Canvas 41 - Love on Canvas

3.7K 162 102
                                    

"Tina..." Bumagsak ang katawan ni Tina sa akin. May dugo. Maraming dugo. "Ti-tina..." Hindi ko na mapigil ang iyak ko. "Wala kang kwentang tao, James!" Sinubukan kong bumangon pero gapang nala ang nagawa ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "Wala kang kwentang tao! Napakawalang hiya mo!" Pero kahit sa sakit na nararamdaman ko ay hindi ako nagpapigil sa pagsasalita sa kanya. Kahit sobrang hirap at sakit ay pinilit kong gumapang pabalik sa may console table.

"I should have done that along time ago. Pakialamera masyado ang kaibigan mo, babe. She was very irritating."

"Wala kang kwenta!"

"Babe, sobra na ang pagdurugo mo. Lalabas na ata ang anak niyo." Pinagbabato ko siya ng mga bagay na nasa console table at tatawa-tawa pa itong umilag.

"Babe, wala kang aim." Pero tinapon ko ang ilang natitira hanggang sa napukol ko siya ng isa. Binuksan ko ang drawer ng console table at doon nakita ko ang hinahanap ko. I know it is loaded. Binato ko pa siya ng ilang bagay sa drawer hanggang sa mailabas ko na ang baril at kinasa ito. "Oh what do you have there?"Tinutok ko ito sa kanya.

"Pampatay saýo." Titig ko sa kanya. Tumawa ito ng malakas.

"Alam mo naman ba kung paano gumamit?" Pang-insulto niya. "My poor, modest Leah. Imposibleng marunong ka niyan." Tinutok ko ang baril ko sa taas, sa sprinkler at pinutok ko iyon. Jared taught me about sprinklers and how it will cause an alarm. Magmamadali ang building management na pumunta sa unit.

"Sh*t!" Rumagasa na ang sprinkler at pareho kaming nabasa.

"Diyan ka lang kung ayaw mong sa'yo na ang susunod na tama nito."Banta ko ng papalapit na ito.

"Iyan ba ang naituro sa'yo ng lalaki na iyon?" Lapit pa nito.

"Huwag ka sabing lalapit!" Sigaw ko.

"You cannot fire it to me, babe."

"Huwag kang kampante. Ah!" Sobrang sakit ang naramdaman ko sa tiyan ko. "Ah! Ah!"Napahiyaw ko sa sakit. Binitawan ko na ang baril na hawak ko dahil sa sakit at sinapo ang tiyan ko.

"Paano ba iyan, babe? Hindi na kita papahirapan ha. I have 2 bullets. One is for you head and the other on is for your baby. Ready?" Nanginginig na ako. Kukuhanin ko sana ulit ang baril sa gilid ko pero sinipa na niya iyon. Tinutok niya ang baril niya sa tiyan ko. I just cried hard. Wala na akong nagawa kundi umiyak. Mas diniinan pa niya ang baril sa tiyan ko. Sobrang sakit. I am sorry, baby. I am sorry Jared. Pumikit na lang ako at hinintay ang susunod na mangyayari. I heard a bang. Nanginginig akong napadilat at nakita kong may dugo sa may tiyan ko. Lalo akong napanginigan. Sinapo ko ang tiyan ko sa tama ng baril sa akin pero wala akong makapa. Hindi ito galing sa akin?  Napasigaw ako ng bumagsak ang katawan ni James.

"Leah!"Narinig ko ang boses ng taong kanina ko pa pinagdarasal na nandito. Lumuhod siya sa harap ko. "Baby..." He was crying.

"Jared!"Nasigaw ko ang pangalan niya sa tindi ng sakit na naramdaman ko. Iyon ang huli kong sinambit bago magdilim ang paligid ko.

...

I woke up tired and my body painful. Tumingin ako sa paligid ko at puro puti ang nakikita ko. Nasa ospital ako. Kaagad akong napatingin sa tiyan ko. Hindi na ito ganoon kalaki. Ang baby ko!

"Leah. Thank God!" Narinig ko ang boses ni Jared. Lumapit ito sa akin. His eyes were very red and looked very tired. Para bang kagagaling niya lang sa iyak. Naupo ito sa kama matapos ay yumakap sa akin. "Leah...I am so worried. Thank God you are awake now." Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan ako nito sa labi ng mariin.

"Si ba-by?"Natatakot kong tanong. "Nasaan na siya?" Tiningnan niya ako ng mataman. Hinaplos pa niya ang mukha ko matapos ay ngumiti.

"You had an emergency c-section." He kissed my cheek. "Nasa nursery si baby. He is safe and very healthy." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya at ngumiti ito sa akin.

Love On CanvasUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum