Canvas 26 - Love Painted Abstract (Part 1)

1.7K 82 33
                                    

I woke up early in the morning. Nasanay na rin akong magising ng maaga dahil sa nakaraan araw. Kinuha ko na ang mga trash sa loob ng bahay. Matapos ay nagpunta sa fridge at tiningnan ang spaghetti. Itatapon ko na lang ito.

Lumabas na ako ng bahay at nagpunta sa basurahan. Walang laman ang basurahan kundi ang kaunti tinapon ko. Napatingin naman ako sa apartment ni Jared at mukhang tulog pa ito. Bukas ko na lang siguro itatapon ang basura para mas marami at baka may maidagdag pa si Jared.

Nag-ayos na ako ng mga gamit ko para sa pag-alis. Binabalak kong umalis ngayon linggo na rin ito. I told myself that I won't leave until I see Jared again and now he is already back. I need to talk to him one last time about the apartment. The reinstatement and the payment. Gagawin ko na lang iyon sa mga susunod na araw kapag maayos na siya sa palagay ko.

Inayos ko na rin ang mga paintings ko at binalot ito. Balak kong maghanap ng nagpeframe ngayon para mabigay ko ito sa mga pagbibigyan ko ng maayos at presentable. Binalot ko silang maiigi para hindi sila madamage kapag dinala ko na sila sa magpeframe. At sana makahanap ako ng maayos at magaling magframe. I need to ask for Chris help again.

Natigilan naman ako sa ginagawa ko ng makarinig ako ng katok sa pinto. Napangiti ako sa naisip ko. Si Chris. Hindi na ako tumingin sa peep hole at binuksan iyon ineexpect na ang nakangiting mukha ni Chris ang makikita ko pero hindi. Si Jared.

"Jared-ahm Kuya Jared." Salita ko at ngiti. Hindi siya nakangiti kundi nakatingin lang sa akin. "Good Morning." Bati ko pero hindi pa rin siya ngumiti. "May kailangan ka?" I am trying to act normal but it is hard.

"Kailan mo balak na umalis?" Nabigla naman ako sa tanong niya. Walang kaemo-emosyon ang mga mata niya na naghihintay ng sagot mula sa akin.

"Ahm...baka..." Umiling ako at napatungo. Hindi ko kayang tingnan si Jared ng deretso. I hate his eyes that are devoid of emotions. "Ngayon linggo na ito." Salita ko. "End of the week. I...I want to talk to you about reinstatement. Pe-pwede mong icheck ang buong apartment at kung meroon damage ibawas mo nalang sa deposit ko. O..or kung wala kang panahon na icheck...ahm...siguro sapat na naman iyon deposit ko para macover iyon minimal na damage na nagawa ko sa apartment."

"Can I check now?" Nag-angat naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na ngayon na.

"O-okey..." Binuksan ko ng malaki ang pinto at pinatuloy siya. Naglakad naman agad ito sa toilet. Hindi na ako sumunod doon. Pinagmasdan ko na lang siya mula sa may dining area. Mabilis din naman siya natapos at nagpunta sa may kusina. Tiningnan niya lang iyon at ginala ang tingin sa buong paligid.

Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Jared was really sun-kissed. Dahil siguro sa tagal niya sa isla na pinaglagian niya pero bukod doon pansin ko ang pagpayat ng mukha niya. Pumayat siya. Hindi man ganoon kapayat pero nahalata ko iyon. Meroon din siyang sugat sa braso at binti niya at may sa may pisngi at panga niya.

"Sa kwarto." Tumigil ako sa pag-oobserba ng magsalita siya. Tumango ako at pinatuloy siya sa kwarto. Kumunot ang noo niya. May mga kalat kasi ako ng papel na pinambalot ko ng mga paintings ko at hindi ko pa nalilikom. Palagay ko ay ayaw talaga ni Jared ng makalat. Kung okey siguro kami ngayon ay papagalitan niya ako. Pero dahil hindi kami maayos ngayon ay tahimik lang itong nakamasid. Matapos noon ay lumabas na siya ng kwarto ko at kunot ang noo niya.

"Hi-hindi ba kaya ng deposit ko ang reinstatement?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Ibabalik ko sa iyo ang deposit bukas. At iyon advance mong bayad ibabalik ko rin. Wala akong cash ngayon. Bukas pupunta akong bangko para kumuha ng pera." Tumango na lang ako sa sinabi niya. "Iyon ilang malalaking gamit mo dadalhin mo ba o  iiwan?"

Love On CanvasWhere stories live. Discover now