Canvas 23 - A Daub of Sulking

1.7K 80 16
                                    

"Oh? Are you expecting someone?" Tanong ni Chris. Binuksan ko kasi ang pinto at akala ko ay si Jared pero hindi pala.

"Wala." Ngiti ko rito. "Napadalaw ka?" Ngumiti ng malaki si Chris sa akin.

"Kailan na-install ang mga grills at cctv?" Tanong nito.

"Last two days ago." Salita ko at tumango naman siya.

"Are you okay?" Tumitig ako kay Chris. Mukhang alam ko na. Mukhang sinabi rin ni Jared.

"I am. Paranoid lang si Jared." Ngiti ko rito bago buksan ang fridge at kumuha ng juice para kay Chris.

"Uy!" Ngiti nito sa akin pagdating ko ng mesa. "First name basis na kayo ni Red? Wala ng kuya?" Inirapan ko si Chris at ang nakakalokong ngiti nito. "What? I usually hear you calling him 'Kuya."

"Oh eh di Kuya Jared." Iling ko pa rito. "Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Bumibisita." Ngiti nito. "But more than that I am concerned about you" Naupo na ako sa tapat ng mesa at pinagmasdan ko ito. "Red told me about that someone who was following you." Tingin nitong seryoso sa akin. "Pero huwag kang mag-aalala. Red has a good intention why he told me. He just wanted me to be vigilant. Hindi mo naman siguro mamasamain na malaman ko. Kaibigan rin kita at gusto rin kitang ligtas." Napabuntong hininga ako. Sinasabi ko na nga ba.

"Naisip ko na rin na sinabi niya sa'yo." Salita ko. "Pero Chris, hindi ko naman kailangan lahat ng ito. Si Jared...I mean si Kuya Jared lang naman ang mapilit. I am not really in danger. Maybe stalker lang. May pagka-oa lang talaga si Kuya."

"Lalo na dapat kang mag-ingat kung stalker iyan. Hindi mo alam ang takbo ng utak nila." Umiling na lang din ako. Pareho rin sila ng pag-iisip ni Jared.

"I am not really scared of them actually." Salita ko. Tiningnan ako nitong mabuti. "I am not really scared of what they can do to me. I really don't care."

"Kaya ba iniiwan mong nakabukas ang pinto mo?" Hindi ko napansin si Jared sa may pintuan at nakabukas iyon at kunot ang noo itong nakatingin sa akin. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya. Nakaramdam ako ng hiya. Naalala ko kasi ang nangyari kagabi.

"Red. Akala ko ba magtatagal ka?" Lumingon si Chris samantalang si Jared ay kusa ng tumuloy sa loob. Seryoso ito at mukhang galit.

"Wala pa silang lead kung sino." Tumayo ako at kinuha siya ng baso. Pinagsalinan ko siya ng juice at nilagay sa tapat niya sa mesa. Tinitigan niya ako at halata ang galit sa mata niya. Teka, bakit siya nagagalit sa akin?

"Alam mo naman na medyo low-tech ang kapulisan dito. Mababa kasi o close to none ang krimen dito. Kaya hindi ganoon nabibigyan ng budget ang kapulisan. Pero kahit na low tech alam mo naman pursigido rin silang tumulong. At gagawin nila ang lahat." Assure pa nito kay Jared. "Pero do your part Leah. Be vigilant. At gagawin rin namin ang parte namin. Because that's what friends do. Hindi namin hahayaan na masaktan ka." Napabuntong hininga ako. Mas mahigpit pa pala kina Mommy at Daddy ang dalawang ito. Kung doon ay binigyan ako ng personal bodyguards dito naman ay sila na ang friends cum bodyguards ko.

"At simulan mo ang pagiging vigilant at cautious mo sa paglolock mo ng pinto." Seryoso at walang kakurap-kurap na salita ni Jared. Nakatuon ang tingin niya sa akin.

"Opo." Mahina kong sagot. Iba ang Jared ngayon kumpara kahapon. "But I am not really scared of them and what they can do." Salita ko pa ng pabulong.

"Leah, hindi ko alam kung anong gusto mong iimply ng sinabi mong you are not scared of them posing harm to you and your nonchalance. Hindi ko alam kung nagbibiro ka ba o wala ka lang talagang pakialam. Kung nagbibiro ka, hindi magandang biro iyon. Pero kung wala ka lang talagang pakialam...that is very sad, Leah." Hindi ako nakatugon sa seryosong sinabi ni Chris na may kasama pang pagpapagalit. Narinig pala ni Chris. "Kasi kami Leah, concerned kami sa'yo. Kung may mangyaring sa'yo konsensiya namin iyon kasi hindi ka namin naprotektahan. Kung wala kaming ginagawa tungkol sa kalagayan mo pero aware kami sa panganib sa buhay mo, failure kami na kaibigan."

Love On CanvasOnde histórias criam vida. Descubra agora