Canvas 30 - Sfumato of Her Heart (1)

2.2K 95 48
                                    

Nahihiya akong kinuha ang supot na pinabili ko sa kanya. Kaagad akong pumasok ng banyo at ginawa ang dapat kong gawin. Sa ilang buwan hindi ko pagkakaroon ay hindi ko naisipan bumili ng pad. At wala na akong ibang nagawa kundi sabihin kay Jared ang kailangan ko. Hiyang-hiya ako dahil hindi niya dapat nalalaman ito pero wala na rin naman akong nagawa.

Matapos kong gawin iyon ay kaagad na akong tumuloy sa kwarto ko. Ayokong makita si Jared. Nahihiya ako. Nahiga ako sa kama. Unti-unti ng sumasakit ang puson ko dahil unang araw ko ngayon.

"Leah?" Nagising naman ako sa pagtawag niya. Nakita ko siya sa may pinto at nakatingin sa akin. "Kain na tayo." Lumapit pa ito sa akin at nagtalukbong ako ng kumot. "Masama bang pakiramdam mo? Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot." Masuyong salita pa nito.

"Please leave me. Wala na akong mukhang maihaharap sa'yo." Salita ko.

"Ha? Saan napunta iyon magandang mukha mo kung ganoon?" Naiikot ko na lang ang paningin ko dahil sa hirit niya.

"Just leave, okay? Alam mo na naman kung anong sitwasyon ngayon. Just leave!" Sigaw ko.

Tumahimik matapos noon pero maya-maya ay narinig ko na ang yabag niya papalayo.

Napabuntong hininga na lang ako at pinilit matulog dahil sa sakit ng puson ko.

Nagising akong kumakalam ang sikmura ko. Tinanggal ko na ang pagtalukbong ko at bumangon. Ito talaga ang pinakaayaw ko sa sitwasyon na ito. Ang pagsakit ng puson ko. Nanlulumo akong pumunta sa labas at nakita ko naman ang mesa na may nakahain na may takip. Binuksan ko iyon at nakita ko ang ulam. Tinola. Kaagad naman akong kumain dahil sa gutom.

Napansin ko na lang na may supot sa may tabi ng tasa ng ulam at nagtatakang binuksan ko iyon. Doon ay nakita ko na may mefenamic acid at isang pack ng bite size na Snickers. Hindi ko naman mapigilan mapangiti.

Kaagad kong ininom ang gamot at kumain ng chocolates. I usually crave for sweets when I have my period. At bakit alam ni Jared iyon?

Nang magsubside na ang sakit ay naligo na ako. Matapos kong maligo ay kumain na naman ako ng chocolates na binigay niya.

Lumabas ako ng likuran ng bahay at nakita ko si Jared na nagbubungkal ng lupa sa gilid ng bahay. Katabi ng gilid na iyon ay mga tanim na kamote sa palagay ko dahil sa kulay ng dahon.

Pinagmasdan ko lang siya habang abala siya sa ginagawa niya. Pawisan ito at doon ko naman naisipan na may gawin.

Kaagad akong kumuha ng towel at ng tubig at kaagad bumalik sa likod bahay. Saktong pagbalik ko ay mukhang tapos na ito sa ginagawa niya at saktong humarap ito sa akin.

"Hi." Bati niya sa akin na nakangiti. "Kamusta ka na?" Lumapit ito sa akin pero gumawa na rin ako ng pagkilos at lumapit sa kanya. Kaagad kong inabot ang plastic na bote ng tubig at kinuha niya iyon at inuman. Nakakuha naman ako ng pagkakataon na punasan ng pawis sa mukha niya. Naubos na niya ang tubig at dinalian ko na rin ang pagpunas ng mukha niya.

"Ang dami mong pawis." Salita ko at tumitig lang siya sa akin.

"Are you feeling better now?" Hinuli niya ang mga mata ko. Nahihiya pa rin talaga ako sa aspeto na iyon sa kanya.

"Ye-yes...I am. Thank you." Mahina kong tugon at lalayo na sana ako sa kanya pero hinawakan niya ako sa may bewang.

"Good. I supposed that you found the medicine and the chocolates?" Nag-init ang pisngi ko sa alaala.

"O-oo...salamat." Nahihiyang tugon ko. "So-sorry din sa tantrums ko. Ganito lang talaga ako...iritable. At nakakahiya na sa'yo pa talaga ako nagpabili." Hindi ako makatingin sa kanya sa kahihiyan. I heard him laughed.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now