Canvas 38 - Combination of Different Colors (Last Part)

1.9K 89 31
                                    


We were welcomed by a middle aged woman. Kung titingnan ay maaring kaedad ito ni Mommy pero hindi ito kagandahan gaya ng Mommy ko. Her face has wrinkles and her hair has gray but there is this innate goodness radiating from her. Jared introduced her to me as her Mama Niel. His adoptive mother. They hugged each other and Mama Niel clung to him for so long. Lumuluha itong nakayakap kay Jared at kahit na alam ko ang nararamdaman ni Jared ay nanatili lang itong ganoon at hindi umiiyak. Pero ako naman ang naluha. Ako na lang ang lumuha para sa kanya.

"I missed you, anak." Hikbi pa ni Mama Niel. "Miss na miss ka na rin ng Papa mo."

"Miss ko rin po kayo, Ma." Jared looked at me and I smiled at him. Doon na lang ako nakita at napansin ni Mama Niel.

"Oh...sorry. Ito na ba si Leah?" Nagpunas ito ng luha niya at kumalas na ng yakap kay Jared at pumunta sa akin.

"Hello po." Bati ko rito. "Magandang umaga po, Mama Niel."

"Ang ganda-ganda niya, anak." Exclaimed pa ni Mama Niel. Nagulat ako ng niyakap ako nito. "At ito na ba ang apo namin?" Matapos niya akong yakapin ay hinaplos niya ang tiyan ko.

"Opo." Ngiti ko rito.

"How far are you?"

"Going eight months na po."

"Naexcite naman ako anak. May addition na naman tayo sa pamilya." Ngiting-ngiti si Mama Niel at niyakap niya ulit ako. Pakiramdam ko naman ay napakabait ni Mama Niel at hindi lang dahil sa itsura niya kundi dahil na rin sa pinapakita niya. Jared told me he has the kindest and the greatest mom in the world. Parang kahit papaano ay nakikita ko na ang glimpse kung gaano nga ang ina nito sa kanya. "Pasok, pasok kayo sa loob. Naghihintay na si Papa. Parating na rin ang mga kapatid mo."

Kinuha ni Jared ang kamay ko. Bago kami pumunta rito ay napag-usapan namin ito kagabi. Matagal na naman niyang nabanggit na handa na siyang makita ulit ang mga magulang niya at kausapin ito at humingi ng tawad. Pero ang hindi pa namin ganoon napag-usapan ay ang muling pagkikita nila ni Ate Jireh...ni Jireh. Hindi naman niya nabuksan ang paksa sa akin kaya hindi na ako nagtanong. Pero I hope and pray na handa na rin siyang kaharapin ito.

...

May isang lalakeng nakaupo sa isang malaking upuan sa may hardin. Halata mong ibang lahi ito gaya ni Jared. Ito na ata si Papa Zeke. Tumingin ito sa gawi namin at palagay ko ay nagtama ang mga mata nila. Papa Zeke looks like Jared only older. Malaki ang pagkakahawig nila at hindi mo aakalain na hindi niya ito totoong ama.

Naglakad na kami patungo sa matandang lalake. Nangunang naglakad si Mama Niel papunta rito.

"Papa, nandito na si--" Hindi na natapos ni Mama Niel ang sasabihin dahil humangos na si Jared kay Papa Zeke. Lumuhod si Jared kay Papa Zeke at tumungo sa kandungan nito at yumakap.

"Pa-pa..." I heard Jared's trembling voice. "I...I am sorry Papa...I'm sorry." Paulit-ulit iyon sinabi ni Jared habang lumuluha. Hindi ko na rin mapigilan umiyak. Hinawakan ako ni Mama Niel at maging si Mama Niel ay napaluha. "I'm sorry for everything. For hurting you and Mama and my siblings. I was so selfish...I...I am very sorry, Papa. I hope you can still forgive me?" Nakagat ko ang labi ko. Doon ko lang naramdaman kung gaano kalalim ang pinagdaanan ni Jared at ang pamilya niya. I never had this conflict with my parents before but I do undertsand what he has gone through.

"Jared..." I heard Papa Zeke's voice for the first time. "You are my son." Haplos pa nito ng buhok ni Jared. "I have forgiven you a long time ago." Doon lalong niyakap ni Jared si Papa Zeke. "I love you, son."

Napayakap naman ako kay Mama Niel. Naiyak ako ng sobra sa sight na nakita ko.

"Salamat po sa pagpapatawad kay Jared. Salamat po sa pagtanggap." Mahina kong salita kay Mama Niel. Hinaplos naman nito ang ulo ko.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now