako pala ay mukhang matanda." Natigilan naman ako. "Kasi unang kita mo pa lang sa akin kuya na agad tawag mo." Napangiti ako. Alam ko na kasi kung gaano siya katanda dahil kilala ko na siya. Pero siyempre hindi ko iyon masasabi sa kanya. That is a secret.

"Oo." Salita ko na lang. Kahit na alam ko na sa itsura niya at tikas ay hindi siya mukhang thirty five. Pwede mapagkamalan siyang nasa twenties. Mas matipuno pa nga siya sa mga twenty something na lalakeng kilala ko. Siguro ay dahil batak ang katawan niya sa pisikal na trabaho.

"Well, salamat ha sa pagiging honest." Natawa ako sa hint ng pagbibiro niya na may kasamang pagtatampo. "Minsan kailangan mo rin magsinungaling para hindi makasakit ng damdamin." Natawa na talaga ako ng tuluyan.

"Oo nga pala nagiging sensitive na kapag tumatanda" Pigil ko pa ng tawa ko pero sa huli ay di ko na talaga napigilan. Matapos pa ng bouts of laughter ko ay naibalik ko na rin ang composure at tiningnan siya. Nakatingin siya sa akin mabuti. Mukha atang galit. "I-I didn't mean to offend you kuya. Benta lang talaga kasi sa akin noon sinabi mo. Sorry." He smiled. And would you believe if I say I saw his eyes smiled as well?

"I know. You don't mean to. It's okay. I know I am already old and there is no point in hiding it. All of us gets old anyway. And it is better to be old and ugly yet wiser than to be young and good looking but dumb and a fool."

"Being old is not synonymous with being ugly. Take for example, Brad Pitt and George Clooney, they are both in their 50's and yet they are handsome and not to mention hot. That leads to the conclusion that, men grow more attractive as they aged. But to remind you once again, you are not that old. You are just thirty five. Just another five years then you will be forty."

Love On CanvasDove le storie prendono vita. Scoprilo ora