Canvas 22 - The Colors of Sunrise

2.1K 112 41
                                    

"Why are you doing this?" Tanong ko sa kanya at tingin. Tinitigan niya lang ako at pinisil niya ang kamay ko na hawak niya. Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magsusukatan ng tingin. Pero sa huli ay ako na rin ang naunang nag-alis. "I don't accept offers from someone that I don't really know. You can tell me I am cautious, but I am. Mahirap na. Marami ng masasama sa mundo na ito at hindi mo alam kung anong tumatakbo sa utak nila. Malimit ang manloloko at mga nanakit ay nagtatago sa mga matalik mong kaibigan, sa mga taong akala ko mong totoong nagmamahal sa'yo o kaya naman ay sa taong may gwapo o magandang mukha."

"Ganoon bang kahirap na magtiwala sa tao?" Muli ko siyang tiningnan at tumango.

"Oo. Para sa taong sobrang sinaktan at nasaktan mahirap makakuha ng tiwala. Lahat ng bagay, lahat ng ginagawa sa'yo nag-iisip ka kung ano bang motibo."

"Leah..." Hinaplos pa niya ang kamay ko.

"Sorry kuya...but this is me. Callous because of my past..." Titig ko. "I don't need any help. Kaya ko ang sarili ko." Mariin salita ko.

"I am helping you because I want to." Seryosong tingin nito. "You remind me so much of my sister." Mabilis na sabi pa nito. Si Ate Jireh ulit? "Simula bata, lagi akong nasa tabi niya. She was very dependent of me. She was very shy, weak and she cried always even to the simplest of things. And though sometimes her weakness was irritating, but that was the thing that endeared her to me. Because that was...that was where I can totally exercise being the...being the older brother."

"I don't cry everytime...and...and I am not weak." Defensive kong sagot. "So bakit nakikita mo sa akin ang kapatid mo? I am not asking you to help me."

"No you're not or atleast from the outside." Napataas naman ang kilay ko.

"I don't need your help." Final na salita ko.

"You might not need my help but I want to help you."

"Ayoko nga." Ang kulit niya.

"Bakit ayaw mo? Wala akong hinihinging kapalit sa'yo at wala akong hidden agenda. Gusto lang kitang tulungan...please."

"Kuya..."

"All my life I've been so selfish...and...and I don't want to be anymore." Kinuha pa nito ang isang kamay ko. "Please stay, Leah. Let me help you."

...

I was just looking at him busying himself looking at the grills that was installed. Para na akong preso nito at bukod doon ay may cctv na kami sa labas ng bahay at sensor light na magbubukas kapag may nadetect na tao.

I really doesn't want him helping me but he is overbearing in a good kind of way that I can't explain. Pero hinayaan ko na lang siya gawin muna ito temporarily. Yes, I am still leaving. Hindi pa ngayon pero soon at gagawin ko iyon when he least expect it.

It sounded evil in my head but what can I do? Ayoko ng mangdamay. I felt elated when he offered to help but dismayed when he told me that he wanted to help me because I reminded him of his sister. Pero ano pa nga bang iisipin ko. Yes, aaminin ko na I have a little crush on him again pero hindi naman ako nag-eexpect na kaya niya ako gustong tulungan dahil gusto niya ako. In a split second siguro nagexpect ako. Pero ng marinig ko ang sinabi niyang 'sister' alam ko na. Siguro nga kaya ganoon na lang din siya dati. Sinabi niya nga I remind him so much of her kaya nga napipilit ko siya kahit noon dati pa. Kaya nga all this time, lahat ng bagay na pinapakita niya sa akin are all because of brotherly love to his sister.

"Maayos na ang lahat. Are you really sure you don't want me to sleep over?" Umiling ako sa kanya. "I am harmless, Leah." Napailing ako sa sinabi niya. Ngumiti naman siya. Pumunta naman siya sa kwarto ko at sinundan ko siya. Nandoon pa rin ang mga kalat ko at ang mga pininta ko. He was looking at one. "Si David?" Tanong nito. He was looking at my painting with grasslands and cows. Nandoon nga si David though it wasn't very define. Ang scenery talaga ang ginawa ko.

Love On CanvasWo Geschichten leben. Entdecke jetzt