Canvas 37 - Combination of Different Colors (Part 1)

2.1K 99 38
                                    

Nilibot ko ang mga mata ko sa kalakihan ng condo unit ni Jared. We are already back here in Manila. We had a morning flight and reached after two hours. Jared was very careful in guiding me while walking and I know he was praying hard during the flight because he was really quiet. He was praying for me and our son's safety. Maayos naman ang naging biyahe namin pabalik. It was very smooth ride. Thank God!

His condo is still in pristine condition. Para ngang hindi siya nawala ng matagal dahil malinis ito at maayos. O may ginawa na naman itong extra measures para maayos ang tutuluyan namin? Kanina kasi pagdating namin ay may sasakyan na pinuntahan na siya sa parking lot. Isang itim na Audi na kotse ang sumundo sa akin sa arrival area at nagulat pa ako na si Jared ang nasa loob.

Malako rin ang condo niya. It has three rooms. Parang sinakop na nga niya ang isang floor ng building. His condo was spacious and his furnitures were all in white and blue. Para lang langit.

"Are you tired? The bed is ready for you to nap." Lumabas siya na nakangiti.

"I am not tired. Gutom ako." Ngiti ko sa kanya at ngumiti siya ng mas malaki. I am really hungry. Ganito ako lagi. Maya't maya ay gutom. Malaki na talaga ako. My baby's bulging like crazy. Ang laki-laki niya. Palagay ko ay manang-mana ito sa height ng Daddy niya.

"May namiss ka bang pagkain? Do you want a take out?"

"Ayoko po. I want your cooking. Iyon sardinas na may ampalaya." Naglaway ang labi ko pagkasabi kong iyon. Jared's cooking is my favorite. Kahit ano pa. Pero nahihilig ako ngayon sa sardinas at ampalaya.

"Baby, we can get any food you want now here in Manila and you are craving for that?" Ngiting-ngiti nitong sabi at naupo sa tabi ko.

"Gusto ko ng sardinas at ampalaya, Jared. Hindi ako kakain kapag hindi iyon ang pagkain." Sinapo naman nito ang mukha ko.

"Opo." Ngiti niya. "Kailan ba ako humindi sa'yo." Hinalikan niya ako saglit sa labi matapos ay tumayo na. "Let's see what we have in the cupboards and in the fridge "  Nagpunta na siya sa may kusina at inabot ko lang siya ng tingin habang nakaupo sa komportable couch niya. "Sakto, baby, meroon ng hinihingi mo. I can really rely on Jonah."

"Who's Jonah, baby?" Tanong ko.

"My brother." Sulyap niya sa akin at ngiti. "Siya ang tinawagan ko para ipalinis itong bahay at magpabili ng mga gamit pati iyon sasakyan ko."

"Ngayon naiintindihan ko na." Ngiti ko sa kanya. "When can I meet them?" Tanong ko.

"The day after tomorrow. I need to meet your parents first thing tomorrow." Tumango na lang ako. Napagkasunduan muna namin magpahinga ngayon at pumunta mamayang hapon sa doktor na nirekomenda at kakilala ni Chris. Paranoid mabuti si Jared. Bago kami umalis ng Batanes ay nagpatingin muna ako at ngayon dumating kami ay ganoon na rin.

"Okay." I smiled at him. "I wonder saan tumatamabay sina Beth at Zachary. Pwede natin sila pakainin ng lunch na rin."

"Baby, sawa na sila sa ampalaya at sardinas." Ngiti nito. Sinimangutan ko na lang siya. Ilang araw ko na rin kasi itong kinakain. "Hayaan mong kumain muna sila ng gusto nila."

"Opo." Sagot ko sa kanya. "Pero dapat kakain ka rin ng ampalaya at sardinas ha."

"Opo, Mommy, kahit ilan lata pa. Para sa'yo." Ngumiti ako ng malapad dahil sa sinabi niya. Jared is really very sweet.

...

"Are you nervous?" Kanina pa kasi hindi nagsasalita si Jared habang nagmamaneho patungong bahay ng mga magulang ko. Nasa tapat na kami ng bahay at hindi pa rin kami bumababa. Tumingin ako sa rear view mirror at nandoon sina Beth at Zachary rin sa isang sasakyan. Buntot na talaga namin sila kahit saan. Kung dati ay naasiwa ako na kasama ko sila pero they have become my friends now. Pakiramdam ko ay barkada kami na laging magkakasama kung saan magpunta.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now