Canvas 6 - A stroke of different kind of Red

1.8K 92 29
                                    

Hapon na ng makarating ako sa lugar at gabi na ng makahanap ako ng mauupuhan. I was referred by people to Nanay Maria because she is known in the place and they said she can find me a decent place to stay. Nanay Maria searched on my behalf for my lodging through calls to her friends but most of the apartment or houses were fully occupied. Ang hiling ko kasi sa kanya ay ayokong makishare ng bahay o apartment. Gusto kong ako lang mag-isa. She thought of one but were very hesitant about it. Ayaw daw kasi ng may-ari ng apartment na babae ang uupa pero pinakiusapan ni Nanay Maria ang owner at napapayag ito na mamalagi muna ako hanggang hindi pa ako nakakahanap ng bagong malilipatan.

Katabi ng apartment ng tinutuluyan ko ang may-ari. Sarado ang lugar niya kaya kahit na gusto kong pasalamatan siya dahil sa pagpayag niya ay hindi ko naman magawa.

I was left alone by Nanay Maria to settle. Bukas na lang daw niya ako ipapakilala sa may-ari kung nasa mood daw ito at hindi busy. Napaisip naman ako dahil sa sinabi nito. Mukha atang masungit at suplada ang may-ari ng apartment. Mas okay na rin iyon. Atleast hindi niya ako papakialaman.

Binuksan ko ang maleta ko at inayos ang mga damit na susuotin ko bukas. Tumingin ako sa may maliit na kitchen sa kanan at may mga plato at lutuan nga rito. Kahit maliit ay maganda ang lugar. Well-kept kumbaga. Meroon pa ngang maliit na refrigerator.

Pumasok ako sa maliit na bedroom at tningnan ko ang double size na kama at naupo roon. Made up na ito at amoy malinis naman ang punda. Nahiga ako at tumingin sa kisame.

This has been the craziest thing that I have ever done in my entire life. I was never a rebellious teenager. Hindi ko naman naranasan na maglayas at magpakalayo-layo, ngayon lang. Magpakalayu-layo at magtago sa mga taong mahal ko. Ayoko na lang isipin ang implikasyon ng ginawa ko sa mga magulang ko.

Noon nagpunta ako ng bayan ay nagwithdraw agad ako ng pera sa bangko na sapat na sa palagay ko sa gagawin kong pag-alis. Kailangan ko iyon gawin para hindi matrack ni Daddy ang pagwiwithdraw ko at balak kong hindi gamitin ang debit at credit cards ko. I booked a flight from Laoag to my chosen destination. Jo was with me when I was in town and I told him that he needed to drive me to the airport for my early morning flight and of course to keep and hold my secret like his dear life. Wala akong nabanggit kay Jo kung saan ako pupunta at ang tanging alam niya lang ay pupunta ako sa malayo.

The night before my departure I spent my time with my parents. I hugged and kissed both of them for the last time. My Daddy was joking again the entire time and Mommy was laughing again. I missed that. I missed my Daddy's sense of humor and my Mommy's laugh. I was observing them and mentally drawing and etching their smiles and laughters in my mind and in my heart. I will definitely miss them and I need all the memory that I can muster before leaving. Ngayon pa lang ay namimiss ko na sila..pero kailangan ko ito. Kailangan kong mapag-isa at lumayo.

I stared at the white ceiling and inhaled deeply. Tomorrow is a new day in this new place. Bukas susubukan kong mabuhay ulit ng bago. Bukas magsisimula ulit ako.

...
Nagising ako ng may marinig akong pag-uusap mula sa labas. Napabalikwas ako at nakita ko na lang ang araw na tumagos mula sa bintana. Napatingin ako sa relo ko. Alas singko y media na ng umaga. Nakatulog ako ng sobrang haba at ngayon lang iyon nangyari sa dami ng tumatakbo sa isip ko nitong nakaraan buwan.

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko. Kaagad akong nagpuntang banyo para maligo pero laking gulat ko na wala palang heater. Napabuntong hininga ako. Hindi naman ako makakalabas at makasalamuha sa tao ng hindi groomed kaya kahit napakalamig ng tubig ay naligo ako.

Natapos akong maligo matapos ng kalahating oras na kumbinsehan na kailangan kong maligo kahit na freezing ang tubig. Ten minutes lang ako naligo. Ito ang pinakamabilis kong paliligo sa tanang buhay ko dahil sa lamig ng tubig. My first time in my new life. There is always a first in everything pero kailangan kong itake note ito sa may-ari kahit na suplada pa ito o masungit. Hindi ko kakayanin ang ganitong kalamig na tubig lalo pa at kumikirot ang mga tahi ko.

Love On CanvasWhere stories live. Discover now