Canvas 31 - Sfumato of Her Heart (2)

1.9K 113 22
                                    

"Be-beth..." "Chris!" Sabay namin salita ni Jared.

Nakatingin ako sa kanilang dalawa. Nakadapa sa ground si Chris at si Beth ay nasa ibabaw nito. I've seen Beth did this move before with James. Naalala ko naman noon tangkang lapitan ako nito sa hospital at ganito ang nangyari.

"Miss Leah." "You know her?" Sabay na bigkas pa ni Beth at ni Chris.

"Beth." Napailing ako. This is Daddy's work. I should have known. "Pwede mo ng pakawalan si Chris he is my friend. He is harmless." Tumingin sa akin si Jared na takang-taka. What is left to do now? Magtatanong si Jared I am sure of it. Pati na rin si Chris. "Beth, please." Salita ko. Tumango si Beth at tumayo na. Naiwan si Chris na nakadapa at tinulungan na ito ni Jared.

"Miss Leah." Salita ni Beth.

"Beth."

"Please don't fire me."

...
The air in the room feels heavy to breathe. Sumusulyap sa akin si Jared pero hindi ito kumikibo. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap kay Beth.

"Miss Leah, I need to speak to you in private." Pormal na salita ni Beth. I looked at Jared and he didn't even look. He was just sitting near the fireplace. While Chris was smiling like he knew something. I don't know. Chris' smile is weird.

"Okay. Chris, help yourself. May mga pagkain sa cupboard."

"Sure." He smiled happily. Parang walang nangyari tambangan kanina. Sinilip ko ulit si Jared pero parang wala itong balak na tingnan at kausapin ako.

Pumasok na kami ni Beth sa kwarto ko at tanging ang rechargeable na ilaw ang liwanag sa kwarto. Pumasok na si Beth at nilock ko ang pinto.

"Miss Leah, kailangan ko po talaga kayong protektahan." Iyon agad ang bungad sa akin ni Beth. Naupo ako sa kama.

"Ilang buwan mo na akong minamanmanan?" Tanong ko rito. Natigilan siya.

"Two to three weeks after you left the city, miss." Napailing ako. Ganoon kadali.

"I am really traceable." Napangiti ako ng mapait. "Akala ko pa naman ay naging magaling ang pagtatago ko.

"Hindi po sa ganoon miss, sadyang--"

"Tell me, this is my father's order right?" Tingin ko sa kanya. She looked at me straight in the eye but didn't answer. "Beth, formality lang ang tanong ko. Alam ko na si Daddy ang nasa likod nito." Hindi pa rin ito nagsalita. "I won't get you fired, Beth. Huwag kang mag-alala."

"Your father want you safe, miss." Napabuntong hininga ako.

"I know, Beth. Please call me Leah. Halos magkaedad lang ata tayo."

"Hindi na po, miss. We don't want to be too familiar with our boss."

"I am not your, boss. My father is your boss."

"Pero miss--"

"Beth, huwag mo ng pasakitin ng sobra ang ulo ko." Hinagod ko ang ilong ko pataas papunta sa aking noo. An imminent headache is coming I am sure of it.

"Okay po." Ngumiti na lang ako maliit.

"Anong status sa kaso ko?" Tanong ko. Since nandito na rin siya ay maganda na malaman ko na rin sa kanya first hand.

"On going pa rin po ang hearing kay Ms Tina. Lahat po ng ebidensiya ay nagpopoint sa kanya at siya po kasi ang may pinakamalakas na motibo."

"Pwede bang wala ng po?"

"Ay sorry po." Napangiti ako kahit ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. "Sorry."

"Motibo? Ang panghihiram niya ng pera sa akin para maisalba ang negosyo niya? Malakas na ba na motibo na iyon para tangkain patayin ako?" Tanong ko sa kanya at tiningnan lang akong mabuti si Beth. Naupo rin ito sa may silya sa tapat ng kama. "Beth, sa tagal mo ng pagiging pulis, hindi ka ba man lang nagtaka? Hindi ba napakababaw ng motibo na iyon sa iyo?" Katahimikan ang sinagot sa akin ni Beth.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now