Canvas 21 - Stippled with love

1.6K 100 37
                                    

"Anong pinagsasabi mo?" Tanong ko pa kay Jared. Tiningnan lang ako nito na tila inoobserbahan. "Wala naman akong nakitang sumusunod sa akin." I am worried now but I need to hide it from him. "I mean bukod sa lalake na iyon."

"Because you are oblivious." Umirap lang ako rito. Tumayo ulit ako pero hinawakan niya akong mabuti. Kinalas ko iyon pero hinigpitan niya. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Sino naman magstalk sa akin? I have nothing against anyone." Totoo naman iyon. But then someone wants me dead. Pero ayokong ng idamay si Jared o kahit na sino pa man.

"I have been seeing someone covertly looking to our place this last few days. At first I thought that someone might be interested in the apartment but from what I saw today he wasn't interested in the apartment but to someone...to you. After the incident this evening..." Tumingin siya sa akin mabuti. Mukhang alam ko na kung anong pinatutungkulan niya. "I saw someone again in our vicinity. I went after him to confront him but he was fast and disappeared from my sight. Sa palagay mo ba kung maganda ang pakay noon tatakbo iyon ng ganoon?" Inis pa nitong salita. "Nag-isip ako, wala naman akong atraso sa kahit kaninong tao rito at isa pa sa tagal ng pamamalagi ko rito ay wala naman akong nakitang umaaligid-aligid, ngayon lang. That drew me to the conclusion that someone is after you and not me. Lalo pa ng makita ko mula sa malayo ang pagsunod niya sa iyo. He was not as obvious as the loser just now, he was behind that idiot lagging way behind you. And I knew he saw me because he stealthily disappeared in the dark."

Natahimik ako sa sinabi ni Jared. Hindi ko alam at wala akong ideya sa sumusunod sa akin. Ang alam ko sa huling balita ko kay Daddy ay hindi nakadetain si Tina pero she is under the police watch while the case is still on going. At isa pa kung si Tina iyon mahahalata ko iyon. Tina's move is not very subtle. Siya ang taong hindi alam ang word na subtle. Sino?

"Sabihin mo nga Leah? Kriminal ka ba?" Seryoso akong nag-iisip ng humirit ito. Gusto kong tumawa ng malakas sa tinanong niya pero pinigilan ko. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya.

"Yeah, I killed someone, a man who has the guts to cheat on me for another woman." Tingin ko sa kanya. Titig na titig naman ito sa akin at seryoso siya. Mukhang naniwala. "It was a joke, kuya." Salita ko at halata ko ang pagkayamot sa itsura niya.

"Seryosong bagay ang pinag-uusapan natin tapos magjojoke ka?!" Galit na sambit pa nito. Umiling lang ako.

"Ikaw naman kasi. Kung makatanong ka naman." Naiinis na sambit ko. "Hindi ako kriminal, hindi ako mamatay tao at lalong hindi ako manloloko. Iyan sinasabi mong umaaligid-aligid...hindi ko alam. Wala akong kinalaman diyan. Maybe one of those as you say 'lunatic' stalkers. I had a few and I am used to them. I have a taser to protect myself and a pepper spray to ward them off."

"Nasaan na iyon sinasabi mong weapon mo?" Napailing na lang ako. Hindi ko dala dahil wallet lang ang dala ko. Isa pa hindi ko naman akalain kasi na may aaligid sa akin dito sa tagal ng pinamalagi ko sa isla na ito.

"Next time I will bring it. Kung gusto mo itest ko pa sa'yo para malaman mo how effective it is."

"I am not buying this." Kinalas ko ng tuluyan ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nakalas ko iyon. Tumayo rin ito and he was hovering over me.

"Wala akong pakialam kung maniwala ka man o sa hindi pero iyon lang ang naiisip ko. Malay ko ba na may mga praning din dito sa isla na ito. Akala ko sa Maynila lang." Akto na akong aalis pero humarang ito sa harap ko at kinunotan ko lang ito ng noo.

"Ano ba kasing tinatago mo? Bakit ba hirap na hirap kang sabihin?"

"Wala akong tinatago. So wala akong dapat sabihin. Kuya Jared, padaanin mo na ako. I am through dealing with obsessed men, huwag mong sabihin isa ka rin sa kanila?" Taas ko pa ng kilay rito. Umiling lang ito at umalis na sa harapan ko. Salamat!

Love On Canvasजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें