Canvas 29 - The painter's slow retouch

1.9K 97 32
                                    

I was just looking at him carrying our things inside the house. Matapos niyang gawin iyon ay kinuha niya ang kamay ko at pinagdaop niya ito sa kanya.

"Let's go." Tumango ako. Hinalikan niya ako sa aking noo at iginiya sa loob ng bahay.

...

We ate in silence. Nagluto si Jared ng pagkain at marami akong nakain. I wanted to compliment him with his cooking pero simula ng umalis kami sa kabilang isla ay hindi pa kami nag-uusap ng ayos.

Last night I told him to stay and he stayed and he talked me through about leaving the island. Pakiramdam ko ay napag-isipan na niyang mabuti iyon bago pa man ako umo-oo. Matapos kong sumang-ayon ay pinag-ayos na niya ako ng mga gamit at after a few calls that he made sinabi niya na aalis kami ng madaling araw. At umalis kami lulan ng eight seater na eroplano na sinakyan na rin namin dati.

At dito sa pinakahilagang parte ng bansa niya ako dinala. Sinabi niya ay may bahay siya at nandito nga kami ngayon.

Ibang-iba ang bahay na ito sa bahay namin sa kabilang isla. Bato ang lahat sa bahay at mukhang makaluma. Kahoy ang sahig, bato ang kisame at kahoy na matigas ang mga bintana. Meroon din tsimenea at palagay ko ay kailangan talaga sa lugar na ito. Mas malamig dito kesa sa kabilang isla. Iilan lang din ang mga gamit, bukod sa upuan at mesa na gamit namin sa dining area ay wala na.

"Pasensiya na. Hindi ko naisip na magiging hindi ka komportable sa lugar." Lumingon ako sa kanya at nakatingin na pala siya sa akin. Nakita niya akong nagmamasid sa kabuuan ng bahay niya.

"It is simple and basic. Mas gusto ko ng ganito kesa kumplikado." Ngumiti ako sa kanya. I can see the bothersome look in his eyes. Ayokong magreklamo. I am always thankful of what Jared has done for me.

"When everything is settled, Leah, I can give you more than this." Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"I don't need more." Mahinang salita ko. Tiningnan niya lang akong mabuti.

"But you deserve more, baby." Hinaplos pa niya ang kamay ko. "I'll promise--"

"Jared." Pigil ko. Promises and vows. Ayoko ng makarinig noon. Hindi na siya nagsalita at tumagal na walang nagsasalita.

"Ako ng magliligpit sa pinagkainan." Hinaplos niya ang kamay ko at siya ng naunang nagsalita.

"A-ako na lang. Ikaw na ang nagluto." Salita ko. "Please." Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na. Pakiramdam ko naman kasi talaga ay sobra itong si Jared. Iyon tipong aakuin niya ang lahat ng trabaho sa bahay at hahayaan niya lang akong tambay at walang ginagawa.

"Alright. If you say so." Ngumiti ito at tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. "Lilinisin ko lang ang kwarto. You deserve more than a dirty room." He chuckled. Inirapan ko na lang siya. Ayaw talagang patalo.

...

Kakagising ko lang mula sa pag-idlip ko at hindi ko nadatnan si Jared sa loob ng bahay. Sabi ni Jared ay huwag daw akong umalis ng bahay kapag wala siya pero hindi naman ako mapakali na mag-isa sa bahay.

May narinig akong ingay na tila may pinapalo mula sa gilid ng bahay. Tumingin ako sa may bintana at may nakita akong mga kahoy na piraso na nakasalansan pero hindi ko pa rin makita kung saan galing ang tunog. Mas naririnig ko ito malapit sa likod bahay. Kaagad akong dumaan sa likod na pintuan at naglakad patungo sa tunog. At doon ko nakita si Jared na may palakol na tangan ang dalawang kamay at sa isang hataw ay sinibak ang malaking piraso ng kahoy. Tumalsik sa magkaibang direksyon ang nasibak na kahoy. Samantalang si Jared ay tumigil at huminga ng malalim. Doon ko na lang napuna na wala pala itong pang-taas na damit.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now